PROLOGUE

6.3K 203 1
                                    


"Hindi ka ba naiinggit sa mga bata na masayang naglalaro sa labas?" paiba niyang tanong.

Tumingin ulit sa kanya ang bata na parang nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"

"Para makapaglaro ka na kasama nila at para makapasok ka na rin sa school, kailangan mo syempre akong tulungan. Kailangan mong sagutin ang mga tanong ko, 'yung hindi ka naglilihim."

Tumango na lang ang bata. "Okay."

Magsisimula na sana ulit ng tanong si Dr. Jimenez nang makarinig siya ng mahinang paghalakhak. Alam niyang narinig din ito ng bata dahil nagging aligaga ang reaksyon nito. Tumayo siya at sumilip sa bintana para tiyakin kung sa labas nanggagaling iyon subalit payapa ang kalsada at walang taong dumaraan. Bumalik siya sa pag-upo ngunit narinig na naman niy ang halakhak ng isang lalake. At ngayon ay sigurado siyang galing lamang sa loob ng kwartong iyon!

The Case of Mary Kate OlivarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon