Pilit bumabangon si Dr. Jimenez mula sa kalsada subalit hindi niya magawa. Sobra ang sakit na nararamdaman niya mula sa mga tinamong sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Tumilapon siya sa kotse. Agad naman siyang tinulungan ng mga taong naroroon.
"Si Cherry? 'Yung kasama ko sa kote? Si Cherry?" tanong niya sa mga bumubuhat sa kanya subalit wala siyang nakuhang sagot. Matinding pagkahilo ang nadama niya kaya nawalan na siya ng malay.
***************************
Iminulat ni Alfred ang mga mata at napansin niyang nakahiga na siya sa kwarto na kulay puti ang mga dingding. Nakita niyang nakatayo ang isang babae sa tabi niya, pinipilit numiti.
"Sa wakas at nagising ka na." sabi nito.
"Ate Lalaine....... Si Cherry? Nasaan si Cherry." Nasabi niya. Pinsan iyon ni Alfred at naging malapit na rin sa kanya simula noong mamatay ang kanyang mga magulang.
"Magpahinga ka na lang muna."tanging sagot nito.
"Hindi, gusto kong malaman kung nasaan si Cherry!"
"Makakasama sa'yo kapag lalo ka pang nag-alala." Sambit ng pinsan habnag hinahaplos-haplos ang braso niya.
"Hahanapin ko si Cherry. Titingnan ko kung saang room siya." Sabi nito at pilit na bumabangon at tinatanggal ang dextrose sa kamay subalit matinding pananakit ng katawan ang naramdaman. May mga benda siya sa braso at ulo.
"Huwag, makakasama sa'yo 'yan. Please pinsan makinig ka sa'kin."
"Ate naman."
"Wa———-wala na si Cherry."
"Huh? Paanong.... Paanong wala ate?"
"Patay na si Cherry. Naipit siya doon sa kotse."
Hindi makapaniwala si Alfred sa narinig. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. "Hindi...." Nasabi na lang niya at bumagsak na ang mga luha niya. "Hindeeeeeeee!!!!!!!!!!!!!" pagsigaw niya. Sobrang pighati ang nasa puso niya. Hindi niya matanggap na wala na ang mapapangasawa niya. Ang mga plano nila sa hinaharap ay nawala na dahil hindi na niya makakasama ang pinakamamahal. Walang tigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha habang pinapakalma siya ng pinsan.
"Ayaw ko sanang sabihin sa'yo eh." Sabi ni Lalaine na nakayakap sa kanya.
"Ate..... wala na 'yung mahal ko. Ate..... wala na 'yung pakakasalan ko." Ulit-ulit niyang sinasabi.
"Tama na 'yan. Tama na." umiiyak na rin ang pinsan niya.
Natapos ang buong araw na nakatitig na lang siya sa puting kisame. Namumugto ang kanyang mga mata. Wala siyang ibang iniisip kung hindi si Cherry. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
************************
"Kumusta po dok?" tanong ni Lalaine sa dumating na doktor. Naulinigan iyon ni Alfred subalit hindi na niya binuksan ang mga mata, kahit yata pagmulat ay hindi na niya magawa dahil sa panlulumo.
"Mabuti na ang kundisyon ni Alfred, napakswerte niya dahil nabuhay pa siya. Kung hindi diya tumilapon at naipit din sa kotse tulad ng nangyari kay Cherry, malamang wala na rin siya." Paliwanag ni Dr. Perez. "Nakakausap ko pa lang 'yang dalawang noong nakaraang linggo at sinabi nga nila na malapit na silang ikasal. Tsk, kawawa naman." Dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
The Case of Mary Kate Olivar
Mystery / Thriller1ST CASE of "THE CASE" SERIES Isang panibagong kliyente ang panghahawakan ng child psychologist na si Dr. Alfred Jimenez. Pero sa lahat ng pinanghawakan niya, ang kaso ni Mary Kate ang kakaiba.... isang kasong tunay na mag-iiba ng kanyang mundo. Tot...