Chapter VIII

3K 111 0
                                    


            Hindi na sila nag-abala pang kumatok sa pinto. Diretso na agad nilang tinungo ang kwarto ng bata. Subalit hindi nila inaasahan ang makikita.

            "Dr. Jimenez, buti naman at nakarating ka." Nakangiting sabi ni Loreta.

            Tinitigan niya ang dalawa. Parang normal lang ang lahat, si Loreta at ang anak lang nito ang nasa loob, magkatabing nakaupo sa papag at sinusubuan ng noodles ang anak. Nagtaka naman siya.

            "'Yung tatay ko.... narinig ko dito yung tatay ko.."

            "Huh? Anong pinagsasasabi mo dok?"

            "Hindi eh. Narinig ko talaga dito 'yung tatay ko!" sambit nito habang lumalakad at balisang balisa.

            "Dok, okay lang po ba kayo? Tayo sa labas para makapag-usap." Sabi nito at hinawakan ang braso niya.

            "Bitawan mo ako! Sabihin mo nga sa akin ang totoo Aling Loreta!"

            "Dok, may lagnat ka ba? Anong ibig mong sabihin?" tanong nito na parang alalang-alala.

            Tinitigan ni Alfred ang bata. Namumugto ang mga mata nito. May mga pasa sa braso at may sugat sa labi. "Anong ginawa mo sa batang 'yan?"

            "Sandali dok, hindi talaga kita maintindihan. At sino 'yang magandang dalagang kasama mo?" wika nito at nilapitan Si Cherry. "Ang ganda mo." Sabi ulit nito at hinaplos ang kutis ng babae. Napaurong naman si Cherry.

            "Huwag mo siyang lapitan. Sabihin mo sa akin ang totoo, matagal mo na ba akong kilala?"

            "Dok....."

            "Huwag ka nang magsinungaling. Alam ko na ang lahat! Ikaw ang kabit ng tatay ko, tama ba?!" mataas na ang tono ng boses ni Alfrednasiya namang ikinabigla ni Loreta.

            Lumayo ang ale at nagtungo sa kusina, nagsimulang maghugas ng mga plato, halatang umiiwas sa mga tanong sa kanya.

            "Please Aling Loreta, magtapat ka."

            "Di ba kakausapin mo pa si Kat, para matulungan siya sa sakit niya?"

            "Huwag mong ibahin ang tanong. Bakit ako pa? Bakit ako? Pwede ka namang maghanap ng ibang doktor. Okay na sana ako sa buhay ko."

            Napatigil ito sa pagsasabon ng plato at humarap sa kanya. "Kasi ikaw lang ang makakatulong kay Kat.." naluluha na nitong sabi.

            "Sa papaanong paraan? At bakit ang tatay ko pa?"

            "Mahal ko ang tatay mo." Tuluyan na itong lumuha. "Hindi ko akalain na malalaman moa ng katotohanan." Dagdag pa nito.

            "Hindi mo ba alam na may pamilya siya? Hindi mo ba alam na ang ginawa n'yo ay makakasira ng pamilya? Hindi lang ng sa amin pero sa'yo din!"

*****************************

            Hindi na nakinig pa si Cherry sa pag-uusap ng dalawa. Malalaman din naman niya ang iba pang matutuklasan ng nobyo. Nagdesisyon siyang puntahan si Mary Kate sa kwarto nito. Dahil sa nakita niyang kalagayan nito ay nakaramdam siya ng awa.

            "Natatandaan mo pa ba ako?" nakangiti niyang tanong.

            Tiningnan lang siya ng bata. Ito naman ang walang emosyon sa mukha.

The Case of Mary Kate OlivarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon