Chapter VI

3.1K 125 0
                                    


            "Boo!!!!" panggugulat ni Cherry sabay ang pagtawa at pagyakap kay Dr. Jimenez.

            Nakahinga naman ng maluwag ang doktor at binitiwan ang hawak na baseball bat. "Cherry, ikaw lang pala! Ginulat mo ako!" sabi niya at hinalikan sa labia ng mapapangasawa.

            "Haha, Mr. Doctor Alfred Jimenez.... hindi mo siguro ineexpect na ako ang gugulat sa'yo."

            "Pero teka, paano ka nakapasok?"

            "I have your spare keys, remember?"

            "Ah oo nga pala, pasensya, nalimutan ko. Ang dami ko kasing iniisip."

            "Pwede bang ako na lang ang isipin mo?" sweet na sabi nito.

            "Kanina ka pa ba nagtatago?"

            "Kararating ko lang actually, magkasunuran lang 'yung kotse natin. Natakot ka ba?"

            "Absolutely not."

            "Hindi daw, nagpapanic ka na nga! Hahaha." Sabi nito at hinila papasok ng kwarto ang doktor. Inihiga niya ito sa kama at siya'y dahan-dahang hinubad ang suot na bestida na parang nang-aakit. Napangiti si Dr. Jimenez, hindi siya nagkamali sa kabiyak. Maganda ito, matalino at manager ng isang bangko. Maraming lalaki ang nagkakagusto dito subalit siya ang maswerteng napiling makasama habambuhay.

            Nang gabing iyon ay walang ibang nasa isip si Alfred kung hindi ang mainit na pagmamahal kay Cherry. Muli siya nitong hinalikan and the rest is history.

********************

            Nag-aalarm na ang orasan sa side table ng doktor nang magising si Dr. Jimenez. Wala na sa tabi niya si Cherry. Tirik na ang araw, alas siyete na pala ng umaga. Nabasa niya ang isang maikling sulat katabi ng alarm clock. "Got to go. See you later. I love you." Nakalagay sa sulat at may halik pa ng lipstick sa ibaba.

            Abot-tenga na naman ang kanyang ngiti. Naalala niya na babalik pala siya sa bahay ng mga Olivar para sa malalimang pag-oobserba sa bata. Naalala na naman niya ang nilalang. Parang pamilyar ito sa kanya subalit hindi na niya inintindi. Naliligo na siya nang biglang lumamig ang tubig kahit na nakaheater ang shower. Bigla siyang may narinig na mga yabag na naman ng mga paa. Sinara niya ang shower para siguraduhing tama ang naririnig niya. Naulit na naman. May animo'y taong tumatakbo sa sala ng condo niya! Inisip niya na baka bumalik si Cherry.

            "Cherry? Babe? Ikaw ba yan?"

            Agad niyang inalis ang shampoo sa buhok at nagtuwalya para lumabas. Mas lalong malamig ang atmospera sa labas ng shower kahit na nakasara na ang aircon. Tinawag ulit niya ang pangalan ng nobya subalit walang Cherry na sumagot. Tumingin tingin pa siya sa paligid. Nanginig siya sa sobrang lamig.

            "Tulungan mo ako............." Bigla niyang narinig mula sa likuran.

            Dahan-dahan siyang lumingon at nahindik sa nakita. Naroon na naman ang nabubulok na nilalang. Sa pagkakataong iyon ay napasigaw na siya sa takot. "Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!"

            Mabilis siyang napatakbo sa loob ng kwarto, kahit na bagong ligo pinagpapawisan siya at naginginig sa takot. Hindi niya alam kung makakalabas pa siya ng kwartong iyon.

            "Diyos ko Lord, tulungan ninyo po ako." Pagdadasal niya.

            Narinig niyang may lumagabog sa pinto. Malakas. May pwersa. Parang gustong pumasok sa loob. Sumandal siya sa likod ng pinto. Naluluha na siya sa sobrang takot. Ilang sandali pa ay narinig niya si Cherry na tumatawag mula sa kabila. "Babe! Alfred!"

            Nabuhayan siya ng loob at agad na binuksan ang pinto. Mahigpit niyang niyakap ang nobya. "Oh my God, thank you."

"Babe, what's wrong?" takang-taka naman si Cherry. "I just forgot my purse."sabi nitoat kinuha ang gamit sa kama.

"Babe, just wait for me, okay? Magbibihis lang ako. Sabay na tayo. I will tell you something. Sana maniwala ka."

"Psh, puhhhhlease. Ano na naman yang sasabihin mo? Break up? Hahahahahaha" pabiro ang pagtanong nito.

Napansin ni Cherry na seryoso ang mukha ni Dr. Jimenez. "Oh okay babe, sorry. Sige, I will wait you by the door." Sabi nito at nagtungo malapit sa main door ng condo para mag-abang sa nobyo.

"Babe, please hurry up! I'm going to be late sa trabaho ko. I need to finish something. May client din ng bangko na darating."

Hindi sinasadyang mapansin niya ang mga dokumento at ibang folder na nagkalat sa sofa. Dala ng kyuryosidad ay umupo siya para tingnan ang mga ito. Malaki pa rin ang pasasalamat niya dahil sa kabila ng demand ng kanilang propesyon ay mayroon pa rin silang oras sa isa't isa. Pero mas nakakapagod ang gawain ng nobyo bilang child psychiatrist, sinabi nito na gusto niya ang mga bata at naaawa siya kapag may problema ang mga ito kaya gusto nitong tulungan. Kahit siya ay gusto na ring magkaanak kaya excited na rin siya sa kanilang kasal na nakaset na sa susunod na taon.

Binuklat buklat niya ang mga report at binasa ang ilang impormasyong nakasulat. Isang papel ang nakakuha ng atensyon niya. Profile data iyon ni Mary Kate Olivar. Tinitigan niyang mabuti ang litrato ng bata.

"Oh my God..............."

The Case of Mary Kate OlivarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon