"Gusto mo ba munang magpalit ng damit?" tanong nito sa bata.
"Bakit pa?" Para saan pa?" usisa ni Kat.
"Para mas kumportable ka. Para mas matulungan kita." Pagsisinungaling nito. Ang totoo ay ayaw niyang makitang ganoon ang bata.
"Talaga?"
"Oo naman." Nakangiti niyang sabi. Sa kabila pala ng mature nitong gawi ay hindi maikakaila na kung minsan ay bata pa rin ito kung mag-isip.
Napayuko na lang ang doktor nang simulan ng hubarin ni Kat ang suot nitong damit.
"Ahm, Kat, sandali.. lalabas lang muna ako sandali. Kakausapin ko lang ang nanay mo ha."
Tumango ang bata pagkatapos ay ngumiti. Sa wakas ay nakita rin ni Dr. Jimenez itong ngumiti, iyong ngiti na walang panlilinlang, ngiting walang bahid ng pagdurusa.... ngiting totoo. Tumayo na siya at lumakad palabas ng kwarto at isinara ang pinto. Nakita niya ang nanay ni Kat na naglalagay ng asukal sa dalawang tasa.
"Dok, umiinom ka ba ng kape?" tanong nito sabay punas ng tumatagtak na pawis sa noo gfamit ang maliit na tuwalyang nakasabit sa balikat, naalala niya ang namayapa niyang tatay na drayber ng pampasaherong jeep. Ang 'good morning towel' ang nagpapaalala sa kanya ng kasipagang ibinuhos ng tatay niyamapag-aral lang siya.
"Naku, oo naman po. Paborito ko nga po iyan." Sagot niya.
"Pasensya ka na, wala akong gatas na mailalagay sa kape."
"Naku okay lang po 'yun, hindi na nga po dapat kayo mag-abala eh."
"Walang problema 'yon dok."
Umupo na sila na magkaharap. "Ano na nga pala ang napag-usapan n'yong dalawa ng anak ko?" bungad na tanong agad ng ina.
"Ah Mrs. Olivar...."
"Loreta.. Aling Loreta na lang."
"Ahm.. Aling Loreta, wala pa po kaming masyadong napapag-usapan bukod sa ayaw siyang tinatawag sa tunay niyang pangalan."
Napahalakhak si Aling Loreta subalit saglit lang. Ramdam niyang gusto nitong maging maging masaya nang tuluyan subalit hindi magawa. "Ayaw nga talaga niyang tinatawag siyang Mary Kate, masagwa daw. Naiinis nga siya kung bakit daw yun ang ipinangalan namin sa kanya ng...... tatay n'ya." Malungkot nitong turan.
"Bakit po, nasaan na ang tatay ni Kat?"
"Matagal ng patay, sa aksidente. Nasagasaan habang naglalako ng tinda."
"I'm very sorry to hear that."
"Okay lang, matagal naman na iyon."
Sa pagkakataong iyon ay naalala na naman niya ang tatay niya, tulad ng asawa ni Aling Loreta, sa aksidente rin namatay ang ama niya.
"Medyo kulang po ang report na naibigay sa akin tungkol sa anak nyo. Maaari ko po kayong mainterview pa para sa karagdagang impormasyon?"
"Maaari po bang ikwento ninyo kung ano talaga ang buhay ni Kat bago pa siya magkaroon ng....... ng...... ganoong kondisyon?" sabi niya, hindi pa kasi niya malaman kung ano ba talaga ang itatawag sa sakit ng bata. Inilabas na niya ang dalang papel at ballpen, handa nang magsulat.
"Lumaking masayahing bata naman ang anak ko. Palakaibigan. Masaya ang buhay namin noon kahit payak lang ang aming pamumuhay. Madalas siyang isama ng tatay niya sa paglalako ng aming tindang gulay habang nakasakay sa bisikleta. Marami raw ang natutuwa kay Kat at bumibili ng gulay kaya naniniwala ang asawa ko na maswerte ang anak namin na 'yan." Pagsasalaysay ng ina.
"Kailan po siya nagsimulang magkaganyan?"
"Simula lang noong mamatay ang tatay niya noong walong taong gulang pa lamang siya. Sobrang naging malulungkutin na siya. Madalas na siyang nagkukulong sa kwarto at bihira nang pumasok. Hanggang isang gabi, nagising na lamang ako nang sumisigaw na si Kat at nagwawala sa higaan nito. Ang sabi ay dinadalaw raw siya."
"Dinadalaw? Nino?"
"Hindi ko alam, hindi naman siya nagsasabi sa akin at ayaw niyang sabihin."
"Sa tingin ninyo po ba ay hindi pisikal na pagdalaw ang nangyayari?"
"Ano po ang ibig ninyong sabihin dok?"
"Kung ang pagdalaw na sinasabi niya ay hindi tao, tulad nga ng sinabi ninyo ay hindi ninyo alam kung sino."
"Sa tingin ko po ay ganun nga, naisip ko nga na baka may magnanakaw na pumapasok dito kaya inaayos ko ang pagsara ng pinto pero wala namang palatandaan na pinapasok kami dito ng tao kaya hindi ko maintindihan ang anak ko sa sinasabi niya. Naging madalas na iyon tuwing gabi kapag pumapasok ako ditto sa kwarto niya."
"Ah ibig sabihin Aling Loreta, hindi kayo magkatabing natutulog?"
"Hindi, ayaw niya. Hindi ko rin alam kung bakit."
"Ah okay po, pero kahit na ganoon ang nangyayari sa kanya ay pumapasok pa rin ba siya sa school?"
"Oo, sabi niya gusto niyang makatapos ng pag-aaral. Gusto niyang maging nurse para daw siya ang mag-aalaga sa akin kapag ako ang nagkakasakit.."
"Sweet naman palang bata si Kat."
"Oo, nagmana sa tatay nya. Malambing."
"At base ditto sa report, sinubukan ninyong ipadrug test ang bata????"
"Oo, 'yun kasi ang sabi ng mga naunang doktor niya."
"Parang hindi naman makatarungan 'yon. Inisip n'yo na sa murang edad niya ay gumagamit na siya ng droga?"
"Opo."
"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon Aling Loreta, kapag nagsusuffer ng hallucination ang isang tao ay droga agad ang dahilan. Maraming factor po ang nakakaapekto sap ag-iisip ng bata."
"Alam ko po 'yon dok, pero nung may makita ako sa bag niya pag-uwi niya galing eskwelahan ay naisip ko na baka totoo nga."
"Ano ang nakita n'yo sa bag?"
"Marijuana.........."
BINABASA MO ANG
The Case of Mary Kate Olivar
Mystery / Thriller1ST CASE of "THE CASE" SERIES Isang panibagong kliyente ang panghahawakan ng child psychologist na si Dr. Alfred Jimenez. Pero sa lahat ng pinanghawakan niya, ang kaso ni Mary Kate ang kakaiba.... isang kasong tunay na mag-iiba ng kanyang mundo. Tot...