Ilang araw na ang nakakalipas subalit hindi pa rin magaling ang mga sugat ni Dr. Alfred Jimenez. Hindi pa siya makakilos ng maayos. Tanging ang assistant niya ang nag-aalaga at kumukuha ng mga kailangan niya. Alam niyang matagal pa bago siya makapasok sa trabaho subalit naisip niyang mas mahalaga ang kanyang kalusugan.
May inabot ang assistant niya sa kanya, isang dyaryo.
"Salamat Mary Kate." Nasabi niya. Tumango na lamang ang bata sa kanya at ngumiti. Malaki na agad ang pinagbago nito. Malinis na tingnan at malusog na ang pangangatawan. Alam niyang matagal pa ang proseso ng pag-ampon pero maghihintay siya.
Binuklat niya ang dyaryo nang umagang iyon, tiningnan ang mga pangyayari sa mundo. Isang ulat ang nakapukaw ng atensyon niya. Tinitigan niya ang isang larawan na siyang paksa ng balitang iyon. Binasa niyang mabuti ang bawat detalye, sa ibaba ng picture ay nabasa niya ang isang pamilyar na pangalan: MISSING: ANDREA MILLER.
*******************
After four months.
"Thank God! Hindi tayo expelled!" masayang sabi ni Sam. Nasa hallway ng school ang tatlong girls habang naglalakad.
"Yeah, I thought we will be." Wika naman ni Molly. "Pasalamat tayo sa lawyer na daddy ni Chelsey, kung hindi, for sure, lalong masisira ang school na ito kung dinala pa ito sa jury. Buti nagkaayos na ang kampo natin at nila." Dagdag pa niya.
"Well, we don't deserve to be expelled. It will be an unfair decision." Sagot ni Chelsey.
"I'm still sad na hindi pa rin natin nalalaman kung nasaan si Andrea." Malungkot na sambit ni Molly.
"At 'yung serial killer, hindi pa nahuhuli, nakapambiktima na naman itong dalawa pang tao after this whole four months sa dalawa pang bayan. Nakakatakot na. Napakailap ng killer na iyon. I am hoping na hindi si Andrea isa sa mga biktima niya." Pahayag ni Chelsey.
Sinalubong sila ni Rick, Jesse at Jake.
"Hey girls!" bati ni Jesse.
"Hi!" sabay-sabay na sagot ng tatlo.
Pumunta sila sa pantry at palibot na umupo. "I can't believe na hindi na tayo ganoon kapopular after what happened." Si Rick naman ang nagsalita.
"Oo nga eh, 'yung iba iniwasan na tayo like we are some contagious freaks!" naiinis na winika ni Molly.
"Sino kasi ang nagpakalat nung rumor na isa raw sa atin ang may kagagawan no'n kay Andrea! They're so judgmental." Biglang usal ni Chelsey.
"We don't deserve to be treated like this."
"Teka, hindi ninyo ba kasama si Marco?" tanong ni Sam.
"Alam n'yo ba na sobrang iwas at lalong nag-iba na ang kilos nung taong 'yon simula ng mawala si Andrea." Sabi ni Jesse.
Nagkatinginan ang lahat. "You know what I think?" pabulong na tanong ni Chelsey. Hindi naman umimik si Jake, nakikinig lang sa mga sinasabi ng kasama.
Nakabuo sila ng hinuha na may kinalaman talaga si Marco sa mga nangyari. "We should tell what we feel to the police!" suhestiyon ni Sam.
BINABASA MO ANG
The Case of Andrea Miller
Mystery / Thriller2ND CASE of "THE CASE" SERIES Andrea Miller is the life of the party, one of the most beautiful girl in Arlington University. Pero isang kaganapan ang makapagpapabago ng buhay niya. She suddenly disappears. Will her friends be able to find her? Or t...