Pagkatapos silang makausap lahat ng police inspector ay umalis na sila. "Pupunta ba tayo sa burol ni Andrea?" tanong ni Jake.
"I don't think so." Sagot ni Chelsey. Sumang-ayon naman ang iba.
"Sam, sa apartment ko na lang tayo matulog. Ayaw kong umuwi sa amin eh." Yaya ni Chelsey.
"Bakit di pwede sa bahay n'yo?"
"They're just going to ask me what happened and I'm so tired of explaining."
"Kung sa bagay."
"Anyone who wants to join us?"
Walang sumagot na iba dahil ramdam pa rin nila ang tensyon sa pagitan ni Jake at ni Marco kaya minabuti na lang ni Jake na pumunta ng solo sa chapel kung saan nakahimlay ang labi ni Andrea. Kahit sa malayo ay agad na tanaw ang nagliliwanag na loob ng chapel. Dahan-dahang lumakad si Jake, lahat ng nakakasalubong niya ay tinititigan siya. Nadatnan niya si Mrs. Sonya Miller na nasa may pinto ng chapel. Agad siyang nagmano. Makikita sa mukha nitoang sobrang kalungkutan, namumugto ang mga mata. Niyakap niya ito.
"Inasahan ko na ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala." Sagot ng babae.
"Okay lang po 'yan tita. Mahuhuli rin naman ang gumawa n'yan sa kanya."
"Ang sakit lang sa kalooban. Huhuhuhu."
"Tita, nakapagbigay na po ba kayo ni Tito ng pahayag sa mga pulis ukol sa nangyari?"
"Hindi pa pero ayaw ko ng magsalita. Ganoon din ang asawa ko nasa America pa rin hanggang ngayon."
"Ayaw po ba ninyo malaman kung ano ang tunay na nangyari kay Andrea?"
"Gusto pero may sasabihin ako sa'yo tungkol sa anak ko....."
****************
"Verano! Magsasalita na raw si Roso ukol sa kinasangkutan niya sa kaso ni Ms. Miller!" sigaw ni Olseco sa kanya.
Dali-dali niyang dinala si Albert sa interrogation room. "Buti naman at naisipan mo ng magsalita."
"Gusto ko lang, alam mo kasi Police Officer, hindi pwedeng ako lang 'yung nakakaranas ng ganito, idadamay ko na syempre ang mga dapat ng nakakulong."
"Sige, ikwento moa ng tunay na nangyari kung bakit sa pinatay mong babae napunta ang mga damit ni Mrs. Miller."
"May lumapit sa aking isang kaibigan, sabi niya kailangan niya ng tulong. Pinagbigyan ko naman siya, matagal na niyang alam na ako ang serial killer na gumagala sa lugar. Sabi niya, kailangandaw niya ng ebidensyang makapaglilihis sa imbestigasyon ng mga pulis. Ilang araw pagkatapos ang nangyari sa Timber Grove na pilit ninyong ibinibintang sa akin ay nagkita kami at ibinigay niya sa akin ng kaibigan ko ang mga piraso ng damit na sabi'y isuot ko sa biniktimang prostitute, pumayag naman ako dahil may kapalit na droga at pera. May kasama nga pala siya noong gabing iyon na isang babae."
Medyo nagulat ang pulis at agad na ipinakita sa kanya ang mga profile data ng bawat isa sa grupo. Ituro mo, sino d'yan ang lalaking sinasabi mo?"
Itinuro nito ang litrato ng isang lalake. "Siya 'yon."
"At sino naman ang babaeng sinasabi mong kasama niya? Ito ba?" tanong ni Verano nang ipakita kay Albert ang litrato ni Andrea.
"Hindi siya, ito." At itinuro ang isa pang picture ng babae. "Silang dalawa ang nakipagkita sa akin noon. Pinangako ko sa kanila na hindi ko sila ituturo pero nagbago na ang isip ko. Hahahaha." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
The Case of Andrea Miller
Mystery / Thriller2ND CASE of "THE CASE" SERIES Andrea Miller is the life of the party, one of the most beautiful girl in Arlington University. Pero isang kaganapan ang makapagpapabago ng buhay niya. She suddenly disappears. Will her friends be able to find her? Or t...