Chapter XI

2.5K 106 0
                                    


                Bago magpapasok si Verano sa interrogation room ay nakatanggap siya ng isa pang tawag mula sa mga forensics. Napailing siya ng ulo, "Totoo ba talaga 'yan?" tanong niya at matapos ang ilang segundo ay ibinaba na ang tawag.

                "May kailangan kayong malaman. Isang impormasyon na magpapatunay na nagsisinungaling kayo sa mga sinabi niyo sa akin."

                Naguluhan ang grupo. "Anong ibig mong sabihin Sir?"

                "Ayon sa mga nagsuri ng nakuhang bangkay ng kaibigan ninyong si Andrea Miller——— walang palatandaan na buntis ito."

                "Huh? Imposible——" nasabi na lang ng mga ito.

                "'Yun ang totoo."

                "Baka po hindi talaga si Andrea ang nakuhang bangkay!" sabi ni Rick.

                "Pina-DNA na rin namin ito at positibo ngang si Andrea ito. Ibig sabihin, lahat kayo ay nagsinungaling."

                "Imposible 'yan, she told me that she's pregnant the night she disappeared!" saad ni Jake.

                "Maaari pong pinalaglag na ang bata sa sinapupunan niya bago siya patayin!" suhestiyon ni Jesse.

                "Posible, pero hindi rin, katulad ng sinabi ko, walang palatandaan na may nabuong bata sa kanya." Sagot ni Verano.

                "How come——"

                Lahat sila ay naguguluhan kung ano na ba talaga ang totoo, kung accurate ba ang pagsusuri sa bangkay o hindi talaga nagsasabi ng totoo si Andrea. Lahat ng impormasyon ay hindi umaakma sa isa't isa, lahat ay magulo, walang nakakaalam kung ano ba talaga ang katotohanan sa kaso ni Andrea.

                "I can't believe this. Everything's weird and confusing." Wika ni Chelsey.

                Lahat ay tahimik nang ipatawag na si Rick sa loob ng kwarto. Kasunod na pumasok na ang pulis.

                "Nagulat ka ba sa nalaman mo?" tanong ni Verano.

                "Of course yes! We all thought na buntis siya. Pero hindi pa rin ako naniniwala na si Andrea 'yung bangkay."

                "Well, hindi pwedeng magkamali ang mga eksperto."

                "Pe—"

                "Base dito sa profile data mo, Mr. Ricardo Morillo Jr, you almost got kicked out sa Arlington University dahil sa pagbasag mo ng salamin sa kotse ng isa ninyong guro."

                "That's true, I will never deny it. Andrea made me do that."

                "Bakit? Ah, alam ko na, nabasa ko kasi dito sa pahina ng diary niya."

July 24, 2011

Dear Diary,

                I really hate our professor! Pinahiya niya ako sa harap ng klase, pinagmukha niya akong katawa-tawa sa loob dahil lamang hindi ko nasagot ang tanong niya about sa subject namin! I was really embarrassed; lahat ng classmates ko pinagtatawanan ako. I never felt like that before, usually ako ang nangpapahiya ng tao but this time, ako 'yung naging sentro ng atensyon dahil sa ginawa niya. Pero hindi ako pumayag na ganoon na lamang 'yon, buti na lang ay may panglaban ako sa kanya. Nagkataon na kailangan ni Rick ng additional na P30,000 para sa tuition fee niya. Lumapit siya kanina sa akin and he said he badly needed it. Hindi alam ng parents niya na natalo ang pera niya sa drag race. Too bad for him. Of course, since he wants a favor, dapat may kapalit so I decided to lend him some in exchange of what he's going to do for me. Gantihan ang aming professor, since he badly needed the money, for sure gagawin niya iyon.

The Case of Andrea MillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon