Chapter 14: The Possession Of The Man
Pareho kaming lumabas ni Zaire sa kwarto namin habang magkahawak ang kamay namin, paglabas namin ay may bumukas na pinto sa harapan namin at parang kwarto iyon ni Aki.
Inalis ko ang kamay ko kay Zaire at dahan-dahan akong pumasok nang mapansin kong nandoon ang lahat. May biglang humawak sa kamay ko na ikinatigil ko at natigilan, binigyan ko ito ng tingin at si Zaire pala.
"Let's just get out. They are doing something private." He said.
Binigyan ko sila ng tingin at si Clive naman ay nakatingin sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at umalis na kasama si Zaire at narinig kong nagsara na ang pinto.
"Zaire, umm. Pwede bang malaman kung ano ang ginagawa nila?" tanong ko sa kanila dahil sabik na sabik ako na malaman dahil meron akong nakita na may mga baril at dugo kay Aki.
"Baby, this is just doing something with chemistry. Okay?" sagot naman niya sabay hinawakan ang pisngi ko at ngumiti at tumango na lang ako. "And don't call me Zaire or else, I'll throw you on bed."
Namumula ako pagkatapos niya iyon sinabi at hinawakan niya ang kamay ko saka umalis. Bakit naman ba kasi gano'n? Ano tatawagin ko sa kaniya? Hindi naman siguro baby, gosh! Babe? NO! Love na lang. Yes. LOVE na lang total madami namang nagtatawag sa mga partners nila. Lumabas na lang kami ng building samantalang nakangiti ako kay Zaire.
"Baby." tawag niya.
"Hmm? Yes?" tanong ko sa kaniya sabay huminto nang nakalabas na kami.
"If I tell who—"
Nakita ko si Tamara sa likuran ni Zaire at agad ko iyon tinawag, ang bilis niya lang ha. Helicopter yata ang kaniyang sinakyan niya? Saka, siya pa. Kasi kapag na sa malayo ako at kailangan ko siya, palaging helicopter o airplane ang ginagamit niya.
"Bre? What a coincidence!" umaakto niyang saad. Ack, this is why I like her. Fashion designer na nga, actress pa!
Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang kamay, tinasaan ko siya ng kilay sabay ngiti. Napatingin siya sa likuran ko at sigurado ako na si Zaire iyon.
"Oh, my husband. Zaire. And love, this is my bestie, Tamara." pakilala ko at nanlaki ang mga mata niya nang tinawag ko siyang LOVE.
Kunyari hindi niya pa kilala. Lumapit sa amin si Zaire samantalang ang mga kamay niya ay na sa bulsa niya, nakasimangot na din siya. Kinuha niya ang kamay ko kay Tam.
"Don't touch my baby's hand. Ako lang ang pwede makahawak sa kaniya." reklamo niya at napanganga si Tamara na ikinagugulat niya. Hays, ano ba naman?!
Tamara chuckled. "Wow Bre!" daing niya at lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Seloso pala asawa mo." tumawa siya.
Napalunok ako ng sarili kong laway at binigyan siya ng pekeng ngiti na para bang natatawa ako at nagustuhan ang sinabi niya. I gaze at Zaire and I shake his hand within a second as it's a sign na literal na nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Together with the Mafia
ActionSi Aubrey Elyse ay isinilang sa isang mayamang pamilya, ngunit hindi siya kailanman itinuring na miyembro ng angkan ng Barlowe dahil siya ay inampon at ang kaniyang mga biyolohikal na magulang ay namatay sa isang aksidente sa sasakyan. Gayunpaman, i...