CHAPTER 58: CRITICAL CONDITION

1K 36 10
                                    

Chapter 58: Critical Condition

Zaire's POV:

Alam kong hindi pa siya mamatay, I know na kaya pa niya. "I...I can't die like this." Sambit niya, pinilit pa niya ang sarili niyang ngumiti kahit gaano kasakit ang kaniyang nararamdaman.


Masakit pa sa akin. Sobrang sakit na makita siyang ganito, hindi pa ako handa na mawawala siya, hindi ko kayang mabubuhay na wala siya, at higit sa lahat, mahal ko pa naman siya.


"Retreat!"


"Retreat!"


"Go back!"


"Retreat? Teka! Papatayin ko pa kayo mga unggoy na gago!" I heard them screaming and that last one was Khim.


"Y-You're not g-gonna die." I said in a dejected tone while crying. Although she is in pain, I can't tolerate how she smiles.


Tumingin ako sa kanila at nagmamakaawa na tumawag ng ambulansya. "Call a 911! Call an ambulance! Please call an ambulance!" I sobbed more because it hurts so much. Really.


Flynn's POV:

Masakit, sobra. Nagmamakaawa si Zaire na tumawag ng ambulansya samantalang nakahiga sa sahig si Aubrey at madaming dugo na lumabas mula sa kaniya.


Nanginginig ako na makita siyang ganiyan dahil ang nais namin kanina ay yung tumakas siya ngunit matigas si Aubrey.


Sinabihan ko si Clive na papaalis si Aubrey dahil napakadelikado para sa kaniya dito ngunit, ano? Wala. Hindi nakatakas.


Lahat ay tumawag ng ambulansya na nagtataranta hanggang na dumating nito, kinuha nila agad si Aubrey.


Ang mga babae at si Zaire ay umiiyak na nag-alala. "B-Bre." Tawag nila sa kaniya at pumasok sa loob si Zaire.


Umalis ang ambulansya at lahat ay agad kumilos na pumunta sa car garage, lumabas naman ako dahil nando'n ang sasakyan ko.


Bumalik ako upang sasabihin sa kanila na sa hospital na ngayon si Aubrey, mas mabuti na sasabihin sa kanila dahil ayaw kong  mag-alala sila kay Aubrey na hindi man lang nila alam na sa hospital na pala ito.


"Ano?" Paniguradong tanong ni Master Lu sa akin na nahulog ang bag ni Yza na narinig niya.


Nandito na din si Raven at Shaun, magkasama sila, nanlaki ang mga mata ni Shaun nang narinig niya iyon.

Together with the MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon