Chapter 13

1.9K 59 39
                                    

Tatlong araw akong hindi pumasok dahil sa kakaiyak ko, nanlumo ako sa lungkot at parang nalunod ako sa sakit. Ni hindi ako makausap ng maayos ng mga katulong at ni lolo. Sa tuwing tinatanong ako ay iiling lang ako, sinasabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko.

Totoo rin naman na nagkasakit ako, siguro ay napagod rin mismo ang katawan ko dahil sa ilang linggo na wala akong masyadong tulog at kain.

Kumikirot-kirot pa rin lagi ang puso ko. Naiisip ko lagi yung mga memories namin ni Kairos bilang magkaibigan noon. Naging tahimik at malungkot ulit ang mundo ko.

"Uy! Akala ko hihinto na siya sa pag-aaral." bungad ng mga tsismosa 'kong kaklase nang pumasok ulit ako ng eskwelahan

"Akala ko nga ehh? Balita ko nagkasagutan raw sila ni Kairos sa gym." utas ng isa

Humalakhak ang isa 'kong kaklase, "Baka natauhan rin si Kairos. Bakit niya ba nagustuhan yan?"

"Rare kasi ang beauty!" sabat ni Frankie

"Nga naman? Ganda yan? Ang kapal ng kilay, ang kapal ng salamin. . . Ang baduy pa manamit" pangungutya ni Ynez

"Stop na guys!" sita ni Andromeda

"Anong stop ka diyan? Kumakampi ka ba sa babaeng yan?" si Frankie, tumaas pa ang boses nito

"H-hindi ahh!" pagtanggi ng pinsan ko, "Wag niyo na lang pag aksayahan ng oras. . . Isipin niyo na lang hindi nag e-exist ang nerd na yan."

Nagmadali akong humakbang papasok ng room. Saktong-sakto pagharap ko ay nakita ko kaagad si Kairos, nakaupo ito sa kanyang silya at nakatingin ng diretso sa board. . . Dati-rati kapag nahuhuli ako sa klase ay hinihintay niya ako sa labas ng pinto pero ngayon wala ng naghihintay sa akin.

Yumuko ako kaagad at tahimik na naglakad patungo sa likuran kung saan ako nakaupo parati. Walang imik na naupo ako sa likod, inilabas ko rin ang sketch pad ko pati lapis. Simula ng mawala ang mga magulang ko ay hindi ko na ito nagamit, ngayon ay balik ulit ako sa pag da-drawing ng tahimik sa sulok dahi wala naman ng gustong kumausap sa akin.

Papatalasin ko na sana ang lapis ko ng mapansin ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Dali-dali ko itong inilabas para ang tingnan ang nag text at ng mapagmataan ko kung sino ay napangiti ako ng kaunti.

From: Doraemon

Wag kang maniwala sa kanila ha? Syempre, maganda ang pinsan ko. Magaganda kaya ang lahi natin.

From: Doraemon

Wag mo ipasok sa utak mo ang sinasabi nila.

From: Doraemon

Sa sobrang ganda natin, hindi talaga natin ka level ang Martinez na yan.

From: Doraemon

Wag ka ngang yuko ng yuko diyan!

From: Doraemon

Hoy! Claudette Hannan Reyes!

Napatingin ako kaagad sa direksyon ni Andromeda ng mabasa ko ito. Nagtaas lang ng dalawang kilay ang babae sa akin bago umiwas ng tingin.

Hindi na ako nag reply sa kanya, nagpatuloy na lang ako sa ginagawa.

Nang makapasok ang guro namin ay nagkaroon kami ng pre-test. Pinilit 'kong maging normal ang araw ko kagaya ng dati pero sa tuwing nakikita ko ang pigura ni Kairos ay parang tinutusok-tusok ulit ang puso ko.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa roof top. Naisipan 'kong doon na lang kumain at tumambay ng ilang oras. Kapag nasa Cafeteria kasi ako ay nakakatiyak ako, na ako na naman ang pag-uusapan nila, paparinigan at huhusgahan ng kung anu-ano. Makakarinig na naman ako ng masasakit na salita kaya mas mabuti pang umiwas na lang ako.

Breathe for me, Nine (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon