Chapter 60

1.4K 30 7
                                    

Note: Pinilit kong isulat ang story na'to hanggang chapter 60 pero hindi talaga kaya. I think 2 or 3 chapters to go then POV na ni Kairos. Thank you for waiting! ✨

*****

TRIGGER WARNING: SUICIDE

"Miss Claude, hindi ka na naman kumain?" Unang tanong ng nurse nang makita ang lalagyan ng pagkain ko.

"Hindi ka ba nagugutom?" Usisa niya, "ang payat mo na."

Walang imik na tumitig ako sa kanya.

"Ano ba problema mo, Miss Claude?" Mahina niyang tanong, halatang inuusisa na naman ako para may masabi siyang rason sa doctor.

Tahimik akong umiwas ng tingin sa kanya saka nahiga ulit sa kama. Ilang beses ko na pilit inaalis sa utak ko ang sinabi ni Tito tungkol kay Kairos kaso hindi ko makalimutan. Wala na akong ginawa sa loob ng silid kung hindi ay umiyak ng patago.

Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Sobrang sikip. I can't stop telling to myself that I should be his bride. Kung hindi lang ako nawala, kung hindi lang ako pinasok dito ay malamang. . . Matagal na kaming kasal at may anak.

Isa na sana akong ganap na architect ngayon, CEO ng kompanya ni mommy at nag-aaral na rin sana ako ng medisina ngayon.

Lahat ng mga pangarap ko ay gumuho at nawala. Para silang bituin sa kalangitan, gusto ko man kunin pero hindi ko kayang abutin.

"Pwede mo namang sabihin sa'kin kung may problema ka. Handa akong makinig sa'yo, Miss Claude." Malumanay niyang saad bago naupo sa kama.

Tinakpan ko kaagad ang mukha ko ng kumot saka patagong humikbi. Tinakpan ko rin ang bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

"Miss Claude, kung kailangan mo ng kausap. Lumabas ka, puntahan mo lang ako sa station. Handa akong makinig sa'yo," malambing niyang sabi.

Hindi ako nagsalita. Pinikit ko ang dalawang mata habang dinadama na naman ang sakit mula sa dibdib.

"Aalis na ako," ani ng Nurse.

Naramdaman kong umalis siya sa kama, pinakinggan ko ang yapak niya paalis hanggang sa isinira niya ang pinto. Nang tuluyan na siyang mawala sa kwarto ay saka lang ako umiyak ng malakas.

Walang araw na hindi ako umiiyak. Saksi ang apat na pader ng kwartong ito kung gaano kasakit at gaano kahirap ang pinagdadaanan ko ngayon.

Nakayanan kong manatili rito kahit hindi ako baliw, nakayanan ko ang mga gamot na binibigay sa'kin, nakayanan ko ang lahat. . . Pero, sa isang iglap lang. Isang balita lang tungkol kay Kairos ay sumusuko na ako.

Wala na akong babalikan kapag nakalabas na ako. Wala ng rason para lumabas pa ako. Wala ng naghihintay sa'kin sa labas. Wala ng pag-asa.

Bakit ko pa kailangan mabuhay kung wala ng pag-asa? Pwede ko ng tapusan ang lahat dito.

"Tapusin?" Paos 'kong sabi sa sarili

"Tapusin? Ba't hindi mo naisip 'yon?" Tanong ko sa sarili

Umiling ako ng mabilis saka niyakap ang mga tuhod.

"Pero? Nangako ka kay Kairos na hindi mo na uulitin 'yon diba?" Tanong ko ulit sa sarili

Wala na si Kairos. Ikakasal na siya. May ibang mahal na siya. Matagal ka kasing nawala. Nasa mental ka pa. Tsaka, sa tingin mo? Magugustuhan ka pa 'non?

Umiling ako ulit. "Ayaw 'kong isipin 'yan. I made a promise to Kairos. Hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon."

May pakealam ba siya sa'yo?

Breathe for me, Nine (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon