Chapter 17

1.8K 61 18
                                    

"Pambihira ka Reyes!" reklamo ni Marco nang isiniksik ko sa kanya ang dala-dala 'kong maleta, "Kung kailan ka uuwi saka ka lang tatawag sa akin."

"Mabuti nga tinawagan pa kita" pabulong 'kong sabi bago siya tinalikuran

Naramdaman 'kong sumunod ito kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Kararating ko lang galing LA, nauna na akong mauwi kay lolo dahil may inaasikaso pa ito roon. Kaya nauna rin ako dahil dalawang linggo na akong huli sa pasukan, masyado ko kasing na enjoy ang buhay sa LA. . . Yung tipong gagala ka at walang pakealam ang mga tao sa iyo, kahit ano pang suotin mo o kahit ano pang itsura mo.

"Sandali naman!" sigaw ni Marco, "Iwan ko kaya bag mo rito."

Bumaling ako sa kanya, napahinga ako ng malalim ng mapansin na nahihirapan ito sa paghihila ng maleta ko. . . Pansin ko rin na medyo pahinto-hinto siya sa paglalakad.

"Ba't ba kasi ganyan ka maglakad?" na-iangat ko pa ang dalawang kamay ko sa hawakan.

The guy just look at me for a seconds before he continued walking and pulling my baggage.

"Saan ka nga pala magpapahatid?" tanong niya nang malagpasan ako nito

Bumuntong hininga ako saka sumunod sa kanya.

"May klase ako today." utas ko

"Ohh tapos?" lumingon siya sa akin at nagtaas ng isang kilay

"Well, you have to drive me going to school. Cause-"

"Alam ko na yan Claudette." pagputol niya sa sinasabi ko, "Tara na!" aya niya, "Ihahatid pa na 'tin ang bagahe mo sa bahay niyo."

"Ay no!" pagpigil ko sa kanya, "Diretso na tayo sa school."

"Ha?" natigil si Marco, mukhang nagtataka pa ito, "Itong mga bagahe mo?"

"Sa kotse mo muna." diretso 'kong sabi, "Susunduin mo-"

"Susunduin?" kumunot ang noo nito, "Ginagawa mo na ba akong driver Reyes?"

Ngumiti ako sa kanya ng pilit bago magsalita, "Miss mo naman ako diba?" tumalon pa ako papalapit sa kanya saka kumapit sa braso ng lalaki, "Diba?" pangungulit ko

"Mukha mo Reyes!" suplado niyang sabi, tatalikuran na sana ako nito nang mas kumapit pa ako sa braso niya

"May pa welcome banner ka pa nga kanina." ngumuso ako, "Diba? Ano nga 'yung nakasulat?" ngumiti ako

"Binabawi ko na 'yon!" saad niya saka aaktong tatalikuran na naman ako kaso mas lalo 'kong hinigpitan ang pagka kapit

"Oo na nga Reyes!" napipilitang sabi niya, "Ihahatid na kita mahal na Reyna, tapos susunduin pa kita. . . Okay ka na?"

Tumango-tango ako sa kanya sabay ngiti, binitawan ko rin ang braso nito at nagpatalon-talon ako sa saya habang patungo sa naka parke niyang kotse.

"Madapa ka!" pagpapa-alala niya sa akin

I actually stop communicating to Marco when I was in LA because I wanted some peace of mind. . . But because of business, my lolo and his dad met. It happens that Marco was with him also. Nagpanggap pa kaming hindi magkakilala dahil halos hindi makapagsalita ang lalaki ng magkita kami, panay buka ito ng kanyang bibig hindi ko naman alam kung ano ang rason. . . Hindi rin naman ako nagtanong.

"Where's your car?"

"The Chevrolet Corvette C8" he pouted, pointing the only red car in front

"Bago na naman?" lumingon ako sa kanya at nagtaas ng kilay. Marco is fun of collecting different cars. . . Just like his cousins who collects big bikes, airplanes and helicopter.

Breathe for me, Nine (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon