Chapter 59

1.2K 26 2
                                    

"Hoy! Gising!" Boses ng lalaki 'yon

"Hoy!"

"Grabe! Ayaw pa gumising! Lintik! Magagalit si Boss nito kapag hindi pa na'tin to nadispatsa!" Rinig ko mula sa kanya

Kumunot ang noo ko sa narinig. Nanaginip ba ako? Parte pa rin ba 'to ng pagtulog ko?

"Hoy!"

Kaagad akong nagising ng hinagisan niya ako ng malamig na tubig. Bumangon kaagad ako sa kama at gulat na gulat na tumingin sa kanya.

"Salamat naman at gumising na ang mahal na prinsesa!" Natatawang sabi niya

Inilakbay ko ang tingin sa paligid, nasa isang hindi pamilyar na silid ako. Madilim, masikip at mainit.

Kaagad na pumilantig ang puso ko sa kaba. Nakaramdam ako ng takot at pakiramdam ko ay unti-unting nanlamig ang katawan ko.

"Nasaan po ako? Sino ho kayo?" Kabadong tanong ko, "Si Andromeda po? Ang pinsan ko? Ang baby po niya?"

Ngumisi ang lalaki, "dami 'mong tanong. Bumangon ka na diyan!"

"Si Andromeda?"

"Nasa ospital!" Sagot niya

"Sino ka?"

"Tss. . ." Lumapit siya sa'kin at biglaan akong hinila mula sa pagkakahiga. Doon ko na napansin na kaya pala hindi ako masyadong makagalaw dahil nakatali ang dalawa 'kong kamay.

"Bait mong bata no? Nakatali ka na nga, uunahin mo pang tanungin ang kalagayan ng pinsan mo!" Natatawa niyang sabi sabay karga sa'kin

"A-aray!" Reklamo ko, "Saan niyo ko dadalhin!" Sigaw ko sa kanya

"Sa mental!" Tumatawang sabi niya

"Hindi ako baliw!" Sinubukan 'kong kumalas mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo niya akong hinawakan ng mahigpit, "Hindi ako baliw!"

"Hindi nga. . . Pero doon ka nararapat!" Humalakhak siya nang malakas

"Hindi ako baliw!" Sigaw ko habang nagpupumiglas, nagpasipa-sipa pa ako.

"Hindi ako baliw!"

"Sige, sumigaw ka lang! Wala akong pakealam!"

Nagpatuloy siya sa paglalakad hangga't sa makarating kami sa kotse. Nang ipasok niya ako ay doon na ako bumwelo na tumakas pero napa-igik lang ako sa sakit nang sinuntok niya ako sa may tyan.

"Tatakas ka pa ha!" May diin niyang sabi matapos niya akong suntukin

Napanganga ako sa sakit, halos malagutan ako ng hininga sa sobrang sakit na dulot nito. Tumulo ang luha ko sa pisngi.

"Behave ka kung ayaw 'mong masaktan!" Wika niya sabay suntok ulit sa tyan ko na siya ang dahilan ng pagsigaw ko

"Tama na!" Hikbi ko sabay hawak sa may tyan ko

"Very good!" Ani ng lalaki bago nagpunta sa driver's seat saka nagsimulang magmaneho

Sa loob ng byahe ay iyak lang ako ng iyak. Hindi ako makagalaw dahil sa sobrang sakit at idagdag pa ang tali na nasa kamay ko.

Nang makarating kami sa mental institution ay ginulo niya ang buhok ko bago pilit na inilabas sa kotse.

"Kahit umiyak ka pa ay walang magagawa amg iyak mo," wika ng lalaki saka pinunit ang suot 'kong damit

"Anong ginagawa mo!" Hikbi ko

"Ma'am, nandito na ang pasyente ni Sir Reyes!" Pagtawag pansin niya sa nagbabantay

Laking gulat ko nang may nakaabang na sa'kin na mga nurses at guards sa labas. Parang alam na nila na parating ako.

"Iyong restrain, paki ready na lang." Mando ng isang nurse

Breathe for me, Nine (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon