Chapter 25

2.1K 56 87
                                    

"You okay now?" Kairos ask me while fixing my hair, tucking it behind my ear

I nodded to him. Kakatapos lang naming mag-usap dalawa. Kumakalma na ako kaya lumayo-layo na ako sa kanya ngunit panay usog siya palapit sa akin.

"Do you think may paputok pa?" mahina 'kong tanong, sa labis na pagsisigaw ko kanina ay medyo namamaos na ako ngayon.

"Sampung putok na 'yon. Sampung team lang naman tayo." nginitian niya pa ako saka inakbayan, "Don't worry! Kung meron man, hindi kita iiwan rito." tinapik-tapik niya ang kabilang balikat ko

Sa pagputok ng sampung paputok kanina ay walang ibang ginawa si Kairos kung hindi ay yakapin ako ng mahigpit habang bumubulong siya sa akin ng kung anu-ano. Nanginginig akong kumakapit sa t-shirt niyang suot, na parang doon nakasalalay ang buhay ko. Nalukot tuloy ang damit ng lalaki sa sobrang kapit ko kanina.

"K-Kai? M-may gusto sana akong sabihin sa'yo." putol-putol 'kong saad

Dahan-dahang hinaplos ng lalaki ang buhok ko sa likod saka sinilip ang mukha ko, "Ano 'yon?" napaka mahinahon ng boses niya.

Lumunok ako bago magsalita, nahihiya akong bigkasin pero gusto ko talaga siyang tanungin. Gusto ko ng bumalik kami sa dati.

"F-friends na ba tayo ulit?" nahihiyang sambit ko

Nagtigil siya sa paghaplos ng buhok ko, unti-unti ko 'ring nasilayan ang pag akyat ng sulok ng kanyang labi, ngumiti ito na parang nasisiyahan sa sinabi ko.

"Best friends na tayo ulit." pag klaro niya

"H-hindi ka na galit sa akin?" tanong ko

"H-hindi naman ako nagalit sa'yo Claude." paglahad niya, "Nainis lang, nagtampo saka nag selos." halos pabulong na ang pagkasabi ng salitang selos

"Selos saan?" kunot noong sabi ko

"Sa inyo ni Marco." diretsong tugon niya, "Parati ko kayong nakikita sa roof top. Nag-uusap, nagtatawanan. . . Yung mga dating ginagawa na 'tin noon. Naiinis ako."

"S-sorry." mahina 'kong sabi, "Makulit kasi 'yon tsaka kaibigan ko lang talaga si Marco, parang-"

"Okay na." pagputol niya, "Importante sa akin ngayon best friend na kita ulit." umusog pa siya palapit sa akin, "Pwedeng payakap ulit?"

Nginitian ko siya saka niyakap, "Huwag ka ng mang-aaway ha?"

Umiling si Kairos, "Hinding-hindi na." niyakap ako nito ng mas mahigpit, "I miss you Claude." bulong niya, "Miss na miss na miss kita!"

"I miss you too Kai." sambit ko, dinadama ang mainit na yakap ng lalaki

Nanatili kami sa ganoong pwesto. Kung anong meron man kami ni Kairos ngayon ay kontento na ako. Mas mabuti pa nga siguro na hanggang kaibigan lang kami. Kasi kapag kaibigan lang hindi kami mag be-break, hindi kami magiging awkward sa isa't-isa at hindi na mangyayari ang nangyari noong nakaraan. Hindi na kami mag-aaway pa. Hindi na kami mag-iiwasan pa.

"K-Kai, may request sana ako." bulong ko habang yakap-yakap pa rin siya

Ihihiwalay na sana ako ng lalaki sa kanya pero mas lalo lang akong kumapit. Narinig ko pang ngumisi si Kairos bago niya ako niyakap ulit.

"Ano 'yon?" tanong niya habang tumatawa

Ipinikit ko ang dalawang mata ko. Kung kami talaga dalawa ang magkakatuluyan sa huli ay naniniwala ako na dadalhin kami ng tadhana roon kahit ano pa man ang mangyari. . . Kahit ilang taon pa ang dumaan at kahit anong sakuna man ang darating sa amin.

"Balikan mo si Mel." utas ko, halos pabulong na iyon. Masakit man dito sa dibdib ang kalalabasan ng hinihingi ko, ang importante ay mapapanatag ako.

Lumuwang ang yakap ng lalaki sa akin habang ako naman ay mas kumapit sa kanya at mas hinigpitan ito.

Breathe for me, Nine (Vital Signs Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon