KABANATA 25

847 27 3
                                    

"Three months na ang nakalipas,im here in my province now.Pinahatid ako ni Criss kay Stella pauwi.Nagulat pa si nanay ng biglaan akong umuwi.Pinaliwanag ko kay nanay lahat ng nangyari.She's not mad,in fact she's really happy kasi magkaka-apo na daw sya.Pinayuhan nya pa ako na ipagpatuloy ko nalang pagkapanganak ko.

I'm just so lucky to have a very supportive mother.Halata na ang tyan ko malaki na,14weeks na.Ayaw kung malaman  ang gender ng baby ko,gusto ko surprised pag lumabas na.Ingat na ingat si nanay sa akin,lahat ng pagkain na gusto ko bumibili.Naawa na nga ako sa kanya,kami na ng baby ko ang priority nya,hindi na nga sya bumibili ng para sa kanya.

Nag-oonline selling parin ako,at gumagawa ng cookies,minsan cake pag may mag order.Binigyan ako ni Criss at Jess,ng puhunan para habang buntis ako, may pagkakikitaan at makapag-ipon para kay baby.Malaki talaga ang utang na loob ko sa dalawa na yon.Araw-araw silang tumatawag kamustahin kami ni baby.Sa awa ng diyos maganda naman ang kita ng negosyo ko.Unti-unti ko ng nakalimutan ang masakit na nangyari sa akin sa manila.Minsan pumapasok padin si Jayden sa isip ko.Sariwa pa sa akin ang lahat.

"I'm in my room,katatapos lng namin ng dinner,si Joyse nagligpit ng kusina.Kabibihis ko lng ng aking pangtulog."I heard a knock on my door,Nak,pede ba akong pumasok?si nanay pala ang kumatok.

"Oo nay pasok ka,binuksan ni nanay ang pinto.Umupo sya sa aking tabi hawak ang isang lumang kahon.Nak,sabay kuha ng dalawa kung kamay habang nakatitig sa akin.May ibibigay ako sayo,nag-umpisang tumulo ang kanyang luha.Malaki ang pagkakamali namin ng tatay mo sa iyo.Mahal na mahal ka namin anak,masaya kami na lumaki kang mabait at may takot sa diyos.She cupped my face with her hands while crying.Ang ganda -ganda ng anak ko.

Binigay nya sa akin ang kahon,anak,pag mawala ako ,buksan mo ito,kunin mo ang laman at puntahan ang pangalan ng taong nakalagay dyan.Sila ang makapagsasabi ng lahat-lahat,sabi ni inay habang umiiyak.

"I'm so confused,i have no idea sa sinasabi ni nanay,tinitigan ko ang kahon.Open it sa tamang panahon anak.Mahal na mahal ka namin ng tatay mo lagi mong pakatandaan,nakangiting sabi ni nanay.

Nay naman,syempre alam ko love na love nyo ako ni tatay ako lang ata prinsesa nyo.At yumakap ako ng mahigpit sa kanya,hindi ko din napigilan ang aking luha.Thank you sa inyo ni tatay nay,sa pagmamahal at pagpapalaki sa akin.I kissed my mom on her cheeks.Ano ba nay,gabing-gabi na eh nagdadrama pa tayo.Umiiyak kong pasaring.Oh,sige na matulog na kayo ng apo ko late na,habang hinihimas ang aking tiyan.Goodnight nay sabay yakap sa kanya,tumayo na din sya ,bago lumabas ng pinto,tumingin sya uli sa akin at ngumiti,I love you nak,sabi nya bago sinirado ang pinto.

 Maagang umalis si nanay papuntang palengke,ako naman naghahanda ng aming almusal.Naglalagay ako ng pinggan ng madulas ito sa aking kamay at nahulog sa sahig."shit dali-dali ko itong kinuha,nasugatan pa ang aking kamay.Nakatulala akong naka-upo sa mesa pagkatapos kung linisin ang nabasag na pinggan.

Ba't parang kinakabahan ako,hindi ako mapakali.Nagulat ako ng biglang my kumalampag ng aming pinto.Chloe buksan mo ang pinto dali,humahangos na boses ni manong Lando.Dali-dali kong binuksan ang pinto,kinakabahan ako.

'Chloe,pagbungad ni mang Lando,si nanay mo nabangga ng sasakyan,nandoon sya sa ospital ngayon.Halos pinagtakluban ako ng langit at lupa sa aking narinig.Tumutulo ang aking luha,hindi totoo ito,hindi,hinila ako ni Mang Lando,bilisan natin baka hindi na natin maabutan ang nanay mo,humihingal nyang sabi.Hindi ko alam kung paano ako nakasakay sa trisekel,nakatulala ako habang lumuluha.Nag-usap pa kami kagabi ni nanay.Ba't bigla nalang nagka ganito.

Nakarating kami ng ospital,nakita ko si Joyce umiiyak  sa isang ospital bed.Humahagos na lumapit ako sa kanya,Joyce nasaan na si nanay?habang hinahawakan ko sya sa braso.Yumakap  sa akin ng mahigpit si Joyce habang humahagulgol,Ate wala na si nanay,habang palakas ng palakas ang kanyang iyak.Iniwan nya na tayo,ate,hindi na sya nakaabot ng ospital.Dead on arrival sya ate.

The Billionaires Downfall (BILLIONAIRES SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon