CHAPTER 65

108 2 0
                                    

“Timothy, punta kayo sa little warehouse. Ngayon na.” walang emosyon na sabi ni Miller kila Timothy. Sumunod na lang sila dahil mukhang mahalaga ang pag-uusapan.

Nang makarating sila sa little warehouse, ay nagtanong agad sila Timothy.

“Kuya anong meron?” tanong ni Timothy.

“Asan ang iba?” tanong ni Miller na tila hindi narinig ang tanong ni Timothy.

“Pasunod pa lang Kuya.” sagot naman ni Excel.

“Sabihin niyo sa kanila bilisan nila, at kapag wala pa sila within 3 minutes, pupugutan ko ang mga ulo nila isa-isa.” nakakakilabot na sambit nito, na tila iba ang kausap nila.

Agad nagsikilusan ang mga bata, at lahat sila ay may kino-contact.

Wala pang dalawang minuto ay ay nagsidatingan na ang iba na tila ay hinabol ng aso, pawis na pawis sila at hingal kabayo.

“S-sorry, may g-ginagawa kasi k-kami.” hingal kabayong sambit ni Jett.

“Maupo kayo.” wala pa ring emosyon na sabi ni Miller.

Agad naman sumunod sila dahil sa takot na gawin nga ang banta.

“A-ano ba ang pag-uusa--” hindi na natapos ni Jett ang sasabihin ng magsalita na naman si Miller.

“Shut your mouth Jett,” maotoridad na sabi nito, “Anyway, I have important to tell.” sabi niya kaya naman tumahimik na lang sila at nakinig. “Aria, told me that moron Casper saved her life.” sabi niya kaya naman agad silang naguluhan dahil sa sinabi ni Miller.

“Huh? Paanong nangyari ‘yon?”

“Baka plano lang nila ‘yon.”

“Hindi kaya, niligtas niya lang ang Ate dahil may plano siyang masama?”

“Bobo, kakasabi ko lang ‘di ba?”

Sari-saring salita ang narinig sa little warehouse.

“SHUT UP!” galit na sigaw ni Miller na siyang nagpatahimik sa lahat. “Sinabi ko bang mag-ingay kayo?” tanong naman niya.

“Katakot naman.”

“Teacher na pala si Kuya Alexander.”

“Siraulo.”

“Pfft-”

Nagsitawanan naman silang lahat dahil sa sinabi ng kasama nila.

Napahilot na lang sa sintido si Miller dahil sa sakit ng ulo niya sa mga batang kaharap niya ngayon. Dahil sa inis niya ay kinuha niya ang baril na nasa lamesa at kinasa ito na siyang kinatahimik ng lahat.

“Tatahimik kayo o tatahimik kayo?” mas mahinahon na ngayon ang tanong nito kaya naman wala ng nagsalita kasi nakatutok pa rin ang baril sa kanila. “As I was saying is, Casper saved Aria, and I won't buy that crap.” sabi niya kaya tumango naman ang mga bata. “And about sa incident na nangyari kanina, I think we have a problem. Maybe kailangan ni Aria na magpa-doctor. Baka symptoms lang iyon ng pagiging amnesia niya. Aria has amnesia, and maybe may mga parte sa nakaraan niya ang naalala niya, katulad nung mga bata pa lang kami at doon ay straight siya magtagalog. Kaya siguro ganoon na lang kadali sa kan'ya magsalita ng tagalog.” mahabang litanya niya kaya naman napatango sila dahil baka nga dahil lang doon.

Nagtaas ng kamay si Jett para may itanong.

“Ano ‘yon?” tanong ni Miller.

“Nagtataka pa rin ako bakit ginawa iyon ni Casper.” sabi naman niya kaya naman tumango si Miller.

“Ako rin nagtataka, pero tignan muna natin kung may susunod na hakbang pa siya. At kayo,” turo niya sa lahat, “Ang dami-dam niyo, dapat bantayan niyo ng maayos si Aria, lahat kayo naka-assign para magbantay kay Aria. Ang magreklamo, ulo ang kapalit.” sabi naman nito.

“Anong klaseng ulo?” pilyong sabi ni Jett kaya naman binatukan siya ng lahat at napatampal na lang ng noo si Miller.

“Siraulo ka Jett.”

“Utak mo palinis mo na.”

“Bastos.”

“Hindi ka ba naturuan ng mabuting asal?”

Sari-saring salita na naman ang nagpaingay sa little warehouse.

“Jett, Excel, Grace, and Ashley kayo ang magbabantay kay Aria ng 7:30-10:30. Maaga ang pasok ni Aria sa trabaho kaya kailangan ayos na kayo d'yan. Kayo naman Timothy at Shaina, sa loob kayo ng office ni Aria, dahil ikaw ang secretary ni Aria ay madali na lang sa'yo ‘yon, ikaw naman Timothy p'wede ka naman tumambay doon dahil ginagawa mo naman talaga iyon.” sabi naman niya kaya tumango naman sila. “Eleven ang lunch niya kaya naman nag-la-lunch siya sa Cafeteria ng Company niyo, kaya naman kayo ang papalit kila Excel. Kayo Najifah, Karl, Janine, Julian, Lorie and Bryan naman 10:30-01:30. Bawat sulok ng Cafeteria ay dapat nandoon kayo. Najifah, at Karl kayo ang katabi ni Aria at ‘yung apat naman sa bawat sulok ng Cafeteria.” sabi naman nito kaya naman tumango ulit sila. “Sa hapon naman mga 1:30-4:30 kayo naman ang papalit sa kanila. Emmanuel, Nicole, Oliver, and Angel. Sa labas lang kayo ng conference room o kung nasaan si Aria. Kasama naman ni Aria si Shaina kaya ayos lang na sa loob kayo.” sabi niya ulit. “Sa gabi naman, 4:30-7:30 ay sila Joseph, Jelai. Kayo na lang dalawa dahil doon lang naman kayo sa labas ng pinto ng office ni Aria. Maliwanag ba ang lahat.”

“Opo.” sagot ng lahat.

“7:30 at hanggang sa makatulog si Aria, ako naman doon.” sabi naman ni Miller na siyang ikinahiyaw ng lahat.

“Ayon naman pala.”

“Iba rin.”

“Ang lupit mo Kuya.”

“Idol.”

“Pakain naman d'yan.”

“Ay, oo nga. Baka naman Kuya.”

“Pakain lang, kahit ano lang basta baboy.”

“Anong basta ano? Sakalin kaya kita, Kuya kahit h'wag na tayong mag baboy. Tara na lang inom tayo.”

“Ay, oo nga tagal na rin nung huli tayong nakainom.”

“Tara boys night out tayo.” sabi naman ng isa kaya nakisingit na ang mga babae.

“Ano? Kayo lang? Ang galing niyo naman.”

“Oo nga, bakit kayo lang?”

“Kuya kami rin.”

“Magsitahimik nga kayo, walang iinom kapag nag-ingay pa kayo.” sabi naman ni Miller. “Hindi tayo lalabas, dito tayo iinom. Excel at Jett, kayo ang bumili ng Alak, at dito na tayo uminom.” sabi naman nito kaya sumunod naman ang lahat.

“Baka naman pulutan.”

“Oo nga pulutan, baka naman.”

“Kahit manok o baboy na lang.”

“Ehem, Ehem. Baboy baka naman ehem ehem.”

“Sige na bumili na kayo ng pulutan.” sabi naman ni Miller kaya natuwa naman ang mga bata.

Nang umalis na sila Jett, lumapit si Timothy kay Miller.

“Kuya.” sabi nito sa pangalan niya.

“Ano ‘yon?” tanong naman nito.

“‘Yong baril mo kasi nakatutok pa rin.” sabi naman niya kaya naman napatingin si Miller doon.

“Ah, ito ba? Wala namang bala ‘to, eh.” sabi naman niya at ngumiti.

Season 3: The Truth To Be Told [COMPLETED ✓]Where stories live. Discover now