CHAPTER 69

109 3 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

“Oh, baka ‘di ka na humihinga d‘yan Alexander?” pang-aasar ni Jett kay Miller na tila hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Aubrielle.

“What?” naiilang na ring tanong ni Aubrielle kay Miller.

“Oh, God I... I... I don‘t know what to s-say.” hindi pa rin makapaniwalang sagot ni Miller.

“Ayaw mo ba?!” mahinahong tanong nito pero ramdam mong naiirita na siya.

Agad na lumingon silang lahat sa kan‘ya at lahat sila ay iisang reaksyon lang ang mayroon sa kanilang mga mukha.

“Timothy, n-nagtagalog na naman siya.” -Jett.

“Para kang siraulo akala mo namang big deal kung nagtagalog siya.” -Timothy.

“Timothy, big deal talaga ‘yon. Baka naman hindi siya si Boss Ate?” -Bryan.

“Tanga ka ba? Nakita mong siya ‘yung nasa harapan mo ‘di ba?” -Emmanuel.

“Malay mo, pinadala na naman siya ng mga kalaban para magpanggap.” -Julian.

“Isa ka ring bobo, eh. Nakita mong and‘yan si Alliyah, eh.” -Karl.

“Bobo ang sabi niya baka may pinadala lang ulit.” -Oliver.

“P‘wede bang manahimik kayo!” biglang sigaw ni Aubrielle kaya sa isang iglap ay nanahimik sila. “Ano? Tutunganga ka na lang d‘yan, ayaw mo ba?” tanong ni Aubrielle kay Miller na tulala pa rin.

“S-sorry, nag fast forward bigla nasa isip ko. Ikakasal na raw tayo.” nakangising sabi ni Miller na ikinagulat ni Aubrielle at ikinahiyaw ng lahat.

“Iba talaga siya.” bulong ni Lorie.

“Ganoon dapat boys, hindi ‘yung puro kalokohan ang banat niyo, sarap niyong pagbabanatan.” sabi naman ni Ashley at tumingin sa lahat at huling lumapat ang mga tingin niya kay Excel.

“Shut up.” sabi ni Aubrielle kay Miller at iniiwas sa niya ang tingin nito sa kan’ya.

“Oh come on, don’t be shy. Ang cute mo.” sabi nito at hinalikan niya ito sa ilong.

“Ehem, ehem nandito pa po kami opo. Ano itutuloy pa ba natin ang laro?” pasingit ni Timothy na siyang ikinairap ni Aubrielle.

“Go na, play na ulit.” sabi naman ni Aubrielle at inayos niya pa ang boses niya.

Nagtuloy sila sa paglalaro at marami na ring nakahibad dahil sa hindi nila magawa ang dare sa kanila o hindi nila masagot ang tanong na tinatanong sa kanila.

Nang ikutin muli ang bote ay tumapat kay Jett at agad na sumimangot ang mukha niya.

“Ako magtatanong.” sabi ni Aubrielle kaya agad na nalukot ang mukha ni Jett.

“Aubrielle, maawa ka!” madramang sabi ni Jett kaya natawa ang lahat.

Kanina pa kasi siya ang pinagdidiskitahan ni Aubrielle at mismong boxer na lamang ang suot niya dahil lahat n‘on ay si Aubrielle ang nagtanong.

“May angal ka?” seryoso kunwaring tanong ni Aubrielle at agad pinaikot sa mga kamay niya ang baril na kinuha niya sa likod ni Miller na hindi man lang namalayan ni Miller na nakuna nito sa kan‘ya ang baril.

“W-wala po, Alexander help!” sabi niya at natawa muli ang lahat. “Ano ba?! Tawa kayo ng tawa, ako na nahihirapan dito, eh.” sabi niya at sobrang busangot na ng mukha nito.

“Truth or... Dare?” madiin at makahulugang tanong ni Aubrielle.

“T-truth.” nanginginig na sabi niya kaya naman natawa  ang lahat dahil halata sa kan‘yang boses na takot na takot na ito.

Season 3: The Truth To Be Told [COMPLETED ✓]Where stories live. Discover now