CHAPTER 68

122 5 2
                                    

THIRD PERSON'S POV

“What is the meaning of this?” biglang tanong ni Jett kasama na niya ang lahat, agad silang naghiwalay sa yakapan at hindi alam ang gagawin.

“Naku, si kuya Alexander.” - Emmanuel

“Iba rin.” - Joseph

“Idol.” - Julian

“Ang lupet ni idol.” - Oliver

“Kayo na ba?” - Bryan

“Oo nga, kayo na ba?” - Karl

“Naku, ha? Baka may mga secret na kayo.” - Excel

“Uy, si Alexander may payakap pang nalalaman.” - Jett

“Tumahimik nga kayo.” iritang sabi naman ni Miller pero ayaw talaga nilang magpaawat at pinagpatuloy lang nila ang panunukso.

“Miller, Where‘s the gun?” tanong bigla ni Aubrielle kaya naman parang may dumaan na anghel dahil sa tahimik. “Oh? What‘s wrong?” pang-aasar pa ni Aubrielle sa kanila.

“Wala talaga kayo sa Ate,” nagsalita na nga si Timothy. “Tara na inom na tayo, ah.” sabi naman ni Timothy at saka nauna ng umupo, hindi gumalaw ang iba at nakatingin lang kay Aubrielle.

“Just, don‘t drink to much.” sabi naman niya kaya lahat sila ay umupo na. “Alliyah, you can join.” sabi niya kay Alliyah kaya naman napangiti ito at umupo na rin.

Umupo na rin sila Miller at Aubrielle at nag-usap-usap.

Lumapit si Miller kay Aubrielle para may ibulong.

“Sasabihin mo na ba sa kanila?” tanong nito.

“I will, but I decided to tell everyone in Christmas, just don‘t tell anyone about this.” bulong din niya.

“Alright.” sabi na lang niya at saka ngumiti.

“Hoy, Alexander anong binubulong niyo d‘yan? Share niyo naman.” sabi ni Jett sa kanila kaya naman napailing na lang si Miller.

“Just mind your own business, Jett. Uminom ka na lang.” supladong sabi naman nito.

“Why don‘t we play a game? So hindi magiging boring ito.” suggest naman ni Ashley.

“Ay, ang galing mo d‘yan kambal.” sabi naman ni Jett at saka nag-thumbs up pa.

“Duh, ano ka ba Jett? Unti pa lang naiinom mo pero mukha ka ng lasing.” sabi naman ni Ashley kaya natawa silang lahat.

“Kahit nga hindi ‘yan umiinom, eh mukha na siyang lasing, eh.” sabi ni Excel.

“Siraulo.” sabi naman ni Jett. “Ikaw nga mabaho hininga, sinita ba kita?” bawi naman ni Jett.

“Mag-amuyan pa tayo, eh.” sagot ni Excel.

“H‘wag, unting lapit mo lang sa ‘kin talo na agad ako, sa lakas ba naman ng hininga mo, eh.” sabi ulit ni Jett.

“Maglalaro ba tayo o hindi?” tanong naman ni Lorie.

“Sige, ano bang laro?” tanong naman ni Julian.

“Truth or Dare.” nakangiting sagot ni Ashley kaya lahat sila ay napangiti na rin. “Okay, ganito spin the bottle siya kung kanino tumapat ang bote siya ang tatanungin, at ang consequences naman, ay dapat may uminom nitong alak na pinaghalo-halo, at hindi lang ‘yon, kailangan ding may mahubad na kahit anong suot mo, pero dapat isa lang. Halimbawa kapag ‘di mo sinagot ang tanong o hindi mo ginawa ang utos, iinom ka nito, pero kung ayaw mo naman, eh kailangan may alisin kang suot sa katawan, parang ‘yang relo gano‘n hanggang sa maubos ‘yang suot mo.” paliwanag naman ni Ashley, maraming natuwa at marami ring nagreklamo, isa na roon si Aubrielle.

Season 3: The Truth To Be Told [COMPLETED ✓]Where stories live. Discover now