CHAPTER 75

86 2 0
                                    

Galit ko silang tinignan habang nakatutok ang baril ko sa kanila.

Kakalabitin ko na sana ang gatilyo ko nang may narinig akong pumalakpak galing itaas.

Maraming nasa itaas at lahat sila nakangisi sa akin.

“Masyado ka namang mainit, Aubrielle.” nakangising sabi ni Casper.

“Ibigay mo si Miller sa akin, ngayon na.” mahinahong sabi ko at ibinaba ko na ang baril ko at tumayo na ng maayos.

Tinawanan lang nila ako dahil sa sinabi ko kaya naman bigla muling nag-init ang ulo ko.

“Para ka namang humihingi sa amin ng isang bagay.” sabi niya at tinignan ko siya ng masama. “Sumuko ka na lang.” parang bagot pa na sabi ni Casper.

Napatingin ako sa paligid nang tumigil na ang putukan, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matutuwa.

“B-boss...” nanghihinang tawag ng kung sino sa earpiece. “Madaming sugatan... Nanghihina na rin kami. Parang hindi nauubusan ang kalaban. H-hindi na namin makita ‘yung iba.” agad akong napatingin sa paligid at wala na akong makitang kasamahan ko.

Nakarinig akong nagtawanan sila dahil sa ginagawa ko.

Hinawakam ko muli ang earpiece.

“Ma? Pa? N-nasaan kayo?” nanginginig na tanong ko.

Wala akong narinig na salita kaya naman kinabahan ako.

“Nasaan sila?!” galit na sigaw ko sa kanila at tinutukan ko sila ng baril.

“Ilabas niyo sila!” utos ni Casper at agad akong napatingin sa paligid nang makita ko sila Mama, Papa, Tita Stella, Tito Zane, at ang iba pang kasamahan ko na nanghihina na at tila may kumukuryente sa kanilang mga katawan, nakakadena ang mga kamay at paa nila maski leeg ay may kadena na isa sa nagpapahirap sa kanila.

“Ma, Pa!” sigaw ko at lalapit na sana ako nang pagtutukan sila ng baril kaya naman napaatras ako.

“H‘wag mo kaming alalahanin.” walang emosyon na sabi ni Mama, pero dama kong nahihirapan na siya.

Hindi ako nagsalita at galit akong tumingin sa taas.

“H‘wag kayong duwag! Lumaban kayo ng patas!” sigaw ko at agad kong sinugod ang mga kalaban na humaharang sa akin.

Nakarinig muli ako ng putok ng baril kaya naman doon ako napangiti. Mukhang sinusubukan nilang lumaban... Kahit hinang-hina na sila.

Pumunta ako sa bakal na nakita ko at doon ako kumuha ng suporta para tumalon at sabay sipa sa tatlong nasa harapan ko. Nang makababa ang mga paa ko ang mga kamay ko naman ang pinangsalubong ko sa kanila at pinagsasapak ko sila sa mukha na agad naman na kinabagsak nila.

Madaming sumugod sa akin at lahat sila ay naiiwasan ko, ganon pa rin ang ginagawa ko. Sinisipa ko sila at pinagsusuntok.

Hingal na hingal akong tumayo at tumingin sa kanila nang maubos na ang kalaban ko.

“Masyado kang magaling! Pero Level 1 pa lang ‘yan. Lumabas kayo!” sigaw ni Marion na ngayon lang muli nagsalita, katabi niya ang Anak niyang si Ella na nakangisi na rin.

Bumuntong hininga ako nang makita ko ang kalaban dahil ang mga kalaban ko kanina ay maliliit lang ang katawan samantalang ito ay parang dinoble ang katawan ng naging kalaban ko.

“Pero... Bago mo sila kalabanin... Baka gusto mo ng inspirasyon?” nakangising sabi ni Casper pero hindi ko siya binigyan ng pansin samantala nakatingin lang ako sa mga lalaki na ito at binilang.

Twenty ang kalaban ko ngayon at ang laki ng katawan ng kalaban ko. Napalunok ako at napatingin kay Casper na nakangisi na ngayon.

“Ilabas niyo ang pinakamamahal niyang Alexander... Ay wait Adi pala ang tawagan niyo. Ilabas niyo ang Adi niya!” sigaw niya kaya nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Kung saan nanggaling sila Mama ay doon din lumabas si Miller na ngayon ay... Hinang-hina na. Puno ng sugat ang katawan niya, hindi na rin makadilat ang kaliwa niyang mata. May nakalagay na nag-uusok na kadena sa ulo niya at pati sa baywang, kamay, at paa niya at mayroong ganoon. Alam kong ang usok na iyon ay hindi sa lamig kun‘di sa init.

Agad nag-init ang ulo ko nang makita ang itsura niya na parang pinahirapan talaga siya ng todo. Nakita ko ang lapag na puro dugo niya at nanggaling iyon sa tagiliran niya na kung saan ito sinaksak.

“Mga hayop kayo!” galit na sigaw ko at naramdaman ko na lang na nangingilid ang luha ko dahil sa galit.

“Labanan niyo na!” bored na sigaw ni Casper.

Humugot muli ako ng buntong hininga at saka ako kumuha ng isang bakal na p‘wedeng ipanghampas sa kanila.

Sumugod ang tatlo sa akin na agad ko naman naiwasan, hinampas ko ng bakal ‘yung isa sa ulo at sinipa ko naman ang isa, nang mapabagsak na ang dalawa ‘yung isa naman ang sinuntok ko sa sikmura kaya naman napaupo siya at doon ako nakakuha ng tiyansa na ihampas ang bakal sa ulo niya kaya naman agad itong tumumba at nawalan ng malay.

Naramdaman kong may maghahampas sa akin sa likod kaya naman pagharap ko sa kan‘ya ay sinipa ko siya sa tuhod na siyang nagpaluhod sa kan‘ya at doon ko muli siya hinampas sa ulo.

Nagpaulit-ulit ng ganoon kaya nung dalawa na lang ang natitira ay tinitigan ko pa muna sila bago ako naman ang sumugod at doon ko sinipa ang isa kaya naman natumba siya. Ang isa naman ay hinampas ko ng bakal sa sikmura at sinapak ko sa mukha na siyang kinatumba niya.

Lumapit ako sa isa at hinawakan ang buhok niya at tinayo siya sa paraan na iyon. Hindi na siya nakapalag sa pagtayo ko sa kan‘ya dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Galit kong hinampas ang bakal sa batok niya at doon na lumabas ang galit na luha ko.

Tumingin muli ako sa taas at hindi na maipinta ang nga mukha nila.

Nakakaramdam na ako ng pagod at dahil ang dami ng kalaban ko kanina ay nagkaroon na ako ng tama sa katawan, pero hindi ko iyon ininda.

“Pa... Pakawalan niyo... Sila.” hingal na utos ko sa kanila pero masama nila akong tinignan na hindi katulad kanina na tinawanan lang nila ako.

“Sino ka ba?” galit na tanong ni Marion. “Paano mo nagagawang patumbahin ang tauhan ko na parang napakadali lang sa‘yo?” galit pa rin niyang sabi kaya naman napangisi ako.

“Ako... Ako si Aubrielle... Aria Sullivan -Davis. Ang magpapabagsak sa‘yo.” sabi ko at sumeryoso na.

“Casper, Ella oras niyo na para kumilos.” utos ni Marion kay Casper at Ella. “Alliyah, samahan mo sila.” dagdag pa niya na nagpakunot ng noo ko.

Bumaba sila Casper at Ella papunta sa akin at sa hindi ko malaman na lugar ay doon ko naman nakita si Alliyah na ngayon ay malawak na ang ngiti sa akin.

“Hello, Aubrielle.” nakangiting sabi niya kaya naman agad akong pasugod na lumapit sa kan‘ya pero tinutukan niya ako ng baril kaya naman napaatras ako.

“Traydor ka!” galit na sabi ko kaya naman napatawa na siya.

“B-boss... S-si A-alliyah... T-traydor. N-napabagsak niya ang iba... Nating k-kasama.” rinig ko muling sabi sa earpiece at nakarinig pa akong putok ng baril bago ito nawala.

“Well, yes. Masyado kasi kayong mabilis magtiwala, eh.” sabi niya sa akin at binaba ang baril niya.

“Traydor ka! Ikaw! Ikaw ang nagsabi kung nasaan kami nung araw na iyon. Isa kang traydor!” galit na sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.

Season 3: The Truth To Be Told [COMPLETED ✓]Where stories live. Discover now