"PATAWAD..." Bulong ng lalaki habang nakaangat ang dalawang paa nya sa hangin. Mabigat na ang kanyang paghinga pero lalo kong hinigpitan ang hawak kong hindi nakikitang tali na naka-konekta sa kanyang leeg.
Mamatay ka!
Paulit-ulit ang mga salitang 'yon sa isip ko habang umiiyak sa isang tabi ang babaeng kasama nya.
"Ralna..."
"RALNA!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa pagtawag sa pangalan ko. May tao ba? Mabilis akong tumayo at hinanap sa paligid kung may tao nga.
Madilim ang loob ng kwarto pero walang problema, malinaw kong nakikita ang paligid. Nagkalat ang mga damit ko sa marmol na sahig, hindi rin maayos ang pagkaka-salansan ng mga libro sa shelf. May ilan din libro sa center table at katabi nito ay isang tasa ng kape na halos kalahati pa ang laman. Pero hindi ba't ganito ko naman sila iniwan kagabi?
Naglakad ako palabas ng pinto. Hindi iyon nakasara, tulad ng nakasanayan. Bakit pa? Ako lang mag-isa ang nasa bahay na 'to. Kung may magtatangka mang pumasok nang walang permiso ko ay siguradong hindi na makakalabas.
Madilim din sa pasilyo paglabas ng kwarto. Ang totoo nyan, ang buong bahay ay madilim. May mga ilaw na nakakabit sa pader, sa kisame, sa bawat kwarto ng bahay pero mas komportable ako sa dilim. Pakiramdam ko ay mas madali akong makapag-pahinga kapag ganitong madilim ang paligid.
Hanggang makarating ako sa malamig na sala ay wala pa din akong nakitang kahit sino. Ang lahat ng gamit ay nasa tamang lugar pa din, walang bakas ng ibang taong nakapasok.
Napaupo ako sa malaking sofa na nandoon at napasapo sa ulo ko. Oo nga pala, protektado ng orasyon ko ang bahay na 'to kaya naman hindi ito basta-basta makikita ng mata ng tao.
Kung gano'n ay panaginip na naman iyon.
Napakahabang panahon na mula nang mangyari ang mga iyon pero hanggang ngayon, napapanaginipan ko pa din. Halos gabi-gabi na lang. Sabagay, kung iisipin ay hindi ko dapat makalimutan 'yon. Ito ang parusa ko.
Nag-angat ako ng tingin sa malaking wall clock na nasa kaliwa ko pagkatapos ay tumayo. Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng isusuot na damit at naligo.
Habang naliligo ay hindi pa din mawala sa isip ko ang panaginip. O mas tamang sabihin na alaala. Mahigit isang daang taon na simula nang umalis ako sa aming kaharian. Nagpalipat-lipat ako ng lugar kahit hindi ko sigurado kung ipapahanap ba ako ni ama.
It took me a lot of years before I realized it. Ahhh, hindi nila ako hinahanap. Wala akong halaga sa kanila, isa lang akong kriminal dahil sa ginawa ko sa susunod na reyna ng Vadronia.
Sinadya kong tumigil sa isang lugar, naghintay sa kung sino man na maaaring dumating para dakpin ako, patayin o kahit ano pero wala. Nang maisip kong wala nga talaga ay lumipat ulit ako sa mas malayo, 'yong mas mahirap abutin ng kapangyarihan ng kahit sino sa Vadronia. Hindi na ako babalik. Hindi na ako makakabalik.
Pagkatapos mag-ayos ay dire-diretso akong lumabas para pumunta sa café. Sobrang lapit lang nito sa bahay ko kaya mabilis akong nakarating.
Matapos ng paghihintay ko noon ay nag-desisyon akong humalo sa mga mortal na tao. Dito na ako titira. Kalilimutan ko na kung sino ako, mamumuhay ako bilang isang mortal na tao.
Sa tagal ng panahon kong narito sa lupa ng mga tao ay natuto na ako ng paraan nila ng pamumuhay. Hindi ko naman kailangan ng maraming pera, sa isang pitik ng daliri ko ay makukuha ko ang kailangan ko. Pero para maging ganap ang pagpa-panggap ko bilang tao ay naghanap ako ng trabaho na papasukan.
Though who am I kidding? Mabubuhay ako kahit wala ang mga 'to.
Siguro ang totoong dahilan kaya ko ginawa ito ay para malibang. Siguro ay para matakasan ang nakaraan. Napangisi ako sa naisip ko. Kahit kailan hindi ko matatakasan ang mga ginawa ko.
"Magandang umaga!" Bati ko kay Misha na inabutan kong nagpapalit ng uniporme nya sa crew room.
"Oh, bakit ka nandito? Akala ko ay panggabi ka ngayon?" Gulat na tanong nito.
"Hanggang alas-otso lang daw tayong open ngayon eh." Sagot ko. Binuksan ko ang locker ko at kinuha din ang uniporme ko.
"Oo nga pala! May dinner party nga pala tayo dahil second anniversary nitong café!" Napapa-palakpak pa si Misha sa sobrang excited.
Pumunta ako sa likod ng mga locker at doon nagpalit ng damit. Paglabas ko ay nandoon pa din si Misha.
"Aattend ka mamaya, di ba?" Tanong nito. Nagkibit-balikat lang ako. Inirapan ako ni Misha sabay lakad palabas.
Si Misha ang pinaka-unang naging kaibigan ko sa lupa ng mga tao. Teka, mas tamang sabihin na nag-iisa ko syang kaibigan. Pero syempre hindi ako pwedeng maging masyadong close kahit kanino.
Kaya din hindi ako sumasama sa mga team dinner at events namin. Mahirap na at baka sa sobrang komportable ko ay makalimutan ko kung nasaan ako.
Paglabas ko ng selling area ay saktong nandoon na ang boss namin.
"Good morning, Ralna!" Masiglang bati ni sir Asher. Agad akong tumango.
"Good morning, sir." Bati ko din. Nakita kong nakangisi sa isang gilid si Misha habang nakatingin sa amin.
Nabaliw na naman ang isang 'to, sa isip ko.
"Oh, mamaya 'wag kang mawawala ha. Anniversary celebration ng Dazzle." Sabi nito. Mabilis akong nag-isip ng idadahilan ko para hindi magpunta.
"Ah, ano kasi, sir may--"
"Required ang attendance. Hindi ka na nga nag-attend last year. Kahit sa mga team dinner hindi ka din sumasama." Sermon nito. Napatigil ako sa pagsasalita. "Come on, you need to mingle with other people. Humans like us."
Napaangat ako ng tingin sa sinabi ni sir Asher. Pakiramdam ko ay may laman ang mga huling salitang binitawan nito. Pero baka iniisip ko lang 'yon.
"Sir, kasi--"
"Alright, it's settled. Pagkasara ng café sabay-sabay na tayong pumunta sa venue." Hindi na ako nakapagsalita dahil umalis na ito at pumasok sa opisina.
Bagsak ang balikat na naglakad ako papunta sa harap ng counter kung saan naroon si Misha.
"Sa tingin ko talaga may crush sa'yo yan si sir Asher." Pang-aasar ni Misha. Napailing na lang ako.
Noon nya pa ipinipilit na may gusto sa akin si sir Asher. Hindi ko alam kung ako ang may diperensya o sadyang ilusyunada itong si Misha.
"Itikom mo nga ang bibig mo at baka may makarinig pa sa'yo." Saway ko sa kanya.
"Totoo naman kasi! Tingnan mo, lagi ka nyang pinipilit pumunta sa mga event. Kapag magkausap kayo, iba 'yong shine ng mga mata nya. I swear, crush ka talaga no'n."
Mabuti na lang at may pumasok na isang grupo ng mga kabataan kaya naman sinadya ko nang iwanan si Misha na nananaginip pa yata kahit gising.
BINABASA MO ANG
Ralna: Engkanto Series 2
FantasyRalna was once the prettiest and the most powerful fairy in the kingdom of Vadronia. Pero nagbago ang lahat ng tumapak sya sa lupa ng mga tao para takasan ang ginawa nya sa kaharian nila. Namuhay sya ng tahimik kasama ng mga mortal na tao. She can d...