ABOUT 100 YEARS AGO...
KILALA ako sa Vadronia hindi lang dahil sa ako ang panganay na anak ng haring Ragaz at reyna Felicia, hindi rin dahil sa taglay kong ganda, kundi dahil ako din ang nagtataglay ng pinaka-malakas na kapangyarihan sa kaharian namin.
Bata pa lang ako ay nakita na ng mga pinuno sa Vadronia ang kakaibang galing ko sa mga orasyon, ritwal at ang mga salita ko ay may kakaibang epekto kung gugustuhin ko. Kahit sa pisikal na pakikipaglaban ay ilang malalakas na kawal din ang napatumba ko sa pakikipag-ensayo.
Ang sabi ni ama ay namana ko ang lakas ni ina. Pero hindi sapat 'yon para ako ang hirangin bilang susunod na reyna. Ang katangian na hinahanap sa isang reyna ay ang kakayahan nyang magbigay lakas at magpagaling. Healing.
At 'yon ang mayroon ang kapatid ko, si Ranaya.
Ayos lang sa akin, kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng hinanakit sa kanya kahit pa ako ang panganay na anak at dapat magmana ng trono. Naging abala ako sa ibang bagay habang sinasanay si Ranaya sa mga tungkulin na kaakibat ng pagiging reyna.
Doon ko nakilala si Zeev, isang makisig na engkanto sa Vadronia at nagka-mabutihan kami. Bago pa lang kaming magkasintahan ni Zeev nang ipakilala ko sya kay Ranaya.
Masaya si Ranaya para sa amin. At naging masaya din kami ni Zeev. Pero hindi 'yon nagtagal dahil sa isang gabi na nahuli ko sila ni Ranaya na naghahalikan sa labas ng palasyo. Tinraydor nila akong dalawa. Doon ko nalaman na may lihim na inggit sa akin si Ranaya at balak nyang gamitin si Zeev para sirain ako.
Pero nagbago ang plano, nahulog sila sa isa't-isa.
Sobrang galit, lungkot at sama ng loob ang naramdaman ko. Hindi ko namalayan na habang umiiyak ako ay nakaangat na silang dalawa mula sa lupa. Malakas ang ihip ng hangin at kasabay ng paghampas nito ay itinapon ko si Ranaya sa pader. Narinig ko ang malakas na paghambalos nya doon.
Naglakad ako palapit kay Zeev, nagmamakaawa sya at humihingi ng tawad pero wala akong pinakikinggan kundi ang galit ko. Lalo kong hinigpitan ang kapit sa leeg nya gamit ang pwersang hindi nya nakikita.
"Mamatay ka!" Sinigaw ko iyon pero hindi ko alam kung sa isip ko lang ba.
Narinig ko ang nadudurog nyang mga buto kasunod no'n ay nawalan na sya ng malay. Agad kong binitawan ang walang buhay nyang katawan.
Naglakad ako papunta kay Ranaya. Naramdaman ko ang mga ugat ko sa katawan, ang pwersang gustong kumawala dahil sa sobrang pagka-muhi sa kapatid ko. Kinuyom ko ang kamao ko.
Ilang mga kawal ang nagtakbuhan para protektahan si Ranaya. Napangisi ako, akala ba nila ay mapipigilan nila ako? Sa isang hawi ng kamay ko ay tumilapon sila palabas ng pader ng palasyo. Hindi maitago ni Ranaya ang pagka-bigla sa ginawa ko pero patuloy pa din sya sa orasyon na ginagawa.
Sinira mo ako at ngayon ay gusto mong protektahan ang sarili mo? Napangiti ako ng mapait.
Nang makalapit ay sinakal ko sya nang mahigpit at pilit na itinayo. Nagtitigan kami, sa mata nya ay pagmamakaawa at takot pero sa akin ay poot.
Bago ko pa sya malagutan ng hininga ay may pwersang naglayo sa aming dalawa. Nawalan ako ng balanse at natumba sa basang lupa.
Pagtingin ko sa paligid ay napapalibutan na kami ng mga nakatatandang engkantada at engkanto. Agad kong napagtanto na sinusubukan nila akong ikulong gamit ang isang lumang ritwal. Mabilis akong tumayo. Putikan ang suot kong puting tela.
"Aaaarggghhh!" Sigaw ko, hinuhugot ang lakas sa katawan ko. Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko.
Pagkumpas ng dalawa kong kamay ay humagis ang mga engkantada at engkanto palayo at naabala ang ritwal nila. Kinuha ko agad ang pagkakataon para magbitaw ng sariling sumpa.
"Ako si Ralna, unang anak ng Vadronia, ay isinusumpa ka Ranaya!" Simula ko.
Nakita ko ang takot at pagkataranta sa mata ni Ranaya.
"Pagkatapos ng gabing ito ay hindi ka na magiging tulad ng dati. Babawiin ang iyong tinig, ang iyong mga paa at kamay-- mawawalan ng lakas. Mabubuhay ka na parang patay at araw-araw mong hihilingin na sana ay namatay ka na lang sa mga kamay ko sa araw na ito!" Buong lakas na bulalas ko.
Pinadausdos ko ang dulo ng mahaba kong kuko sa palad ko at agad na tumulo ang dugo papunta sa lupang tinatapakan ko.
"Ito ang mga salitang ako lang ang syang makakabawi." Bulong ko sa hangin pagkatapos ay tumakbo palayo sa palasyo.
Palayo sa buong Vadronia.
BUMALIK ako sa kasalukuyan nang marinig ko ang tinig ni Wayan sa isip ko.
"Nanaginip ka ba? Anong napanaginipan mo?" Tanong nya.
Iniwasan ko ang tingin nya at akmang lalayo sa kanya pero hinawakan nya ang kamay ko.
"Sabihin mo sa akin kung anong iniisip mo." Tila nagmamakaawa ang boses nya. Huminga ako ng malalim, para pakalmahin ang sarili ko.
"Si Ralna... a-at Zeev." Sagot ko. "Isinumpa ko si Ralna at hindi ko alam kung paano babawiin 'yon. At... si Zeev. P-pinatay ko sya!" Bulalas ko sabay iyak ulit.
Wala akong ibang naririnig kundi ang hagulgol ko at ang paminsan na pag-iingay ng mga kuliglig. Napakatahimik ng gabi ngunit hindi matahimik ang konsensya ko.
"Buhay si Zeev, Ralna."
Natahimik ako sa sinabi ni Wayan. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
"A-ano? Anong sinabi mo?" Pagku-kumpirma ko. Iniwasan ni Wayan ang mga mata ko bago sumagot.
"Buhay si Zeev." Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong bumalik sa kaninang pwesto ko sa harap nya.
"Sigurado ka ba? Nakita mo ba sya?" Tanging tango lang ang isinagot nya.
Tumayo sya at naglakad papunta sa pinto pero agad ko syang pinigilan.
"Paano? Paano nangyari 'yon?" Hindi pa din ako makapaniwala. Nakita ko syang humandusay sa lupa noong gabi na 'yon. Patay na sya.
"Ang huling orasyon ni Ranaya ang nag-protekta sa kanya." Sagot ni Wayan.
At naalala ko... bago ako makalapit kay Ranaya nang gabing 'yon ay may binibigkas syang orasyon. Kung gano'n ay hindi 'yon para sa kanya kundi para kay Zeev.
"Si Ranaya?? Anong lagay nya?" Tanong ko, umaasa na hindi nagkatotoo ang binigay kong sumpa.
"Buhay sya." Sagot ni Wayan. Napangiti ako sa narinig pero agad iyong nabawi sa sumunod na sinabi nya. "Ngunit hindi nya naikikilos ang mga kamay at paa. Kailangan nya ng gabay sa bawat galaw. Naibubuka nya ang mga labi nya ngunit tulad ko, walang tinig na lumalabas mula doon."
Tulad ng sumpang ibinigay ko.
Nanghina ang mga tuhod ko at bumagsak ako sa sahig. Hindi ako makaiyak dahil sa sobrang pagka-bigla.
"Magpahinga ka na. May araw pa bukas." Sabi ni Wayan bago nya ako iwan sa madilim na kwarto kasama ang liwanag ng buwan.
BINABASA MO ANG
Ralna: Engkanto Series 2
FantasyRalna was once the prettiest and the most powerful fairy in the kingdom of Vadronia. Pero nagbago ang lahat ng tumapak sya sa lupa ng mga tao para takasan ang ginawa nya sa kaharian nila. Namuhay sya ng tahimik kasama ng mga mortal na tao. She can d...