Ralna: 7

49 7 7
                                    

HALOS malaglag ang panga ko dahil sa lalaking lumapit sa akin.

Matangkad ito, may kalakihan ang katawan na moreno. At ngayong tinanggal nya na ang itim nyang mask ay hindi na lang ang mga nangungusap nyang mga mata ang nakikita ko, kundi ang buong gwapo nyang mukha.

Nakadagdag din sa appeal nya ang suot nyang plain na white polo shirt at pants. Bagay pala sa kanya kahit ang pinaka-simpleng damit ng mga tao.

"W-Wayan..." Halos mawalan na ko ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ngumisi sya. 'Yong pamilyar na ngisi nya na isang side lang ng labi nya ang gumagalaw. Si Wayan nga talaga ito. Naroon pa din sa ibaba ng labi nya, bandang kanan, 'yong pilat nya na nakalmot ng pusang hinabol nya noong mga bata pa kami.

"Hi, sir! How can I help you?" Halos mapunit ang labi ni Misha sa sobrang pag-ngiti.

Inangat ni Wayan ang hawak nyang papel. Lalong nangislap ang mga mata ni Misha.

"Ah! Nag-aapply ka??" Masayang tanong nito kay Wayan. Tumango sya. "Teka lang ha, tatawagin ko ang boss namin." Sabay takbo papunta sa opisina ni sir Asher.

Kinuha ko agad ang pagkakataon para tanungin si Wayan.

"Bakit... anong ginagawa mo dito? At bakit ganyan ang itsura mo?" Natatarantang tanong ko.

"Bakit? Masama ba ang itsura ko?" He frowned with a little pout. Napapikit ako ng mariin sa ginawa nya dahil sobrang gwapo nya.

Goodness, Ralna. Get a grip!

"Hindi ka pwede dito. Hindi ka pwedeng magtrabaho dito." Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit naman? Ikaw nga nandito eh." Pangangatwiran nya. Napasapo ako sa ulo ko.

"Hindi ka nakakapagsalita!" Mahina ngunit may diin na sabi ko. Nakita kong napatigil sya at nag-isip. "Kailangan mong magsalita para makapag-trabaho dito at makipag-usap sa mga customer."

Ngumisi lang ulit sya tapos ay ginulo ng kaunti ang buhok ko. Bago pa ako makapag-react ulit ay nakita kong lumabas na si sir Asher mula sa opisina at diretsong lumapit sa amin. Mabilis kong pinalis ang kamay ni Wayan. Hindi ko alam kung napansin ni sir Asher 'yon.

Umalis na ako at bumalik sa pwesto ko sa counter.

"You must be the applicant. Halika sa opisina ko." Dinig kong sabi nito kay Wayan.

Walang lingon na sumunod naman si Wayan dito. Nang isara nila ang pinto ay napadasal ako dahil kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay may kalokohan na gagawin si Wayan para lang makapasok dito.

"Ang gwapoooo!" Tili ni Misha nang tabihan ako.

SANDALI lang ang ginawang interview. Nakita kong lumabas si sir Asher kasunod si Wayan, tapos ay nilahad nya ang kamay nya dito.

Naglakad na palabas si Wayan at nang daanan nya ko ay nakita ko pang ngumisi sya sa akin. I felt my skin shiver. Kailan pa sya nagkaroon ng ganitong epekto sa akin?

"Ano, sir? Pasok ba si pogi?" Excited na tanong ni Misha.

Tumingin pa muna sa akin si sir Asher.

"He's mute. Fortunately, we both know how to do sign language. But since we're short on staff and Ralna recruited him..." Unti-unting nag-fade ang boses ni sir Asher.

Ano?! I recruited him?? Ibig sabihin sinabi nyang magkakilala kami?! Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa katawan. And sign language? Ng mga tao? Kailan pa sya natuto?!

Bumalik na lang ako sa ulirat nang yugyugin ako ni Misha.

"Shit ka, kilala mo pala 'yon! Omg!" Tawang-tawang sabi ni Misha sa akin.

Wala na si sir Asher sa harap namin. Hindi ko namalayan na umalis na pala sya.

"Kaibigan mo ba 'yon? Hoy, hindi ko alam na may friend ka pa pala bukod sa akin ha!" Pangungulit ni Misha. Kumapit sya sa braso ko at pareho kaming pumasok sa loob ng counter. "Sayang naman at pipi pala sya. Hay, hindi talaga binibigay ni Lord ang lahat sa isang tao. Imagine if may boses sya pero hindi bagay sa built ng katawan nya. Alam mo 'yong boses ipis? What if boses ipis pala sya, omg!" Bulalas nya sabay halakhak.

If he has his voice, malamang ay lalong nangisay sa kilig 'tong si Misha. If only I could undo the spell.

Sa dami ng ginagawa namin ay hindi na namin namalayan ang oras. Kinalabit ako ni Jea at nginuso sa akin ang wall clock.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong nya. Isang oras na pala ang nakalipas mula ng oras ng pag-out ko.

"Hindi ko namalayan ang oras." Sabi ko. Tinulungan ko lang syang mag-punas ng mga lamesa tapos ay pumunta na ako sa crew room.

"Oh, ngayon ka lang uuwi?" Tanong ni sir Asher nang magkasalubong kami palabas ng café.

"Dumami kasi ang tao kanina, sir." Sabi ko.

"You really deserve a bonus dahil sa kasipagan mo. Are you free tonight?" Nabigla ako sa tanong nya habang nakangiti lang sya.

Napalingon ako kina Misha at Jea na abala sa counter. Mukhang hindi naman nila narinig. Binalikan ko si sir Asher na naghihintay ng sagot ko.

Naalala ko ang mga sinabi nya kahapon. Kung totoo ang mga sinabi nya, kailangan kong maging totoo din sa kanya. Kailangan kong sabihin na wala akong nararamdaman para sa kanya. Bahala na kung ano ang mangyari pagkatapos.

"Sir--"

Pero hindi ko naituloy ang sasabihin ko. Nakita ko si Wayan na mula sa likod ng puno ng mangga, diretso ang tingin nya sa akin habang naglalakad palapit. In a second, nandito na sya sa harap ko.

"Wayan." Sambit ko sa pangalan nya. Napalingon naman si sir Asher sa tinitingnan ko.

"Bukas pa ang duty mo ah." Natawang sabi ni sir Asher sa kanya. Napansin kong 'yon pa din ang suot nya mula kanina.

Hindi kumibo si Wayan.

"Oh, is he..." Sabi ni sir Asher nang ma-realize kung bakit naroon si Wayan. "He came for you." Tapos nya.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni sir Asher. And I feel so bad. Why do I feel so bad eh di ba nga sasabihin ko din naman sa kanya na hindi ko sya gusto? Na wala akong nararamdaman para sa kanya. Pero ngayon, ang awkward ng nangyari.

"Sige, see you both at work tomorrow." Pilit ang ngiti nya at pumasok na sa loob.

Nagkibit-balikat lang si Wayan habang naka-pamulsa.

"Seriously, Wayan? Anong plano mo? Bakit ka magta-trabaho sa Dazzle?" Tanong ko sa kanya.

Nag-angat sya ng tingin sa signage ng café tapos ay nagsimula syang maglakad paalis. Mabilis ko naman syang hinabol hanggang makarating kami sa madamong bahagi ng bakanteng lote.

Pagtapak sa puting bato ay nasa loob na kami ng bakuran ng bahay ko. Nasa loob na kami ng bahay ay hindi pa din sumasagot si Wayan.

"Hindi ka ba talaga magpapaliwanag?" Iritableng tanong ko. Binagsak ko sa sofa ang bag ko at naglakad papunta sa harap nya. "Hindi ka ba paparusahan ng puno ng hukbo kapag matagal kang nawala? Bakit hindi ka na lang bumalik sa Vadronia? 'Wag mo nang guluhin ang buhay ko dito." Pakiusap ko sa kanya.

Nagbaba sya ng tingin sa akin at kinabahan ako dahil sa galit sa mata nya.

Ralna: Engkanto Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon