Ralna: 5

62 9 24
                                    

PAGLABAS ko ng Dazzle ay agad akong sinalubong ni Wayan. Ganoon pa din ang suot nya kaya naman napatingin ako sa paligid. May ilang tao kaming nakakasalubong sa paglalakad pero mukhang hindi naman sya nakikita.

Habang naglalakad ay panay ang tapon sa akin ni Wayan ng tingin na hindi ko maintindihan kung sinusuri ako o ano. Pero wala naman syang sinasabi. Anong problema nito?

Tulad ng sinabi ko, malapit lang ang bahay ko sa Dazzle kaya naman ilang minuto lang ay nandoon na kami.

"Ano ba?" Iritableng tanong ko kay Wayan nang makapasok kami.

Nanatili syang nakatingin lang. Para bang sinasadya nyang inisin ako habang hindi ko mabasa kung anong klaseng tingin ba ang ibinibigay nya sa akin.

"Wala naman." Sagot nya.

Napailing ako sabay talikod sa kanya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig.

"Bakit mo ginawa 'yong kanina? Hindi ka na dapat nakialam. Hindi natin dapat ginagamit ang kakayahan natin sa mga mortal na tao." Paliwanag ko sa kanya nang makabalik ako sa sala. Nakaupo na sya sa sofa na nandoon.

"Kahit saktan nila tayo?" Tanong ni Wayan.

Napaisip ako. Muntik ko na din talagang patulan 'yong babae kanina pero pinigilan ko na lang. I sighed.

"Mas makapangyarihan tayo sa kanila. Dapat tayo ang mag-pasensya." Sabi ko. Nakita kong tumango-tango sya.

"Hangga't hindi ka nila sinasaktan." Sambit nya.

Nagsalubong ang paningin namin at hindi ko maipaliwanag kung bakit gano'n na lang ang kaba ng dibdib ko. Kahit mata nya lang ang nakikita ko, sa tingin nya pa lang ay parang hinuhugot nya na ang kaluluwa ko.

Hindi na lang ako nagsalita.

Ilang minuto din kaming tahimik lang at namalayan ko na lang na tinatanggal ni Wayan ang suot nyang kapa. Sa ilalim no'n ay nakasuot sya ng walang manggas na itim na telang tinabas para humapit sa katawan nya.

Hindi ko naiwasan ang mapatingin sa kanya. Kailan pa naging ganito ang katawan ni Wayan?

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ko. I shook myself mentally. Anong iniisip mo? Umayos ka, saway ko sa sarili ko tapos ay umiwas ng tingin.

Pasimple akong sumulyap ulit kay Wayan at mukhang hindi nya naman ako napapansin. Tinitigan ko ulit sya.

Kahit naka-maskara pa din ang kalahati ng mukha nya ay alam kong gwapo talaga si Wayan. Syempre nakita ko naman na ang kabuuan ng mukha nya noon. Matangos ang ilong nya at natural na mapula ang mga labi. Ang mga mata nyang malalim, parang laging may gustong sabihin at nagni-ningning sa tuwing masaya sya o kaya naman ay excited. At kahit na kayumanggi ang balat nya ay hindi 'yon nakabawas sa dating nya.

Kung hindi sya miyembro ng hukbo ay baka pagkamalan syang galing sa maharlikang pamilya. Malamang ay maraming babae ang nagkaka-gusto sa kanya. Hindi ko naman masasabi na dahil lang sa pisikal na anyo nya.

Natural na maginoo si Wayan. Matyaga sya at mahaba ang pasensya sa mga bagay-bagay. Laging kalmado pero matapang.

"May sasabihin ka ba?" Takang tanong nito. Noon ko namalayan na kanina pa din pala sya nakatingin sa akin.

Nanikip bigla ang dibdib ko at pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa mukha ko.

"Kanina ka pa nakatitig." Dagdag nya pa. Mabilis akong nag-isip ng sasabihin para hindi mapahiya.

"Nagkaroon ka na ba ng nobya?" Pareho kaming nabigla sa tanong ko.

Bakit ba kasi 'yon ang lumabas sa bibig ko?! Mas lalo akong nahiya.

Nakita kong bahagyang naningkit ang mga mata ni Wayan. Tumatawa ba sya? Tinatawanan nya ako? Pero pagkatapos ay umiling sya.

"Hindi nya pa ako napapansin." Sagot nya.

"Nino? Ng babaeng gusto mo?" Usisa ko. Tumango sya. Ah, may nagugustuhan syang babae.

Well, I guess it's natural. Marami din naman magagandang engkantada sa Vadronia. O kahit sa ibang kaharian. He had seen them. Ilang beses na syang tinatalaga sa labas ng Vadronia.

"Eh paano ka ba naman mapapansin, hindi ka naman nagsa--"

Natigilan ako sa sasabihin ko. Ako nga pala ang dahilan kung bakit hindi sya makapagsalita ngayon. Mabilis akong tumayo. Bigla akong na-guilty at hindi ko kayang tingnan sya. Paakyat na ako sa hagdan pero bigla syang sumulpot sa harapan ko, nakaharang sa daan. Nanatili akong nakatingin sa sahig.

"Ralna..." Tawag nya sa pangalan ko na kahit sa utak ko lang ay malambing ang pagkakasabi nya.

Nag-angat ako ng tingin nang hawakan nya ang isang kamay ko. Mainit ang palad nya. O nanlalamig lang ako sa kaba?

"Alam mong kahit kailan ay hindi kita sinisi sa nangyari noon, hindi ba?" Lalo akong na-guilty sa sinabi nya pero tama sya.

Nagpupunta sya palagi sa palasyo noon para makipaglaro pero ako ang umiwas sa kanya. Sa tuwing aksidenteng magkakasalubong kami ay ngumingiti sya sa akin pero tatakbuhan ko sya. Kahit kailan wala syang pinakitang masama sa akin. Kahit na pinag-praktisan ko sya ng sumpa na hindi ko alam kung paano bawiin.

Nag-iinit ang mga mata ko at nagbabadya na ang pagpatak ng luha.

"P-patawad, Wayan. Kasalanan ko." It was long overdue but I can't think of anything else to say. "Kung kaya ko lang bawiin, kung alam ko lang sana kung paano..."

Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil naiyak na ako ng tuluyan. Marahan akong hinila ni Wayan palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa ginawa nya.

"Naniniwala akong mababawi mo din ang sumpa, Ralna." Sabi ni Wayan.

"P-paano..." Tanong ko. Wala akong alam na paraan.

"Maniwala ka din sa sarili mo." Sabi nya. Naramdaman ko ang marahan nyang paghagod nya sa likod.

Bumalik sa akin ang mga alaala namin noong mga bata pa kami. Ganitong-ganito nya din pagaanin ang loob ko dati. Noong namatay 'yong alaga namin na kuneho sa gubat ay iyak ako nang iyak. Gusto-gusto ko ang kuneho na 'yon kahit na isang beses ay kinagat ako niyon.

Niyakap ako ni Wayan noon at pinangakong maghahanap ulit sya ng kuneho na aalagaan namin. Malungkot akong bumalik sa palasyo. Pero kinabukasan, maaga syang nagpunta sa amin. Karga nya ang isang maliit na itim na kuneho.

He was always like that. And he always make sure that I am comfortable. At hanggang ngayon na matagal kaming hindi nagkita o nakapag-usap, hindi pa din sya nagbago. How can someone be this consistent? And how can he still have so much faith in me?

Ralna: Engkanto Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon