Ralna: 14

48 5 0
                                    

PINATAYO ko si Wayan sa tabi ng kama ni Ranaya. Pagsasabayin ko ang ritwal. Maaaring hindi umubra ang ganito pero susubukan ko pa din.

Tiningnan ko muna si Wayan na nakatingin din ng diretso sa akin. Tumango sya, ine-engganyo ako na simulan na. Huminga ako ng malalim.

Tulungan mo ko, inang reyna.

"Ranaya..." Tawag ko sa kapatid ko. Tulad ng nasa panaginip ko, lumingon sa akin si Ranaya.

I breathed a sigh of relief. Senyales ito na tama ang ginagawa ko.

"Wayan." Tawag ko din kay Wayan na kanina pa nakapako ang tingin sa akin.

Itinaas ko ang hawak kong mangkok na may nakababad na dahon ng sambong. Sinimulan kong ibuhos iyon sa katawan ni Ranaya. Mula sa paa, kamay, tiyan, ulo hanggang sa ulo ni Wayan pababa sa malapad nyang balikat.

Nang maipasa ko sa babaeng alipin ang mangkok na tanging dahon na lang ang laman ay nagsimula manigas ang katawan ng dalawang nasa harapan ko.

Nakita ko ang mga itim na usok na lumalabas mula sa katawan nila.

Naalala ko ang panaginip ko. Kung gano'n ay ito ang itinataboy ni ina, sa isip ko.

Marahan kong kinumpas ang mga kamay ko para paalisin ang mga itim na usok. Noong una ay makakapal ang usok ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay naging kaunti na sila. Itinaas ko ang palad ko at hiniwa iyon gamit ang matalas kong kuko.

Naramdaman ko ang hapdi at mabilis na tumulo ang dugo sa lupa. Hinayaan ko lang ito.

"Ego Ralna, Vadronia filia, qui hanc et virum carmine ligavi, magnorum meorum animos invoco." Sinimulan ko na ang dasal.

Naglakad ako paikot sa kinalalagyan ni Wayan at Ranaya, sinisigurado na bawat hakbang ay natutuluan ng aking dugo.

Tumapang ang itim na usok na lumalabas sa katawan nilang dalawa na tila ako lang ang nakakakita.

"Sume sanguinem meum et frange incantamenta de corporibus istis, dimisi enim et hanc animam liberabo. Vocem meam audi et deduc nos."

Matapos ang huling salita ay bumagsak si Wayan sa sahig at nangisay. Gano'n din si Ranaya. Lalapitan ko sana sila pero may boses na bumulong sa akin.

Hindi pwedeng maputol ang ritwal.

Nanginginig na ako sa takot pero kailangan kong maging matapang. Nilahad ko ang kamay ko at inabot sa akin ng babaeng alipin ang dahon ng sambong.

Iwinasiwas ko 'yon sa hangin.

"Vocem meam audi et deduc nos." Sambit ko.

Dinggin ang tawag ko at gabayan nyo kami.

"Vocem meam audi et deduc nos."

Ang mga itim na usok kanina ay unti-unting nagiging puti na.

"Vocem meam audi et deduc nos."

Sa pangatlong ulit ko ay tumigil silang dalawa sa paggalaw. Nawalan sila ng malay.

Tapos na, bulong ng boses sa isip ko. Napangiti ako. Sa wakas. Lalapitan ko sana sila pero bigla akong bumagsak sa sahig.

"Prinsesa Ralna! Prinsesa Ralna!" Naririnig ko ang pagtawag ng alipin na babaeng kasama ko sa kwarto pero malabo na ang paningin ko.

Anong nangyayari sa akin? 'Yon ang huling nasa isip ko bago ako mawalan ng malay.

HINDI ko alam kung gaano katagal akong walang malay pero paggising ko ay nasa labas ako ng palasyo. Bumangon ako at napagtantong nasa tuktok ako ng puting bundok sa Vadronia. Malakas at malamig ang hangin sa kinatatayuan ko.

Naglakad ako hanggang matanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang kabuuan ng Vadronia. Bumalik na sa dati ang sigla nito. Malalago na ulit ang mga halaman at puno, maraming bulaklak at mga paru-paro. Maliwanag ang paligid na para bang iniilawan ang buong kaharian.

"Ralna." Tawag ng pamilyar na tinig. Hinanap ko iyon at mula sa tabi ng puno ng sampalok ay nakita ko si ina.

"Ina!" Masayang tawag ko sa kanya. Sinugod ko sya ng yakap. Narinig ko ang mahina nyang pagtawag kasabay ng pagyakap nya din sa akin. "Ina, bakit ka nandito?" Tanong ko maya-maya.

"Dinadalaw lang kita, prinsesa ko." Sabi nya nang bumitaw sa akin. Hinaplos nya ang mahaba kong buhok. "Masaya akong natutunan mong patawarin ang mga nagkasala sa'yo. Si Zeev, ang kapatid mong si Ranaya, lalo na ang iyong sarili." Nakangiting sabi nya.

Napangiti din ako.

"Salamat sa pagtuturo ng lahat, ina." Sabi ko. Umiling sya.

"Ikaw ang lahat ng 'yon, anak. Kung hindi nais ng iyong puso ang magpatawad ay hindi mo malalaman ang solusyon." Naluluha na ako kahit na masaya naman ako. "Lagi mong tatandaan na ang pusong nababalot ng poot ay hindi makikita ang liwanag." Paalala nya.

Maya-maya pa nga ay unti-unti nang naglalaho ang katawan nya.

"Mahal na mahal ko kayo, anak. Mag-iingat kayo palagi."

'Yon ang huli nyang mga salita bago naglaho. Pagkatapos ay parang may kung anong pwersa ang humihila sa akin. Napapikit ako at pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako ulit.

"Ralna! Ralna, gising ka na!" Sigaw ng babaeng nasa tabi ko. Kumurap-kurap pa ako bago makilala kung sino sya.

"Ranaya?" Mabilis nya akong niyakap habang malapad ang pagkaka-ngiti.

"Ako nga!" Natatawang sabi nya. Niyakap ko din sya at nagtawanan kami pero maya-maya lang ay umiiyak na sya. "P-patawarin mo ako, Ralna. Nabulag ako ng inggit. Sa ganda mo, sa kapangyarihan mo, sa atensyon na nakukuha mo. M-mahal kita ngunit nadala ako ng damdamin ko. Nagsisisi na ako, Ralna."

Iyak sya nang iyak. Naiyak na din ako. Tinapik-tapik ko ang likod at ulo nya.

"Patawad din. N-nadala ako ng galit. Ngunit naiintindihan ko na ngayon, Ranaya. N-naiintindihan ko."

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang pumasok si amang Ragaz at si Zeev.

"Ralna!" Niyakap ako ni ama at naramdaman ko ang galak nyang makita ako. "Salamat sa pagbabalik sa ikalawang pagkakataon, anak ko." Sabi nya.

Nakisali na din sa amin si Ranaya. At masaya naman na nakatingin sa amin si Zeev at ang iba pang naroon. Nang magbitaw kaming tatlo ay nakita ko ang isang kawal na palabas at isinara ang pinto.

"Wayan!" Tawag ko sa kanya pero hindi nya na ako narinig. Napatingin ako kay ama at kay Ranaya.

"Sundan mo sya!" Natatawang sabi ni Ranaya. Tumango naman si ama kaya mabilis akong bumangon para habulin si Wayan.

Ralna: Engkanto Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon