Fool [Stacey]

718 8 1
                                    

"Woooooohhhh!!" Sigaw ko nang magsimulang mag-strum sa kanyang electric guitar ang guitarista.

Bahala na, wala na akong pake sa iisipin ng mga tao, favorite band ko 'to kaya nababaliw talaga ako ngayon. Ngayon na lang ulit sila bumisita sa Pilipinas, at beach concert pa.

"Hey, hey, hey, hey, hey, hey, hey, hey" Intro nila habang ako naman ay tili nang tili.

"Hoy, Stacku, 'yong drinks ko!" Reklamo ni Jhoanna na nasa tabi ko. Kanina ko pa siya nabubunggo dahilan para tumapon nang kaunti ang drinks niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtalon at pagtili.

"Simmer down, simmer down" Pagkanta nila dahilan para mapatalon akong muli.

"Stacku!" Inis na tawag ni Jhoanna sa pangalan ko.

Tinignan ko siya at natawa nang makitang wala nang laman ang hawak niya.

"Alam mo, Jho, mag-enjoy ka na lang din. Paano mo makakalimutan si Colton niyan?" Inakbayan ko siya para marinig niya ako.

Dinala ko siya rito para makalimot sa breakup nila ng boyfriend niya last week, pero mukhang ako ang mas nag-eenjoy.

Umirap lang siya, wala naman talagang balak mag-move on 'to, marupok 'to, e. Niyaya ko lang dahil wala akong kasama ngayon sa concert.

Nagpatuloy naman ako sa pagtalon at pagsabay sa kanta. Nagkakabungguan na ang mga tao, laking tuwa ko naman nang makitang nagbago ang isip ni Jhoanna at nakisigaw na rin kasama ko.

"She looks so perfect standing there, in my American apparel underwear." Sinabayan namin ni Jho ang kanta.

Nang matapos ang concert ay para kaming mga baliw na nagtatawanan tungkol sa kung ano-ano halos lahat kasi ng tao sa concert ay pinagmasdan namin at tawang-tawa kami sa mga itsura nila, naghahampasan pa kami. Basta ang alam namin ay hindi kami lasing, pero parang sabog na sabog kami sa alak.

Napahinto naman ako nang may mahagip ang mata ko sa likod ni Jho.

Isang matipunong lalake, nakasuot siya ng blue na beach short, at puting beach polo. Kahit madilim ay naaaninag ko pa rin ang kumikinang niyang mata. The same eyes that captivated me. Nakangiti siya sa mga kasamahan niya.

Napatingin din tuloy si Jho sa gawi niya.

Naramdaman siguro niyang may nakatingin sa kanya kaya binaling niya sa gawi namin ang paningin niya. Mas nasaktan lang ako na parang dinaanan lang kami ng mata niya. Kasabay naman no'n ang paglapit ng babae sa kanya para halikan siya sa pisngi.

Umiirap na binalik ni Jhoanna ang paningin sa akin. Nakataas na ang kilay niya sa akin. Doon ko lang naiwas ang paningin ko sa dalawa.

"Ang kapal naman ng mukha niyang suotin 'yong regalo mong beach short sa kanya." Singhal ni Jhoanna.

Wala naman akong pake kung suot niya 'yon, kanya na 'yon, e.

Nagsimula nang bumigat ang pakiramdam ko. Nakakabanas. Ngayon ko na lang ulit siya nakita, akala ko okay na ako.

Bumalik lahat ng tinapon kong alaala niya sa isip ko. Bwisit!

Fourth monthsary namin ni Judo no'ng na-late siya sa date namin. Hindi siya nale-late sa kahit anong ganap namin, nakakapagtaka. I texted him but he didn't answer, I called him but out of reach. Nagkarerahan tuloy ang tibok ng puso ko, hindi na ako mapakali, nililingon ko lahat ng pumapasok sa restaurant.

Napaano kaya 'yon? Kainis naman! Hindi man lang nagsabi. Mamaya naaksidente na 'yon! Hays!

Bumuntong-hininga na lang ako para kalmahin ang sarili pero wala pa ring nagawa 'yon. Sana lang talaga may pambawi siya sa pagiging late niya ngayon, kahit dumating lang siya rito na buo ang katawan.

BINI auWhere stories live. Discover now