Lose [Gwen]

545 5 3
                                    

"Aalis ka na?" Tanong ko kay Martin na nagmamadaling suotin ang damit matapos basahin ang text sa cellphone.

He seemed to be in a rush, wala naman na siyang klase ngayon, at as far as I know wala siyang ganap mamaya. Kaya nga nandito siya sa condo.

"Yeah. May meeting sa org namin tonight." He responded while putting on his pants.

"Akala ko ba nag-meeting na kayo kahapon?" I tried not to sound suspecting to avoid conflict.

I sat on the bed, still covering my body with the blanket. Ngayon ko lang naramdaman 'yong lamig.

Napatingin siya sa akin na parang binabasa ang isip ko, pero bigla ring nagbago ang ekspresiyon niya. He's sorry. Hindi ko alam kung dahil ba naabala ang oras naming dalawa o dahil may iba pa.

Umupo siya sa kama para saluhin ang mga pisngi ko ng maiinit niyang palad.

"Look, babe. I'm really sorry, it's just really important. Bawi ako next time, okay?" He said then kissed me after the last sentence.

Ilang buwan nang ganito, laging may importanteng gagawin, halos minsan na lang kami magkita, bukod sa busy kami sa studies ay may pinagkakaabalahan pa siyang iba na ayaw naman sabihin sa akin.

Hindi ko mapigilang maghinala, dumaragdag pa ang mga kaibigan kong sinusulsulan ako. Hindi ko alam kung tamang term ba 'yon, dahil ayaw ko silang paniwalaan.

Nang sumunod na araw ay free time namin, at dapat sana ay mas magkasama kami ngayon pero may importanteng lakad na naman daw si Martin kaya nandito na lang ako sa coffee shop kasama ang mga kaibigan ko.

"Gwen, hindi ka pa ba nagsasawa? Anong balak mo? Hintayin na lang na mahuli mo siya ulit?" Ani ate Maloi.

"May point siya, ate Gwen, we warned and told you uncountable times, pero pinipili mong magpakamartir diyan sa Martin na 'yan!" Gatong pa ni Sheena sa sinabi ni ate Maloi.

Yes, he cheated on me several times, pero mahal ko, e. I kept on forgiving him. I can't lose him. He made me feel loved, romantically. He made me feel things I have never felt my entire life. Siya lang nakagawa no'n. And I wanted to give him everything I could give, I wanted him to feel the same way as I do for him.

"Mahal ka namin, ate, e. Pero sobra na pagkatanga mo."

"True!" Ani ate Maloi.

These friends don't understand how I feel, that's why they could easily say that. They're never in my situation, they've never fallen in love. Hindi sila makaka-relate.

"Girls, I love him." 'Yon lang naman ang kaya kong sabihin dahil hindi ko kayang depensahan ang sarili ko sa mga sinasabi nila.

Sabay silang napairap nang marinig 'yon.

"Magrereklamo rito na may kahina-hinala na namang ginagawa ang boyfriend tapos gaganyan." Umirap ulit si ate Maloi.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sana sa susunod na umiyak ka, sawa ka nang patawarin 'yang kupal mong boyfriend." Sabi na lang ni Sheena.

"And you learn to love yourself." Dagdag ni ate Maloi.

Ayaw ko nang umiyak.

I get it, loving hurts. I fully understood its concept, kaya nga willing akong magpatawad nang magpatawad, kahit na madurog na ako sa sakit na nararamdaman ko, dahil mahal ko.

I believe na kaya niyang magbago, I believe na pinagsisisihan niya 'yong mga ginawa niya noon, I believe mahal niya ako.

Pero ngayon, malakas ang hinala kong may kakaiba na naman sa kanya. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman, nasanay na ba ako? Dapat ba akong magalit? Sa paghihinala pa lang ay nasasaktan na ako, paano pa kapag nagkatotoo? Madalas tama ang hinala ko.

BINI auWhere stories live. Discover now