Ghost [Sheena]

3.7K 44 7
                                    

Natapos na naman ang araw, I can finally go home and sleep.

"Amma, nandito na po ako."

"Ay, Sheena, apo, mabuti na lang at maaga ka ngayon, kumain ka muna." Bati sa akin ni Amma at niyakap pa ako.

"Hindi na, Amma, kumain po ako bago umuwi." Sagot ko kay Amma. Pero nakonsensiya yata ako.

"Sayang naman, apo, nagluto pa naman ako ng paborito mo. Sige magpahinga ka na lang muna sa kwarto mo."

Parang piniga 'yong puso ko. Paborito ko 'yong niluto ni Amma.

"Kakain na lang po pala ako, Amma."

"Akala ko ba ay busog ka?" Takang tanong ni Amma dahil sa biglaang pagbabago ng isip ko.

"Gutom pala ako, hehe." Ngumiti ako sa kanya, sakto namang pagdating ni Ampa.

Nagmano ako sa kanya at niyakap niya ako agad. "Sumabay ka na sa amin. 'Yong kuya mo, mamaya pa uuwi 'yon." Aniya.

Naghain na agad si Amma ng kakainin namin, amoy pa lang talaga ng luto ni Amma nakakagutom na kahit pa busog naman ako.

Sabay-sabay kaming kumain at nagtawanan. I always treasure this kind of moment. Kahit sobrang simple nito ay ang laking part nito sa puso ko.

Nang matapos kumain ay ako na sana ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin ngunit pinigil ako ni Amma. "Apo, ako na riyan, pagod ka pa. Magpahinga ka na muna sa kwarto mo."

Pag-uwi ko pa lang talaga ay 'yon na ang gusto kong gawin, pero ayaw ko namang mapagod si Amma sa gawaing bahay, 'no. "Hindi na, Amma, kaya ko na 'to."

"Apo, ako na nga riyan. Magpahinga ka na muna. Kaya ko naman." Ngumiti si Amma sa akin at inagaw ang sponge sa kamay ko.

"Hayaan mo na ang Amma mo riyan, apo. Magpahinga ka na muna." Sabad ni Ampa.

Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Ayaw nilang napapagod ako, at ayaw ko ring napapagod sila. Pero wala naman na akong magagawa dahil pagod din talaga ako ngayon. "Sige na nga. Bukas po, walang pasok, tutulungan ko kayo rito."

Hinayaan ko na lang si Amma. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "I love you, Amma." At hinalikan sa pisngi.

"I love you too, bunso. Pahinga ka na ro'n." Sabi niya.

Sunod naman ay gano'n din ang ginawa ko kay Ampa. They're the most precious people in my life. Kaya lagi kong ipinaparamdam sa kanila 'yon.

Agad ko namang binuksan ang ilaw ng kwarto ko nang makapasok ako rito. Ilang minuto akong gumawa ng assignment, pagkatapos ay naghanda na akong matulog. Paglabas ng banyo ay dumiretso na ako sa kama. Pero ininom ko muna ang vitamins ko.

Sleeping is my most favorite thing to do. Because I can rest.

Napabuntong hininga ako. Excited na akong matulog! Hindi na ako nagpaalam kina lola dahil madalas naman akong nakakatulog agad. Antukin things.

"Good night." Bulong ko at tuluyan na ngang nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ang gaan ng pakiramdam ko. Ang liwanag at aliwalas ng paligid. Kaya tumayo na ako para maghilamos at magmumog.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto dahil gusto ko siyang maabutan.

"Mommy!" Sigaw ko palabas. At naabutan ko nga siyang nagluluto ng almusal.

"Ang aga-aga ang ingay mo, anak!" Reklamo niya pero tinawanan ko na lang. "Pasalamat ka wala na ang Amma at Ampa mo, kung hindi, kukurutin ka na naman no'n."

"Nasaan sila?"

"Nag-date." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Niyakap ko siya habang nagluluto. "I miss you, my." Saad ko sa kanya, dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso ko.

BINI auWhere stories live. Discover now