Her [Maloi]

360 3 0
                                        

Hindi ko na maisip kung ano bang ginawa ko sa lalakeng 'to, bakit baliw na baliw sa akin. Nakatanggap na naman ako ng bulaklak mula sa kanya. It's been a year since we got together, I am happy. I've never been this happy, pero I can't be fully happy. 


"Thank you, babe." 'Yon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na malaman ang sasabihin, nag-uumapaw na naman ang puso ko sa kilig. 


"Always, baby." Malambing niyang sagot bago ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko. "Tara na?"


Anniversary namin ngayon, never thought we would come this far, after everything that has happened. He loved me, he loves me. He fought for this, for us to come this far. 


Ngumiti na lang ako sa kanya at lumakad, habang ang kamay niya ay nakaalalay sa tagiliran ko, sinisiguradong hindi ako malalayo sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makarating kami sa sasakyan niya, at ang bumungad sa akin ay isang pulang kahon ng regalo. Hindi na naman magkamayaw ang buong sistema ko sa nakita ko. Nilingon ko siya at naabutan ang kumikinang niyang mga mata. Kitang-kita ko ang pagmamahal sa mga ito, at ang repleksiyon ko na nagpapaalalang ako lang ang nakikita niya, na siya ring naghatid ng bolta-boltaheng kirot sa mga ugat ko. 


This again. 


"I love you so much." Tila tuluyan nang nabura sa isipan niya ang mga nangyari noon at ang tanging nakikita niya na lamang ay ako.


Ganito rin ba ang ginagawa niya sa ex niya? Was she this happy? Did she feel so loved when they were together? Kasi hindi ko na maalala. He's so good at making me feel special, no doubt on that. 


Masyado siyang occupied ng saya niya na hindi na niya namalayan ang pagbabago ng mood ko. Hindi ko na maitago ang paninikip ng dibdib na nararamdaman ko, bumabalik sa akin ang mga alaala ng mga nangyari noon, pero para sa kanya, wala na lang iyon. 


"I'll bring you to a restaurant that you always wanted." Aniya nang pareho na kaming nasa loob. Ngumiti na lamang ako sa kanya, pilit tinatago ang pagbabago sa sistema ko. Nasa ibabaw naman ng mga hita ko ang regalo niya na hindi ko pa binubuksan. "But for now, open mo muna 'tong gift ko." 


Patuloy sa pagsikip ang dibdib ko sa patuloy niyang pagpaparamdam ng mga ganito. Ngunit ayaw kong sirain ang moment na ito, first anniversary namin at ayaw kong maramdaman niyang hindi ako masaya sa lahat ng mga ginagawa niya. I've never felt this loved my whole life, siya lang ang nakapagparamdam nito sa akin. 


Nang buksan ko ang box, isang kwintas ang lumitaw. Mukhang mamahalin, napakaganda nito. Pero imbis na matuwa ay mas lalo lang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Bakit kailangang ganito pa ang maramdaman ko sa special na okasyon na 'to? Bwisit naman. 


Ayaw ko talagang sirain ang araw na ito kaya ngumiti na lamang ako nang makita ang regalo. "Thank you, babe." Muling sambit ko sa kanya. 


Sabay na nadudurog at nabubuo ang puso ko ng mga ngiti niya. 


"You liked it?" Malambing niyang tanong.


Tumango ako at ngumiti, habang kinuha niya naman ang kuwintas sa mga kamay ko at dahan-dahang isinuot sa akin. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ako. Hindi ko na malaman ang gagawin, pero hindi ko rin pwedeng sirain ang araw na ito. I see my reflection in his eyes, but every reflection is another girl in mine. How can he forget everything? Gano'n ba kadali 'yon para sa kanya? Can that happen?

BINI auWhere stories live. Discover now