One Last Time [Jhoanna]

1.2K 16 7
                                    

"Jho!" Tawag ni Colton sa akin pero pinagpatuloy ko lang ang paglalakad na parang walang narinig.

"Jho!" Ulit niya pa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa library kahit hindi naman dito ang punta ko, para lang manahimik si Colton kakatawag ng pangalan ko.

"Jho." I smiled to myself hearing how his voice lowered when he entered the room.

Naghanap ako ng libro sa mga shelf kaso hindi ko naman alam kung anong hinahanap ko.

Ilang linggo nang ganito si Colton pagtapos namin mag-break. I admit affected pa rin ako ng presensiya niya pero nilalabanan ko para hindi niya maisip na marupok ako sa kanya. Sariwa pa rin sa akin 'yong ginawa niya lalo na 'yong sakit.

His friend invited me to a party and I didn't even know he was there. He didn't inform me.

"Shot! Shot! Shot!" Their chants occupied the place, to Colton who is about to drink his shot. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.

Pero dahil siguro sa kalasingan, nawalan ng balanse si Colt after swallowing the liquor at napatungkod sa mesa, good thing his friend was there to catch him.

Parang huminto ang mundo ko nang makita siya kaya't susugod na sana ako para saluhin siya but a man blocked my way, I tried to push him but he's way too big and couldn't even hear me because of the music and the loud chatterings.

"Wala 'to, mahina!" Saad no'ng sumalo sa kanya at nagtawanan sila. "Isang shot pa lang tumba na."

Kita ko pang napakurap-kurap si Colton para ibalik sa wisyo ang sarili. Tumayo siya nang maayos at tumawa.

Nainis na ako dahil nagagawa niya pang tumawa e halos matumba na siya.

"Colton!" Sigaw ko pero hindi niya ako marinig at lahat ng nandoon ay sinisigaw rin ang pangalan niya dahil iinom pa ulit siya sa kabila ng muntik na niyang pagtumba.

Buti na lang at isa sa mga kaibigan niya ay nakita ako.

"Jho." He greeted. He pulled me in to have a clearer view of Colton. "Buti pumunta ka."

My gaze was all in Colton who is about to have his second shot. Sa pangalawang pagkakataon ay nawalan na naman siya ng balanse. Damn it, Colton. Buti na lang malapit ako kaya nasalo ko agad siya. Habang siya'y pilit na binabalik ang paningin sa dati.

"Colt, tama na." I said but he don't seem to hear me kahit nasa tenga niya na ang bibig ko.

When he regained his balance, he stood still. Nanahimik naman ang buong paligid nang makita ako.

"Lagot..." Sabay-sabay nilang sabi kay Colt. "Sinusundo na ng girlfriend." Anila.

Itinuon ko na lang sa bahagya pa ring hilo na si Colt ang pansin ko. Napatingin siya sa paligid at sunod sa akin. Kumunot pa ang noo niya nang tignan ako. Nagtataka siguro bakit nandoon ako.

I want to get mad at him for not informing me we'll go to the same party and not answering my texts and calls but right now is not the right time. He doesn't smell liquor, and is not blushing which often happens when he's drunk. Kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya, o sadyang matapang lang 'yong alak na ininom niya.

Nagulat naman ako nang itulak niya ako. Buti na lang at nasalo ako ng kaibigan niya.

"Colt! Bakit bigla kang nanunulak?" Tanong nito kay Colt.

Nanahimik ang lahat, hindi rin nila maintindihan kung bakit nagawa ni Colt 'yon. Takang-taka akong pinapanood siya habang hawak pa rin ng kaibigan niya.

BINI auWhere stories live. Discover now