Chapter 13

46 3 0
                                    

Lumipas ang sabado at linggo, na halos wala akong tulog. Paulit-ulit akong ginugulo ng nararamdaman ko. Alam ko sa sarili kong humahanga na ako sa kanya. Alam kong mayroon na siyang kakaibang epekto sa buong sistema ko. Nakakatakot naman 'yun. Nakakatakot sa puntong hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng nararamdaman ko. Ipinilig ko nalang ang ulo at napabuntong hininga bago itinuon nalang sa kalsada ang paningin ko. Ano ba naman yan! Ang hirap naman! 



"May problema ba Love?" tanong ni Kuya Aldus, napansin niya sigurong kanina pa ako bumubungong-hininga. Kanina ko pa din siya nakikitang sinusulyapan ako sa rear-view mirror "May masakit ba sayo?" agad niyang nakuha ang atensiyon ng tatlo sa likod. Dumapo angad ang likod ng kamay ni Kuya Aiko sa noo ko "Masakit ulo mo?" tanong niya "Wala ka namang lagnat. Nagpuyat ka kagabi no! Sabi ko sayong matutulog ka ng maaga eh! Para ka namang mamamatay kapag hindi mo napasa agad 'yung mga project mo eh next month pa naman 'yung due 'non!"sermon niya 


"Ikot kaya natin 'tol. Iuwi natin 'to baka biglang bumagsak 'yan 'dun sa school eh" si Kuya Akiro


"Oo nga! Baka mapano pa 'yan eh!" gatong ni Kuya Alex. Jusko. Napasapo nalang ako sa noo ko at pinigilan si Kuya Aldus nang akmang magyu- U turn siya, hinawakan ko siya sa braso para sabihing 'wag na at hindi na kailangan 'yun. Napakunot naman siya ng noo at nagminor "Sigurado ka ba?" tanong niya saakin, nakuha ang gusto kong sabihin. Tumango ako sakanya at saka ngumiti. Napailing nalang si Kuya saka nag-drive papuntang school. Nagtatalo pa ang tatlo sa likod kaya napalingon ako. Nagbobotohan silang tatlo kung dapat ba nila akong iuwi o hindi. Silang tatlo laban saakin. Tinapik pa nila si Kuya Aldus para daw sa tie breaker pero hindi sila pinansin kaya natahimik nalang sila. Napairap naman ako at humalukipkip habang nakaupo. Okay naman ako no! Baka kung ano pa 'yung sabihin ni Mama kapag inuwi nila ako mag-aalala pa 'yun pati si Papa. Wala naman akong sakit ah! Heart problem kasi 'to! Teka ano daw? Heart problem amp! Sana all yawa!


"Sigurado ka ba talagang kaya mo?" tanong ulit saakin ni Kuya Aldus, nasa tapat na kami ngayon ng room ko. Halos pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dahil sa mga kapatid ko. Pati 'yung mga dapat dadaan lang ay napapahinto para lang makita sila. "Kaya ko naman Jowa, tsaka wala naman akong sakit may iniisip lang" diretso kong sabi na pinagsisihan ko din agad! Ano ba 'yun Lyssa! Ikaw ang magpapahamak sa sarili mo baliw ka! Hindi ko kayang nagsinungaling sa kanila! "At ano naman 'yang iniisip mo?" inosenteng tanong ni Kuya Alex saakin dahilan para mag-init ang mukha ko at agad na napaiwas ng tingin sa kanila. Nahagip ng mga mata ko ang biglaang pagtaas ng kilay ni Kuya Aiko at nagkatinginan din silang apat! Nagpakawala ng sarkastikong tawa si Kuya Aiko saka ako hinalikan sa noo bago walang paalam na umalis. Sumunod si Kuya Akiro na napapa-iling na umalis pagkatapos akong halikan sa gilid ng noo. Ganun dun si Kuya Aldus. Basta nalang nila akong tinalikuran. Si Kuya Alex lang ang natira na nakangiti sa harapan ko bago ako niyakap at bumulong sa tainga ko "Sana all may lablayp" nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya nang kumalas siya saakin, may nang-aasar na ngiti "A—anong love life ka dyan! W—wala no!" agad na depensa ko


"Sussss kunyari ka pa, halata ka oi! HAHAHAH! Sana all punyeta, alis na ako male-late ako eh! Mamaya nalang!" sabi niya saka dali-daling umalis pagkatapos akong halikan sa noo. Patalon siyang umakbay kay Kuya Akiro na tinanggal naman agad ang braso niya sa balikat nito. Nakita ko kung paano silang mag-usap, seryuso. Napabuntong hininga nalang ako. Para naman kasi akong tanga jusko, nakakainis naman! Nagulat ako nang may kumuha ng bag ko. Napalingon ako kay Christian na nakangiti na ngayon saakin "Good morning!" masigla niyang bati. Binati na rin siya pabalik bago ako naglakad papunta sa upuan ko. Napatulala ako sa chalk board sa unahan. Hindi alam ang gagawin. Nag-iisip. Naguguluhan. Maya-maya'y narinig ko na ang malakas na tawa ni Nicco mula sa labas kasabay 'nun ang pagpasok ni DO sa room. Pilit kong pinakalma ang sarili ko , ibinaling ko nalang sa ibang direksiyon ang tingin ko saka nagkunwaring nagpipindot-pindot sa cellphone kahit na ang totoo ay nakapatay 'yun

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon