Chapter 1

2.8K 26 0
                                    

Alyssa Sesbreño

"Gisingin mo na kasi" rinig kong utos ni Kuya Aldus

"Ehh....baka magalit" sagot ni Kuya Aiko

"Ang kukupad niyo kasi" iritableng bulong ni Kuya Alex

"ANO!" sabay-sabay na usal ng tatlong matatanda kong kapatid

"Ayusin mo buhay mo Alex!" babala ni Kuya Akiro.

Lima kaming magkakapatid, si Kuya Aldus ang panganay, sina Kuya Aiko at Kuya Akiro, ang kambal kong magkapatid. Sila ang ikalawa at ikatlo, ang sumunod naman ay si Kuya Alex, ang pang-apat at siyempre ako, ang panglima, bunso at nag-iisang babae.

"Sorry na, kasi naman mabubuko tayo niyan eh" paliwanag ni Kuya Alex at malamang ay kumakamot nanaman sa ulo.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga Mokong na 'to. Hindi ko alam kung ano nanaman kaya ang ginagawa nila dito sa kwarto ko.

Nakahiga lang si Ako at tahimik na nakikinig sa kalokohan nila

"Mga 'tol ayusin niyo na" sabi ni Kuya Akiro

Pinabayaan ko lang sila, mga busy ang mga sira ulo.

Mga Bwesit!!

Ang iingay!!

"Dikit mo na!"

"Doon 'yan sa kabila!"

"Pucha! Ayusin mo Alex!! Masisira 'yan!"

"Sorry naman, mabigat eh"

"Akiro, dahan-dahan puputok 'yan eh!"

"Kuya Aldus , 'yung pangbomba 'san na?"

"Tanong mo kay Aiko"

"Aiko! 'San na?"

"Luhhh, bat ako?"

"Sino kaya may hawak 'nun kanina"

"Tanungin mo si Alex"

"Alex!"

"Ewan ko!"

"Asan na nga! Ikaw gagamitin kong pangbomba dito!"

"Bakit ba ako! Si Kuya Aldus 'yung may hawak 'nun eh"

"Woii!! 'Wag mo sa akin ipapasa! Pupukpukin kita!!"

At dahil nakapatong sa unan ko ang hinahanap nila, dahan-dahan akong bumangon, kinuha ko 'yung pangbomba at iniabot 'yun kay Kuya Akiro

"Ito oh" inaantok na sabi ko

"Ay, nasa 'yo pala, lamat"

"Ghe"

Pagkatapos ay umupo ako ng prente at nakita ko kung gaano kagulo ang kuwarto ko dahil sa pinag-gagawa ng apat na ugok na 'to.

Dinikitan ng kung ano-anong kaek-ekan ang dingding ko, may palpak na balloon twist na gawa ni Kuya Akiro, sandamakmak na lobo sa sahig at may kulay blue na cake sa gitna. May inaayos din silang standee, tapos napakapanget ng design sa paligid

"Mas maganda kung doon yan sa kabila" suggestion ko

"Tingin mo?"

"Oo naman yes!"

"Ghe, lipat niyo yan dun sa kabila" utos ni Kuya Aldus kina Kuya Alex at Kuya Aiko samantalang si Kuya Akiro naman na may hawak paring lobo ay umupo sa tabi ko

"Grabe effort 'ahh" komento ko

"Naman!" may pagmamalaking sabi niya

"Para san naman yan?" tanong ko

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon