Chapter 14

97 5 0
                                    

"Lyssssssaaaaaaaaaaaaa!!" Nox shouted as he run towards me while he is at the arrival area. Mabilis pa sa kisapmata niya inihawi ang kordon at doon na lumusot at saka ako sinalubong ng mahigpit na yakap. Akala mo namang ilang taon nawala 

"Ang arte akala mo naman ang tagal talagang nawala" biro ko bago gumanti ng yakap sa kanya

"Ich vermisse dich so sehr" sabi niya saka ako muling mahigpit na niyakap "Germany is so dull without you with me" sumbong niya nang kumalas siya mula sa pagkakayakap saakin, he pouted

"Napakaarte mo" sabi ko nalang saka pabirong sinuntok ang dibdib niya

"Hija, I told you to come with us" ani Tita Lex na kakarating lang sa likod ni Lennox "You missed a wonderful vacation"

"Okay lang po tita saka family trip po 'yun nakakahiya naman po" I reasoned out kasi totoo naman. That was a family vacation, so why would I meddle 'di ba. Ang rude naman 'nun

"Luh si Alyssa parang others" tito Nexzon commented which made us laugh. Si tito marunong na.

"Tara na? I have a lot for you! I'm sure you'll love them all let's go! Let's go!" parang bata na sabi ni Nox saka isinukbit ang kamay sa braso ko at saka ako hinatak papunta sa kotse nila na sinakyan ko papunta dito para sunduin sila. He smiled at me when we entered their car. Wala pa sila tita may inaayos pa siguro sa loob

"May tanong" sabi ko sa kanya habang abala siya sa paghahalungkat sa backpack na dala niya

"Shot" he said not even looking at me

"Ano ang ibig sabihin ng Ich vermos—" utal-utal kong ani "Ano nga 'yun!" liningon niya ako saka natawa. Iginilid niya na ang backpack niya at saka humarap saakin bago hinawi ang buhok na tumabing sa noo ko, nakangiti parin

"Ich vermisse dich so sehr" he said while looking at my eyes with the smile and admiration in his eyes "That means I miss you so much" and then he leaned in to give me a kiss on my cheek which left me in shock before he leaned closer and goes back on his proper seat as if nothing happens and the last thing I knew, I was holding the most precious necklace I kept until now.




"Ich vermisse dich so sehr" direktang sabi niya sa mic habang tiim na nakatitig sa mga mata ko. What does he mean really? Bakit niya ba 'to ginagawa. Muling umalingawngaw ang hiyawan sa paligid nang bago sila nag-bow at tuluyang bumaba ng stage. Diretso silang naglakad papunta sa gawi namin kung nasaan ang mga bakanteng upuan. Umupo siya sa mismong tabi ni D.O na siyang naging pagitan naming dalawa.

Liningon ko siya para lang makita kung gaano kasama ang tingin niya kay D.O na bagot na tingin lang ang iginanti sa kanya saka muling inabot ang kamay ko para hawakan. Napalingon ako roon at saka muling ibinalik ang tingin sa kanilang dalawa. Para silang nagpapatayan sa tingin natigil lang ang titigan nila nang muling nagsalita si Ralph sa mic. Naunang lumingon roon si D.O na halatang walang pakialam sa paligid niya, nag-smirk muna si Nox ng nakakaloko baga lumingon na din kay Ralph. Iginala ko ang mga mata ko at saka ko nakita ang mga kapatid ko sa gilid na titig na titig lang din kay Nox, tila hindi rin nila inaasahan ang muling pagpapakita nito matapos ang mahigit dalawang taon dahil sa pagbabanda niya. At ang mas nakakagulat pa ay bakit pa sila sumali kung pwede namang maging judge nalang sila o guest artist hindi ba? Kahit ako naguguluhan ako hindi lang sa desisyon nilang 'yun kundi pati narin sa mga kilos na ipinapakita ni Nox. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko o sadyang nag-a-assume lang ako.

Tinawag ni Ralph ang susunod na sasalang sa entablado. Tahimik namin silang pinanood habang inaayos nila ang mga instrumentong gagamitin nila sa pagtugtog. Nanatiling nasa harapan ang tingin ni DO habang hawak hawak parin ang kamay ko. Hindi ko mawari kung bakit hindi naman 'yun pasmado pero sobra ang pawis ng kamay kong hawak niya ngayon. Napalingon ako sa magkahawak naming kamay, saka ko nilingon ang may-ari ng mga kamay na 'yun. Seryuso parin siyang nakatingin sa unahan, doon ako nagkaroon ng pagkakataong pag-aralang maigi ang kabuuan niya. May roon pala siyang nunal sa bridge ng ilong,  mayroon din pala siyang maliit peklat sa gitna ng ibabang labi niya. Perpektong hugis ng  labi at malambot na emosyon ng mga mata. Mayroon din siyang mahahabang pilit-mata, makapal ngunit mataray na mga kilay at higit sa lahat ang magandang hugis ng panga. Lahat 'yun ngayon ko lang napansin at nakita. Alam kong gwapo siya, malakas ang dating at pinagpala ang hitsura pero, hindi ko inaasahan na ganito pala ang lahat ng 'yun sa malapitan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon