Chapter 5

687 10 0
                                    

™^_^™



Nakangiti akong pumasok ng canteen habang nagsisigawan ang mga estudyanteng ka-schoolmate ko lang naman haha

Dumiretso ako sa table namin. Oo table namin hahaha may pangalan na 'yun. Simula kasi nang pumasok ako sa school na 'to, dito na ako umupo. Nung early days like nung grade seven palang ako. Madalas pinapalayas kami ng mga senior high dahil teritoryo daw nila 'yun. Nandyan den 'yung mga feeling. Lahat ng klase ng pagka-feeling nasa kanila. Tss. Minsan ko rin naranasan ang ma-bully. Kesho, panget daw ako, maitim, feeling matalino. Pero simula nang malaman nilang kapatid ako ni Kuya Aiko, wala nang naglakas ng loob na mambully o magsalita sa akin ng masama. Though hindi mawawala ang mga inggitera, ayos lang kayang-kaya ko pa naman.

Nauna na akong umupo at luminga-linga sa paligid. Tinitingnan ko kung gaano ba karami ang mga estudyante dito sa loob ng canteen at sobrang lakas ng sigawan nila. Hindi naman kataka-taka. Mangilan-ngilang estudyante lang naman kasi ang lumalabas ng campus para mananghalian, hindi rin naman dito sa canteen namin kumakain ang College Students,maliban kay Kuya Aldus na kahit First Year College na ay dito parin sa canteen ng mga high school kumakain, tapos puros high school students na ang mga tao pero madami talaga.

"Anong gusto mong kainin?" si Kuya Aldus na tumabi sa akin ng upo at agad na ipinatong ang dala niyang bag sa mesa

"Wala, 'wag mo akong kausapin" sabi ko tapos inirapan siya

"Booom!" biglang sabi ng isa sa kambal, si Kuya Akiro

"Parang Neneng Bee ang kanyang katawan" pagdugtong ni Kuya Aiko na kung nasaan ang titig ng mata. Nang sundan ko kung saan nakatuon ang mga mata niya, nakita ko ang isang babaeng maganda nga talaga. Kilala ko siya dahil madalas ko siyang maka-usap dahil sa Campus Journalism na siya ang Editor In Cheif

"Sinong tinitingnan mo?" tanong ko kay Kuya Aiko

"Siya" tuliro niyang sabi habang nakatulala sa babae

"Ba't mo siya tinitingnan?" tanong ko ulet samantalang inumpisahan naring tingnan ng iba ko pang kapatid at tatlo kong kaibigan ang babae na hindi ko namanalayang nakalapit na pala sa amin

"A-anong.........p-pangalan niya?"

"At bakit?"

"Kilala mo siya?" si Kuya Aiko parin

"Oo bakit?"

"Anong pangalan niya?"

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Sige na Baby, sabihin mo na"

"Ayoko nga"

"Sige na.......please" pagmamaka-awa niya tapos nag-puppy eyes

"A.YO.KO" madiin kong sabi

"Baby naman ehh" sabi niya na may mahabang nguso

"Seth" sabi ni Christian na may ngiti sa labi, agad kaming lumingon sa kanya. Pinandilatan ko siya pero kinindatan niya lang ako

"Ano kamo Christian?" si Kuya Aiko

"Seth.........., Seth Angeli Fran Mendez. 'Yan ang pangalan niya"

"Oh?? Totoo 'di ka nagbibiro?"

"Ba't naman ako magbibiro 'tol Aiko"

"'Yan, ' yan ang gusto ko sayo Christian"

"Seth Angeli......, nice name ang ganda parang siya"

"Baliw!" sabi ko "Inatake ka nanaman ng kamanyakan mo"

When You Left Me Alone |Sesbreño Series #1|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon