Yoona's POV
1 month na rin simula nung first day wala namang gaanong nagyayari.
Tili here
Tili there
Tili everywhere
Sigaw here
Sigaw there
Sigaw everywhere
Batok dun
Batok dito
Batok sa akin
Pano ba naman mambabatok eh hindi ko naman siya inaano. Nakakairita ha.
"Ayieee! Si Baekhyun at Kai inlove." kinikilig na sabi ni Luhan.
"Hay, nag-iba ata ang ihip ng hangin." narinig kong sabi ni Kris.
"Himala, nagsalita ang cold at behave."pang-aasar ni Jessica kay Kris. Diniinan pa talga niya yung 'cold' at 'behave'. Wow feeling siya huh! Kung makapagsalita, kala mo hindi din siya cold at behave.
"Wow, ang galing, kung makapagsalita ung isa jan parang hindi din siya cold at tahimik. Whew! GRABE lang ha! Bumagyo ha! Bumagyo! Ang hangin ng utak niya eh. Please call 911 Emergency lang eh!"aba yan na yung pinakamahabang sinabi ni Kris maliban sa mga speeches namin.
"Congrats Kris! Sa wakas nakapagsalita ka na rin ng ganun kahaba."pang-aasar ni Kai. Hahaha! Oo nga naman.
"Oo nga hyu---"hindi na natuloy yung sasabihin ni Chanyeol kay Kris. Kasi dumating na yung Adviser namin.
"Sorry class, I'm late. But I have to say something. I want you to meet your new classmate."hanu!daw!'new classmate?gulat naman ang lahat sa narinig nilang lahat. Kahit ako.
Pumasok na siya at there it goes.
"Hi, I'm Lee Seung Gi, but you can call me Gio for short, that's my nickname. Nice to meet all of you. I hope we can all be friends. And please be nice to me okay." Lee Seung Gi! Gio Oh yeah I remember him. He' the one who helped me with the gangster boys. Oh, I'm so happy to meet him. Waaaaahaha!
"You may now sit beside Ms. Yoona!"pag-sinusuwerte ka nga naman. Katabi ko pa hahaha! I think today is a very good day. Ay hindi pala today is an awsome day."Hi!"kumaway siya sa akin. Kumaway din ako pabalik habang smile is on my face. Grabe ang cute niya at ang gwapo pa.
Napansin kong nakatingin sa amin ang lahat! Me sine. Me palabas ata eh. Napansin kong nakatitig pala ako sa kanya."Hi, Gio I'm Taeyeon." -Taeyeon
"Ako si Tiffany. Nice to meet you"-Tiffany.
"Ako naman si Sunny."-Sunny
"And I'm Yuri. How are you!"-Yuri
"Hi I'm Seohyun. Nice to meet you."-Seohyun
"Hello, ako si Sooyoung."-Sooyoung
"Hi, I'm Hyoyeon."-Hyoyeon
"Hi! Jessica at your service."-Jessica
Hanep! Bago pa lang sikat na. Pero hindi mo naman kasi maitatanggi na gwapo talaga.
So ayun nag-pakilala naman yung Buong SNSD. Grabe ang sama ng tingin sa amin ng EXO pero maliban lang nman kay Tao, Chen at Suho. Ewan ay sandali. Babasahin ko muna yung mga isip nila. Simple lang nman ang ginagawa ko para mabasa ko ang mga utak nila. Tinititigan ko lang sila.
Una, si Sehun. 'Nakakainis siya, sinong nag-bigay ng karapatan sa kanya na makipag-shake hands sa Seohyun ko.'yan ang nasa utak ngayun ni Sehun...Wahahaha!
'Sino ba yan mukhang papalitan niya ang trono ko sa university. Akala niya hahayaan kong mangyari yun. Neber.'kay Luhan.
'Ano ka ba Jessica, naku binibigyan mo ako ng sakit sa ulo. Mag-papadala ka ba sa lalakeng yan, eh kung tutuusin mas gwapo pa ako jan eh.'kay Kris.
'Tiffany ko! Naku, hindi ka pwedeng mag-kagusto sa kanya. Sa akin dapat. At sa akin lang dapat.'kay D.O
'Baka maaga ko siyang mapatay.'
kay Lay.'Tae ka Taeyeon, ba't siya nagagawa mong landiin samantalang ako hindi mo kaya.'
kay Baekhyun.'Sus, yan lang ba ang kaya mong gawin. Ang pakiligin ang mga babae. Naku, wag mo lang maagaw-agaw ang Sooyoung ko.kay Chanyeol.
'Makakapatay ata ako ng wala sa oras.'kay Kai.
'Ang daming university sa buong mundo. Bakit dito pa sa amin. Aagawin niya ang popularity ng EXO eh. Tsaka ang Sunny ko.'
kay Xiumin.So ayan nabasa ko na. Umalis si Sir kaya
Tili here
Tili there
Tili everywhere
Nakakabingi. *kriiiiiiiinnnngggggg*
Hay! Salamat nag-bell na rin. Lunch na namin eh. So we're heading to the Cafeteria.
"Sino kaya ang mga babaeng nag-landi kanina sa classroom?" diniinan pa talaga ni Kai yung 'landi' pinariringgan ata kami.
Nakangisi na lang kaming girls."Sino naman kaya ang mga lalakeng nag-selos at nagalit kay Lee Seung Gi?"pagalit na sabi ni Yuri. Aba oo nga.
"Akala ko yung mga five b*tches lang ang marunong lumandi pati pala ang SNSD na rin."sagot naman ni Baekhyun. Diin pa more sa 'landi' ha. Ganyanan ha, ganyanan na. Palibhasa selos. Kaya--!
"Pwedeng sumabay?"di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi sumingit si Gio. Kung sa akin lang naman aba oo naman shemfer.
"Uhmm, s-sige."nauutal na sabi ni Seohyun. Sa kanya nakatingin eh then tumingin din sa aming lahat. Kala mo mangangain kung makatingin yung EXO. Si Luhan naman nakatitig sa akin. Teka mabasa nga ang utak nito.*after 5 minutes*
Ahhhh! Bakit hindi ko mabasa. Sandali testing ko sa iba.
Gumagana naman sa iba ah! Bakit kay Luhan ayaw gumana. Huh!
Nakakainis naman.*at the cafeteria*
"Guys, tingnan nyo yung boys oh, kanina pa sila oh!"oo nga eh kanina pa pala ako kinakausap ni Jessica at Seohyun. Nakatitig na pala ako kay Gio. Eh anong magagawa ko eh ang gwapo eh, hindi nakakasawang tingnan.