CHAPTER 22

1.2K 81 58
                                    

Chapter 22
Becoming the Title

"Actually, ako talaga 'yong mangas doon. Kasi like ako 'to? Tanga ba sila? Tameme nga sila isang sample ko lang ng karate!" Sa pagitan ng pagkain at pagsasalita, lumobo tuloy ang pisngi ni Jersey.

Ang energetic niya kumpara noong huling kita ko. Lahat halos. Halatang naging maganda ang takbo ng araw nila kahapon. Dinalaw ko sila nang maaga kanina para sabay sabay kamin mag-almusal. Maya-maya pa naman ang lesson ko.

"Diba, Neddie?!" Nang hindi pansinin ni Heather, naghanap ng kakampi si Jersey. "Aminin niyo! Aminin niyo! Aminin niyo!"

Binagsak ni Heather ang kutsara. "Bunganga mo!"

"Pahalik, hehe."

"Oo na," singit ni Neddie habang gumagala ang tingin sa lamesa namin. 'Di ko naman makakailang nakakagaan sa dibdib na makitang kumpleto kami. We survived. "Kaya nga napunta sa special unit si Jersey. Malaki daw potential dahil bata."

"Burn! Next King of Pandora ata ito! Radzyn, kabahan kana!"

Binaba ko ang kutsara nang may maalala. "Si Akeesha?" Bulong ko kay Neddie habang abala sa kwentuhan 'yong iba.

"Ay oo." Ang pakla ng tingin niya sa pinggan. "Di na masyado saaking close. 'Di narin sinasabi saakin 'yong schedule niya. Pero ayos lang, wala din naman ako halos sa tabi niya nang mawala si Stella." I firm my lips. "Dinig ko parati niyang kasama si HM Azrael? Balak gawing apprentice, baka may pinaghahandaang misyon."

Pansin ko ding napapadalas na magkasama nag dalawa tuwing matatapos ang lesson namin. Siguro nga nagmature si Akeesha at natutong makitungo sa iba.

Maya-maya pa, biglang pumasok ang isang lalakeng naka-all black suit na pangtraining. Tingin ko isang member ng Pawns at sila Neddie agad ang namataan. "Punta na daw agad sa base! Tawag na ni Sir Favian!"

"Shet, ang daldal niyo kasi!" Nagkarerahan sila sa pag-ubos ng pagkain. Hindi kasi gumaya kina Cozmo kinabisa ang schedule nila. Kumakaway na kaway pa si Jersey saakin hanggang lumabas sila ng diner area. Tango lang ang sinagot ko at inubos ang pagkain para mapaaga ang lesson.

"Good morning for you." Sabay baba ng tray sa tabi ko, hindi ko binigyang atensyon si Yanyan. Pero dahil may sumunod na umupo sa harapan ko, napilitan na ako.

"Hi, dear," Daia smiled. Kung hindi lang siya laging nakangiti, aakalain kong sumapi si Almira dito. Pareho silang matamis kung magsalita, matalas din ang titig.

I nod. Puno pa ang tray nila, ibig sabihin mag-aalmusal palang. "Ikaw ba ulit mag-eescort saakin?"

Uminom muna si Yanyan. "Nope. Sobrang ma-pride si Apollo kaya 'di niya kayang ipahawak ang obligasyon sa iba."

"Loyal to his obligation," Daia corrected as if listening carefully. Tumusok narin siya ng dahon sa plato nito, vegetarian.

"Di ako inform na siya bestfriend mo? Ano nang papel ko sa buhay mo?" Natatawa-tawa pa 'to. I don't get them. They share confusing smirks and grin that only the two of them understand. Ganito ba ang ere ng mga Euphorians?

"You're sick, Yanesha."

"Anyways, Vira. Kamusta naman si Azrael?" Pag-iiba niya. "Naging kaklase ko 'yon noon kasama sila Almira. Kaya confident ako na madami ka talagang matutunan."

I can't help but agree. Hindi siya istrikto kahit 'yon ang sinisigaw ng awra niya. Open din ito saakin at patient kaya 'di ako nahirapang mag-adjust. For a teacher, I can say he's performing too good.

"Ang galing," puri ko.

"Azrael's versatile. No wonder."

Magaling nga kaya madali akong nakakapick up, subalit paano pag-iba na? I've been worrying that since last night. Radzyn. Specially that name. If I'm not mistaken, I have no choice but to get along with him for today.

Venom of the New Era (Season 3)Where stories live. Discover now