CHAPTER 8

51.7K 1.6K 267
                                    

MADELINE




     "HINDI KA NAG IISIP KARSON!" Dumagundong ang galit na sigaw ni Donya Karlina sa buong mansion

Nandito kami sa gilid lahat dahil pinatawag kami, si Ma'am Jomela at Sir Karson naman ay pinagagalitan ng mga magulang nila.

"Mom, He deserved that." Walang emosyong sabi ni Sir Karson. "He hurt Jomela and Madeline."

Nilingon ako ni Donya Karlina, agad naman akong napayuko kasi ang sama ng tingin niya.

"Malaking kawalan sa company natin ang mga Ariston." Sabi naman ni Don Joel. "How will you fix that mess you cause?"

"I can handle that." Bored na sagot ni Sir Karson

"And you Jomela." Sinamaan ng tingin ni Donya Karlina si Ma'am Jomela. "Bumisita ako sa Hacienda, narinig ko ang usapan nila doon na may karelasyon kang isang manananim?"

"M-Mom.." Takot na tumingin ito sakin.

"Is that true!?" Yumuko lang si Ma'am Jomela. "Tigilan mo ang kagaguhan na yan Jomela! Kapag nalaman ko kung sino ang lalaking yun, alam mona ang mangyayari."

"Mom, please wag siya." Sabi ni Ma'am Jomela. "I'll do everything."

"Umayos kayong dalawa." Naglakad palapit sakin si Donya Karlina. "At ikaw."

"Ako po?" Tinuro ko ang sarili ko. "Bakit po?"

"Know your limitation, wag kang masyadong malandi." Sabi nito. "Wag mong nilalandi ang asawa at Anak ko, isa ka lang mababang uri!"

"Hindi ko naman po sila nilalandi." Nakatungong sagot ko.

"Lagi kana lang gumagawa ng gulo." Hinawakan nito ang panga ko at inangat ang ulo ko. "Pack your things, you're fired–I forgot boba ka pala. Tanggal kana!"

"Donya, wag naman po." Mangiyak ngiyak kong sabi

"Mom, wag." Sabi din ni Ma'am Jomela. "Wala namang kasalanan si Madeline–"

"–Shut up!" Sinamaan siya ng tingin ng Mommy niya.

"Donya, wala hong pupuntahan yung bata." Sabad ni Tiya. "Maawa ho kayo."

"Wala akong pakielam, gusto mo pati ikaw tanggalin ko huh!?"

"Mom, let go of her." Lumapit samin si Sir Karson at nilayo ako sa Ina niya. "Kung tatanggalin nyo siya, sa akin na siya magtatrabaho. She will be my maid in my condo."

"How pathetic you are." Napaawang na lang ang bibig ko ng sampalin ni Donya Karlina si Sir. "Masyado kayong kahihiyan sa'king magkapatid."

Napayukom ako ng kamao. "Mas nakakahiya ho kayo." Sabi ko at ngumiti. "Nanay kana pero utak mo hindi pa matured, hindi mo man lang iniisip kasiyahan ng mga Anak mo, puro sarili mo ang iniisip mo. Natatakot ka sa sasabihin ng mga tao sa inyo, pero hindi ka natatakot na masaktan ang mga Anak mo."

"How dare you!"

"Lalayas na ho ako dito, doon na lang ako sa Anak mo magtatrabaho, mabait mga Anak mo ikaw lang ang bruha!" Inirapan ko siya. "Yung sahod ko ngayong buwan pakibigay kay Tiya, mag-i-impake lang ako."

Inirapan ko ulit siya bago magtungo sa kwarto. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at lumabas

Nadatnan ko pa rin sila sa labas.

"Nasan na sahod ko?" Naglahad ako dito ng palad.

"Here!" Sinaboy nito sa muka ko ang pera kaya nagkalat sa sahig

"Mom!"

"Pulutin mo." Nakangising sabi nito

Nginisihan ko din siya. "Ikaw pumulot niyan, sinasabi ko sayo, kaya kong pilipitin yang leeg mong babae ka."

Umamba akong lalapitan siya kaya agad siyang yumuko at pinulot ang pera.

"Masamang naghahagis ng pera." Hinablot ko sa kanya yun. "Sige ka, baka lumayo sayo ang grasya."

"Lumayas kana!"

"Tara na Sir, magtanan na tayo." Aya ko at umangkla sa braso niya. "Umalis pala hehe."

"Let's go."

Hinila ako nito, pero bago makalabas ng pinto ay nilingon ko sila.

"Jomela na masama ang ugali, dalawin mo ako ah?" Nilingon ang Nanay niya. "Salamat pa rin, bruha!"

Nang makasakay sa sasakyan ni Sir Karson ay napaiyak ako ng malakas na ikinagulat nito.

"The fvck? Bakit ka umiiyak?" Gulat na tanong nito

"Wala naman akong ginagawang masama eh, bakit pinalayas ako?" Iyak kong sagot. "Ang sama ng ugali ng Mommy mo."

"Stop crying, hindi kana malalapitan ni Mommy sa condo ko." Sagot nito. "Sana sa susunod wag mo ng sagutin si Mommy."

"Bakit?" Ngumuso ako. "Pinagtatanggol ko lang naman sarili ko."

"I know." Tugon nito. "Kilala ko si Mommy, marumi maglaro yun."

"Mas marumi ako maglaro, lumalangoy ako sa putikan."

Natatawang umiling iling ito.

Dumaan kami ng drive thru at bumili ng hapunan. Maya maya pa ay huminto kami sa isang malaking building, bumaba kami ni Sir.

"Ikaw ng bahala." Hinagis nito ang susi ng kotse niya sa isang lalaki bago dire diretsong pumasok sa loob.

Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 6th floor.

"Sir, tuturuan mo pa rin ako?" Tanong ko dito

"Yes." Bumukas ang elevator kaya lumabas kami. "Kapag natapos tayong kumain ay tuturuan kita, marami akong librong binili para sayo."

"Salamat po."

Huminto kami sa isang pinto, may tinapat ditong card si Sir. Bumukas ang pinto, naunang pumasok si Sir kaya sumunod ako.

Ang linis at ang ganda ng condo ni Sir, para kaming mag asawa, Anak na lang kulang.

"Lapag mo muna mga gamit mo, kain muna tayo."

Nilapag nito ang mga pagkain binili namin sa lamesa sa sala, umupo na lang ako sa harap niya.

"Kain na."

Nagsimula na kaming kumain.

"Sir, saan may malapit dito na padalhan ng pera?" Tanong ko

"Sa katabi nitong building meron." Sagot nito. "Papadala ka sa Pamilya mo?"

"Opo."

"Karson na lang itawag mo sakin."

"Pero Amo kita–"

"–Utos ko yan."

Tumango na lang ako.

Nang matapos kaming kumain ay niligpit ko ang pinagkainan namin.

"Sir–Karson, saan ako matutulog?" Tanong ko.

"Yung pinto sa kaliwa, doon ka." Sagot nito. "Yung nasa kanan yung akin."

"Sige Karson, maraming salamat."

"Welcome, pahinga ka muna tapos tuturuan na kita."

Nginitian ko lang siya bago pumasok sa magiging kwarto ko. Patalon akong humiga sa kama.

Solo ko si Sir Karson, pwede kona siyang landiin...Joke lang, prends lang kami niyan, tropa, tropa ba.

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon