CHAPTER 1

69.8K 1.8K 522
                                    

MADELINE


       "MADELINE, manguha ka ng mga gulay sa Hacienda." Utos ni Tiya. "Ipagda-drive ka ni Jake, nasa garahe ang sasakyan."

"Anong gulay po ba?" Tanong ko.

"Basta, alam na ng mga tao doon ang ibibigay sayo." Sagot nito at inabot sakin ang basket. "Bilisan mo."

"Opo!" Kinuha ko sa kanya ang basket.

Nagtungo ako sa parking, may nakita akong sasakyan doon kaya agad akong sumakay sa backseat. Tulala lang ako hanggang sa umandar ito

Nanghihingi na naman si Nanay ng pera kaya babale na naman ako, kaso wala sila Donya kaya sabi ni Tiya na kay Sir Karson ako bumali. Sabi nga niya kay Ma'am Jomela pero tumanggi ako

Napaka-maldita ng babaeng yun, sarap sampalin sa bumbunan.

Maya maya pa ay huminto ang sasakyan, nagtaka ako dahil puro building at maraming sasakyan ang nakikita ko.

"Manong Jake, nag iba na ba yung Hacienda?" Kalabit ko dito

"Holy fvck!" Gulat na sambit nito at lumingon sakin. "What are you doing here?"

"Sorry sir, akala ko kasi ikaw si Manong Jake." Sabi ko dito. "Sa Hacienda ako pupunta eh, sabi ni Tiya yung kotse sa parking ang sasakyan."

"Nasa labas ng gate si Jake." Sagot nito. "Dapat tiningnan mo muna ang driver."

"Si Tiya po ang sisihin nyo wag ako, sumusunod lang naman ako sa kanya." Napairap ako.

"Did you just rolled your eyes to me?" Kunot noong tanong niyo.

"Yes, I'm rolling my eyes." Akala mo ha, magaling na din akong mag english. "You prablem?"

Napahilot ito sa sintido niya. "I'll drive you to Hacienda."

"Pag-da-drive mo din pala ako, dami mo pang sinabi!" Hinampas ko siya sa braso. "Bilis na baka bungangaan na naman ako ni Tiya."

"Don't command me, I'm the boss here."

"Just go pre, come on, everybody let's go."

"Crazy."

Umiling iling ito bago paandarin ang sasakyan.

"Sir Karson, tutal kasama na kita, daan tayong Smart Padala kasi babale ako sayo tapos papadalhan kona sila Nanay." Sabi ko dito

"I don't have cash h–Wala akong dalang cash, kay Jomela kana lang bumale." Sagot nito

Napasimangot naman ako. "Ayoko nga doon, ang arte arte at sungit ng kapatid mo, sarap sampalin."

"Unbelievable, hindi kaba natatakot na pwede kong sabihin kay Jomela yang mga sinasabi mo?"

"Kapag sinabi mo magkaka-pigsa ka sa itlog." Inirapan ko ito. "Kapag tayong dalawa lang nag usap, satin lang yun, wag kang chismoso Sir, nakakamatay yun."

Napailing iling lang ito.

Maya maya pa ay nakarating kami sa Hacienda, agad akong bumaba, pati si Sir Karson ay bumaba.

"Sir bakit ka bumaba?" Takang tanong ko

"Wala kang sasakyan pauwi kaya hihintayin kita, at isa pa diba babale kapa?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"May point ka." Binigay ko sa kanya yung basket. "Ikaw na maghawak niyan ng may silbi ang pagsama mo sakin."

"The fvck!?"

"Yes, birds can't fly without fvck fvck."

Nauna akong maglakad, agad kong nakita si Renato kaya nilapitan ko siya.

"Mangunguha ako ng gulay." Sabi ko dito. "Nasan na?"

"Nasa Kubo–Magandang araw po Sir Karson." Yumuko ito ng bahagya. "Tara ho sa kubo para maibigay kona ang mga gulay."

Nauna itong maglakad, agad naman kaming sumunod sa kanya, bawat mga trabahador na madadaanan namin ay binabati si Sir Karson. Ayaw nila akong batiin, pero okay na rin yun dahil hindi ko rin sila papansinin

Backstabber kasi sila.

"Ito na ho yung gulay." Sabi ni Renato

"Sir Karson, ilagay mona sa basket." Utos ko

Kumuha ako ng cup at lumapit sa jag, napakainit dito sa hacienda, dapat may aircon sila dito eh.

"Hoy bakit si Sir inuutusan mo?" Mahina akong hinampas ni Renato.

"Pakielam mo ba?" Malakas ko siyang hinampas, yung dinig yung pagkalapak. "Sir tapos kana? Tara na."

"Then let's go Ma'am." Sarkastikong sabi nito

Nauna akong maglakad, bahala si Sir doon para naman may silbi yung muscle niya.

"Sir, daan tayong Smart padala ah?" Sa front seat na ako umupo.

"Yeah."

Nagsimula na itong mag-drive, kagaya ng pangako niya ay huminto kami sa smart padala.

"Two thousand lang ang cash ko sa wallet." Sabi nito

"Okay lang Sir, Three hundred lang naman ang kailangan ko." Sagot ko. "Tsaka na ako magpapadala kapag sahod kona, isang linggo na lang naman."

"No, ipadala mona lahat ito." Inabot nito sakin ang two thousand.

"Pero three hundred lang ang iaawas mo?"

"Oo na."

Agad ko namang kinuha yun at bumaba ng sasakyan. Lumapit ako sa smart padala at pinadala yung dalawang libo.

"Yown, salamat Sir ah?" Tinapik ko siya sa balikat. "Buong akala ko masungit ka, medyo lang naman pala."

Umiling lang ito bago paandarin ang sasakyan.

"Salamat Sir." Kinuha ko ang mga gulay at dire diretsong pumasok sa loob ng mansion.

"Tiya nandito na ako." Pakembot kembot akong lumapit sa kanya.

"Saan ka sumakay? Ang sabi ni Jake hindi ka naman daw sumakay sa kanya." Sabi nito

"Sasakyan ni Sir Karson ang nasakyan ko kaya siya na lang ang sumama sakin." Sagot ko. "O siya ito na ang gulay."

"Tapang talaga ng hiya mo."

"Sa panahon ngayon lahat ng tao matapang na ang hiya, kunwari lang yung iba." Inirapan ko siya. "Tiya, may pagkain ba? Gutom na ako."

"May tira pang cake sa ref, hindi naman yata kakainin kaya kainin mona." Sabi nito

Lumapit naman ako sa ref at kinuha ang cake tsaka nilapag sa lamesa. Kumuha ako ng tinidor at akmang kakain na ng may kumuha non.

"This is mine." Maarteng sabi ni Jomela. "Hindi ka pwedeng kumain ng basta basta."

"Aba teka, ako ang nauna eh." Hinala ko din yun. "Hati na lang tayo."

"Pera namin ang pinambili dito kaya dapat lang na ako ang kumain, wag makapal ang muka katulong ka lang dito."

"Nung walang kumakain hindi mo kinain, tapos ngayong may kakain tsaka mo kakainin!" Singhal ko dito

Malakas niya itong natabig kaya nalaglag yung cake, mangiyak ngiyak ko siyang sinamaan ng tingin.

"Bahala ka! Linisin mo yan, gutom na yung tao eh!" Padabog ko siyang iniwan doon. "Maldita kang babae ka! Sarap lagyan ng sili ng panty mo!"






A/N: MADELINE PENGENG LAKAS NG LOOB HAHAHAHA

Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon