"AY PUNYETA!" Tili ni Slex.
"Bunganga mo!" Tinampal ko ito ng mahina. "Tinutuli ka lang, para kang kinakatay diyan."
"Slex calm down, tingnan mo si Nlex kalmado lang." Sabi naman ni Karson dito.
"Mamu, bastos sila, hinahawakan nila Titi nila Kuya." Sabi ni Skyway na ikinatawa ng mga Doctor.
"Oh my gosh! Ang Titi ko, lanta na!" Tili ni Slex. "Aray!"
It's been a years, kinasal kami ni Karson at nabiyayaan ng isang Anak na babae. Sampung taon na ang kambal, si Nlex ganon pa rin at si Slex, lalong lumantod.
"Ito lang ang bet ko, ang magsuot ng palda." Sabi ni Slex habang naglalakad kami palabas ng Hospital.
"Ang sakit Mamu." Nakangusong sabi ni Nlex. "Kung hindi lang para sa future ng magiging Anak ko, hindi ko ito gagawin."
"Bakit kailangan nila tuli?" Inosenteng tanong ni Sky.
"Kapag malaki kana malalaman mona." Tugon ko lang dito.
"Dahan dahan." Inalalayan ni Karson makapasok sa sasakyan ang kambal. "Ayos na kayo?"
"Yes Papu." Sabay na sagot ng mga ito
Pumasok na din kami kaya nagsimula ng mag-drive si Karson pauwi.
"Ikaw Papu, tuli kana?" Tanong ni Sky sa Ama. "Dapat nagpatuli ka din, kaso bawal kasi hahawak nila Titi mo, bawal yun dapat si Mamu lang."
"Tama Sky, si Mamu lang pwedeng humawak nito." Nginisihan ako ni Karson pero inirapan ko lang siya.
Nang makauwi sa bahay ay agad dumiretso ang kambal sa kani-kanilang kwarto, kami namang tatlo nila Karson ay nagtungo din sa kwarto namin.
Si Sky ay sa tabi pa namin natutulog dahil takot pa siyang mag isa, kaya kapag gagawa kami ng milagro ni Karson. Laging sa C.R o kaya sa kusina, basta kahit saan na lang.
"Mamu, pwede ba ako mag-sleep kila Ezam?" Tanong ni Sky. Si Ezam ay bunsong Anak na babae nila Emery at Ezar. "Kasi sabi niya gusto niya ako makasama matulog after naming magralo."
"Pwede naman po." Sinuklay ko ang buhok niya
"Oo nga, malapit lang rin naman ang bahay nila dito." Sang ayon ni Karson. "Basta wag lang lalabas ng bahay nila Ninong okay?"
"Yes po Papu." Bumaba ito sa kama. "Punta lang po ako kila Kuya, need ko din magpaalam sa kanila."
Tinanguan ko lang ito, nagtatatakbo naman ito palabas ng kwarto namin.
"Ang la-laki na ng mga bata." Sumandal ako sa kaniya. "Yung dalawa binata na–si Slex pala dalaga, tapos lumalaki na si Sky way, baka sa susunod magulat na lang tayo may mga shota na ang mga yan."
"Matagal pa yun." Pinaglaruan nito ang taba ko sa tagiliran. "Boss Madam, salamat ulit ah? Thank you for giving me a second chance kahit na hindi kapata-patawad ang mga nagawa ko sa'yo lalo na ng Ama ko."
"Nag-ta-time travel kana naman." Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Tigilan mona 'yang pag-ta-time travel mo, diba sinabi kona sa'yo na ayos na ang lahat? Nananahimik si Joel sa impyerno, ginagambala mona naman."
"Oo na po." Tinulak ako nito sa kama at mabilis na dumagan sakin. "Wala naman si Sky, gawa muna tayo ng milagr–"
"–Anong milagro po yun Papu?" Bagsak ang balikat na umalis si Karson sa ibabaw ko. "Magraralo kayo po? Sali ako."
"Tapos ka ng magpaalam kila Kuya mo?" Sa halip ay tanong dito ni Karson.
"Opo and sabi nila pwede naman po." Tugon nito. "Papu, ralo po tayo, bawal pa sila Kuya eh."
Tumayo naman si Karson, lumingon ito sakin.
"Mamaya ka sa'kin Boss Madam, sa garahe tayo."
Tinanguan ko lang siya, napangiti naman ito ng malaki bago magpatangay sa Anak.
Kaninong asawa yun? Laging horny eh. Charot, kahit ganon yun mahal ko yun, aba wala na akong mahahanap na Karson.
Magkatulong na kayo, charoz. Kayo mga bata, mag aral mabuti at tuparin ang pangarap, hindi lang rin naman para sa inyo yun, para rin naman yun sa mga Magulang n'yo at sa iba pang mahal n'yo sa buhay.
Aral well mga bata, wag agad bumukaka. Kung bet n'yo bumukaka dapat may proteksiyon at dapat sa tamang tao..
-END
![](https://img.wattpad.com/cover/267886301-288-k666312.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia Obsession: Karson Walter [COMPLETED]
RomanceMadeline Sta. Cruz, tanging elementarya lang ang natapos dahil sa kahirapan ng buhay nila, walang trabaho ang Nanay niya at nagbubukid lang ang Tatay niya. Tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Naisipan niyang magtrabaho bilang katulong ku...