5

19 2 0
                                    


From Lea:

Bela, nasa labas na kami ng gate niyo, sabay na tayong pumuntang school.

Binuhat ko na ang duffel bag ko na may lamang damit at naglakad papunta sa gate. napakalayo ng gate namin sa mansion kaya naman pinagpawisan pa ako nung nakarating ako sa gate. Sabay kaming aalis papunta sa school ngayon dahil camping na namin. Pagdating sa school ay bumungad sa amin ang pila ng mga estudyante na papasok sa bus. Pumila na din kami sa department namin at halos ipagdasal ko na sana bakante ang upuan sa tabi ni Luke.

Malakas ata ang dasal ko ngayon dahil bakante nga, rumampa ako papunta sa tabi niya, hindi na siya nagtaka nung ako lang naglakas loob na tumabi sa kaniya.

"Hey Luke, kamusta ang tulog?" mapang asar na tanong ko. walang gana itong sumulyap sa akin.

"I hate you" napa-palakpak naman ako sa tuwa. Last night kasi ay hindi ako makatulog so I called him through video chat, tuwang tuwa ako noong sinagot niya iyon, na istorbo ko pala yung tulog niya kaya I acted scared para naman hindi niya ako patayan. unti nalang sugudin niya ako sa bahay dahil sa inis niya, pero kalaunan wala siyang nagawa.

Umabot yung video chat namin hanggang 4 ng madaling araw. Dumaldal lang naman ako sa kaniya hanggang sa nawala na ang antok niya. nakinig lang siya sa daldal ko at paminsan minsan ay binabara ako. 

"sleep ka nalang" I patted my shoulder, inirapan lang ako kaya naman ako na ang naglagay ng ulo  niya aggresively a sa balikat ko hehe.

"matulog ka na, huwag mahihiya" I opened my book and read the novel.

In the middle of reading ay naramdaman ko na nakatulog na nga ang katabi ko, kumunot ang noo ko noong makitang hawak niya ang selpon.

Kinuha ko ito at binuksan, napa takip ako sa bibig nung makitang litrato naming magkakaibigan ang lockscreen niya. Omg, I wanna cry. Kinuha ko ang phone ko at ginawa din iyon sa lockscreen ko. Ayan,besties na tayong dalawa.

Magulo at maingay ang bus na kinasasakyan ko dahil walang gurong nagbabantay sa amin, pero despite of the noise ay napaka himbing din ng tulog ng katabi ko.

Lumingon sa amin si Lea at initapat ang polaroid camera sa amin. Agad akong piece sign.

"isa pa teh" pinisil ko ang cheeks ni Luke at nag smile sa camera. Inabot ko yung pictures at natawa, kinuha ko yung picture na pisil ang cheeks ni Luke at inilagay sa wallet ko.

Bahagya kong kinuha ang bag ni Luke at kinuha ang wallet niya, hindi ko pinakealaman yung ibang nakalagay dun at inilagay lang ang litratong naka piece sign ako.

"ayan, remembrance" bulong ko. Tumingin ako sa labas ng bintana, napansin kong pamilyar ang daang tinatahak namin, sabi ni prof ay isang oras lang ang itatagal mula sa city. Hindi ko ipinahalata ang gulat noong makitang ito yung daan na tinatahak ko palagi pag may ihuhukay ako. Sabi ay isang oras mula sa city, yung lugar na iyon ay 30 minutes lang.

Maya maya ay napansin ko nang malapit kami doon sa lagusan ng gubat. Pinasadahan ko ng tingin ang daan kung saan papunta sa graveyard na ginawa ko... geez, I wonder kung kailan malalaman ng mga tao yung kagagawan ko.will they hate me? umiling iling ako para iwaksi ang mga iniisip. Dahil na rin siguro sa antok ay nakatulog na din ako. Paggising ay ako naman ngayon ang nakasandal sa balikat ni Luke.

I rubbed my eyes, eksaktong paggising ko ay nagpaparada na ang bus. Tumingin ako sa labas at nakitang maraming estudyanteng naka hilera, marami ring bus ang nakaparada.

Tinignan ko si Luke na nakatitig sa phone niya, may ka text ata. Hindi pa tumatayo yung mga kaklase ko nung binuksan na yung pinto kaya nauna na ako, walang hiya akong naglakad palabas. Halakhak naman agad ni Lea ang narinig ko.

The villain in disguise (Villain series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon