"Bela, nasa hospital ka na't lahat, iyang school works pa rin inaatupag mo" maktol ni Lea na kanina pa ako kinukulit, kagagaling niya lang sa school at excited daw siyang bisitahin ako dahil may ichichika daw siya sa akin."Lea, absent ako okay, graduating na din ako, tapos puro pa ako absent. Paano nalang yung -"
"yung latin honors kineme, ano ba, ikaw ang tagapagmana ng tatay mo okay, hindi mo naman kailangang mag aral ng mabuti kasi pagka graduate mo, may trabaho ka na." umirap ako at ipjnagpatuloy ang paggawa ng essay.
"ayaw kong manahin yung madumi niyang kumpanya" she covered her mouth in shock.
"pareho talaga kayo ng mga kuya mo, Last time I asked kuya Blake, iyan din ang sagot niya sa akin. Grabe, magkapatid nga kayo "
"totoo naman, kahit pagbaliktarin mo pa yung mundo, mas pipiliin kong maging pulubi kaysa manahin yung kumpanya niya."
"sabagay, iyan naman talaga ang goal natin"kumibit balikat ito.
"nga pala, nagiging busy si Aileen ngayon ah?" takang tanong ni Lea. Maybe because ilang araw nang hindi sumasabay sa amin.
"malamang, naging utusan nanaman iyon ni dad" napa 'ahh' si Lea.
"anyways, malapit na magbakasyon, excited na din ako sa trip na sinasabi ni Tyler.
Nung gabi non ay dumating ang doktor ko at pinahintulutan na akong umuwi kinabukasan. Dumating din ang dalawa kong kuya para ihatid ang pagkain ko at babantayan daw ako ni kuya Blake ngayon.
"Bela, uuwi na ako." paalam ni Lea sa gitna ng pagkain ko. Tumango ako, sasabay siya kay kuya Kyle.
"kamusta si Kim?"
"he's doing well, although nagsisimula nang magtampo dahil hindi mo daw pinapansin and also wala ka sa bahay"
Ngumuso ako, nagtatampo na si Kim. " kailan mo siya balak pansinin"
"hindi naman sa hindi ko siya pinapansin, busy lang talaga ako kuya" tinaasan niya ako ng kilay. Ayaw maniwala!
"is that so? Kaya may lakad ka next week with your friends?" I bit my tongue. Totoo naman kasi, busy ako dahil sa dami ng school works ko.
"wala sa usapan yun kuya"
"it is, pansinin mo ang kapatid mo bago kita papayagang pumunta" he smirked, akala mo naman kung ma-convince niya ako. Atsaka hindi ako inform na kailangan ko palang mag paalam.
"last time, hindi niyo ako pinansin nung pumunta akong Baguio with Lea and Aileen, tapos ngayong mag dadagat kami kailangan magpaalam?" inis na tanong ko. Kumibit balikat ito, teka nga... Kailan ba nalaman ni kuya na may lakad kami. Si Lea ba, aba bunganga talaga non walang pigil.
"it's different though, last time kayo lang pero ngayon may boys kayong kasama" I scoffed.
"kuya, hindi ba't mas better yung ganon? Atsaka iba sila Luke no" I crossed my arms. He smiled with that.
"stop pouting, hindi naman mahirap yung sinasabi ko"
Umirap ako uli "okay fine"
Tumayo na si kuya at iniayos ang mga pinagkainan ko, pagkatapos ay pilit niya akong pinahiga kahit ayaw ko. Pinanlisikan pa ako nito ng mata bago ako napahiga ng tuluyan.
"sleep, maaga tayo bukas so that you can have your breakfast with Kim" hindi ako umimik at tumalikod sa kaniya.
♡♡♡
"Hi, I'm back!" sigaw ko, wala si dad, next year will be the election already. Last election din hindi ako sumali sa kampanya niya dahil first of all, wala akong interes at wala akong balak na sumuporta sa kaniya. Hindi ko lang alam at ganon nalang kataas ang tingin nila kay dad without knowing na he's a fake ass. Wala rin lang din naman siyang pakealam sa aming magkakapatid na hindi siya sinusuportahan sa kampanya niya dahil first and foremost, marami siyang supporters, hindi niya kami kailangan sa side niya tuwing election.