4

22 2 0
                                    

" Bela! Free ba kayo mamayang hapon" tanong ni Leo, nagtinginan kami nila Lea.

"oo "agad na kumislap ang mata ni Ion.

"Tara mag sanggyup mamaya? Libre ni Taylor" agad na tumingin si Tyler noong marinig ang pangalan.

"excuse me?" ngumisi sina Ion at nagmakaawa pa na siya mag bayad. Walang nagawa si Tyler sa huli dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

Hindi na inform si Tyler na manglilibre siya mamaya, mga gagu talaga. Nung matapos ang klase ay dumeretso kami sa kakainan naming resto. Umupo ako sa tabi ni Bryce dahil iyon lang ang bakante.

I haven't talked to Bryce once, pag nakikita niya ako tango lang ang bati niya.

Habang inaantay yung food na kinuha nila Luke ay ingay lang nila Ion ang naririnig. Minsan ay sinasali nila ako sa usapan kaya nakiki sakay nalang din ako sa trip nila. Nagsimula na kaming kumain at masasabi kong appreciate ko ang food nila pero hindi ako mahilig sa karne hindi gaya noon.

Isinubo ko ang kimchi at lettuce. Pinanood ko lang kainin nila yung karne habang ako naman ay yung kimchi, lettuce at raddish lang ang nilantakan ko.

Susubo sana uli ako ng raddish noong may naglagay ng karne sa pinggan ko. Nilingon ko iyon at nakitang si Bryce ang naglagay non.

"try eating these" tinitigan ko lang iyon.

"hmm? Bela? Hindi ka ba kumakain ng karne"tanong ni Leo na nasa harapan ko. Nagtinginan silang lahat sa akin.

"hindi talaga kumakain ng karne yan"

"ayh angas, vegetarian yarn?" sabi ni Ion.

Tinitigan ko yung karne bago kainin ito. "kumakain ako... Kaso bihira lang" hininaan ko yung sinabi ko sa huli.

"ganon? Kaya ka ba laging nag sa-salad or tubig at juice lang kasi hindi ka mahilig sa karne" dahan dahan akong tumango.

Ion tilted his head as if he was thinking something.

"may eating disorder si mareng Bela kaya ganiyan" daldal ni Lea, sinamaan ko ito ng tingin, bunganga talaga neto.

"ahh ganon? Tulungan kaya namin ikaw na lagpasan iyang eating disorder mo?" ngumiti si Leo at nilagyan pa ng karne ang plato ko.

"kain ka lang Bela, kung ano man ang bumabagabag sa isip mo isawalang bahala mo iyan at ikain mo nalang. Pero kung gusto mo? gaya ng sinabi ko nung last, hindi naman siguro masama kung sabihin mo din sa amin yung problema mo" ngumiti ito sa akin, nagiligid ang luha ko sa sinabi niya.

" oo nga Bela, sabay tayong mamoblema, huwag mong isipin iyan. Ikasasama lang iyan ng kalusugan mo." yumuko ako at walang imik na kinain ang kanin sa harapan ko.

Napaka wierd nila, ngayon ko lang naranasan yung ganon. Ngayon lang ako nakarinig ng mga salitang makapag hihinahon sa akin. Feeling ko tuloy everytime na kasama ko sila ay safe ako.

"change topic tayo, baka umiyak bigla si Bela. Nakarinig ako ng chismis mula sa ibang school" biglang daldal ni Lea.

"ano yun? " na intriga naman agad yung iba sa kaniya.

"yung Elesyn University. Alam niyo naman siguro yung nangyayari doon"napakamot ako sa ulo.

"ayh narinig ko na din yan.  every week ay may namamatay daw na estudyante dun.  nakakakilabot, buti nalang hindi ako nag enroll sa university na yun"

"balita ko makakasama natin yung school nila sa darating na camping natin." agad namang kinilabot sina Ion samantalang deadma lang sina Luke.

May camping kasing magaganap at per department iyon. Tatlong university ang magsasama sama. Ngayon, halos mag protesta ang ibang student dahil natatakot silang may mangyaring patayan sa camping dahil nandon nga ang ibang estudyante ng Elesyn University. Hindi pa nai anunsiyo sa paaralan namin pero alam ko pati sila ay ganon din ang magiging reaksiyon gaya ng isang university.

The villain in disguise (Villain series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon