Chapter 62

283 37 11
                                    

Claire's POV:
Pagkagising ko bumangon agad ako at naligo, pagkatapos bumaba na ako nakita ko naman ang mag-aama ko na masayang kumakain ng almusal.

"Good morning" Bati ko.

"Good morning hon" Bati naman ni bong.

"Good morning nanay" bati nung dalawang bata.

"Nanay?" Sabi ko, nagtaka kasi ako kung bakit nanay ang tawag nila at hindi mommy.

"Yes po, mas gusto po kasi ni tatay na nanay po ang itawag sa’yo po imbis na mommy" Sabi ni cole at ara, tumango na lang ako.

"Kain na tayo mahal ko"-Sabi ni bong.

"Bong, claire ang itawag mo sakin hindi hon or mahal ko okay?" Sabi ko, tumango na lamang siya tapos kumain na kami.

Nang matapos na kaming kumain, agad na umalis si bong, may meeting daw kasi siya.

"Babalik po ba si tatay?" tanong ni cole.

"Oo nga po nanay, miss ko na po agad siya eh" sabi naman ni ara.

"baka mamaya bumalik yun, kasi nag text pagka-alis niya sabi babalikan kita" sabi ko, ngumiti naman sila.

"halika na sleep na kayo, ang aga niyong nagising eh" sabi ko, tumango naman sila.

nang mapatulog ko na yung mga bata, bumaba na ako tapos nanood ng horror movie.

habang ako'y tahimik na nanonood, biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"hey! where's my kids?" tanong ni bong, habang dala niya yung box ng donut.

"tulog na kanina pa" sabi ko.

"okay mamaya na lang nila kainin to" sabi niya.

"No! Bong alam mo naman na hindi ko sila masyadong pinapakain ng matamis hindi ba" sabi ko.

"Minsan lang naman" sabi niya.

"Minsan? eh yung kay kuya sandro at kila kuya vinny nga hindi mona napigilan" sabi ko.

"Aba'y syempre yung lola na ang gumawa ng paraan para mapakain sila ng chocolates wala naman akong magagawa" sabi niya.

"Well ako namang nanay nila ang gumawa ng desisyon para hindi masira ang ngipin nila" sabi ko.

"okay! talo na ako, sa wife ko na lang ibibigay ito" sabi niya sabay abot sakin nung donut.

"sorry mr.ildefonso but I'm on a diet" sabi ko, tapos ibinalik ko yung donut sa kanya.

"Masasayang ito kung hindi mo kakainin" sabi niya.

"Edi ikaw ang kumain" sabi ko.

"Hindi ko ito mauubos" sabi niya.

"kasalanan ko?" sabi ko.

"Hindi" sabi ni bong.

"Oh kainin mo yan!" sabi ko, agad niya namang binuksan yung box at kinagat yung donut.

"Ayaw mo talaga misis ko?" tanong niya habang kinakain yung donut.

"Ayoko! Huwag kang maingay nanonood ako" sabi ko.

"Okay i love you" sabi nito.

"Okay i hate you!" Inis kong sabi, natawa naman siya.

Patuloy siyang kumakain ako naman patuloy lang sa panonood.

Fell In love With My StepdadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon