Chapter Thirty Seven

5.7K 120 5
                                    

Hawak ni Tim ang bath sponge at sinimulang kuskusin ang likod ko, pigil ko naman ang sariling hininga habang ginagawa nya yun, naging mapilit ang lalaki kayat hinayaan ko na lamang sya. Bahagya ang pag kunot ng noo ko nang mapansin na naging mabagal ang pag kuskos nya at unti-unti ay may tila binubuhay na sensasyon sa balat ko

"Ahm okay na, salamat"

Sabi ko na kumilos sa kinatatayuan at balak na kunin sa kamay nya ang bath sponge ngunit inilayo nya yun mula sakin

"Hindi pa tapos tumalikod ka muna"

Sagot nya, parang may kung anong engkanto ang boses ng lalaki kung kayat napa sunod ako sa pangatlong pagkaka taon. Banayad sa pag scrub ang mga mga kamay nya, muntik pa akong mapa igtad nang hawakan nya ako sa braso, may ibang hatid ang simpleng pag hawak nya na yun na para akong napapaso. Napa harap ako kay Tim at patitigilin na dapat sya ngunit hindi ko naituloy nang ang dibdib ko naman ang napag pasyahan nyang i-scrub. Hindi ako makapag decide kung ano ang gagawin

"Tim anong ginagawa mo?"

Hindi ko magawang ilayo ang katawan mula sakanya, marahil sa loob-loob ko ay parang gusto ko ring antayin at malaman kung ano ang susunod nyang hakbang

"Bathing you what else?"

Simple nyang sagot

"Ang sabi mo ay kukoskusin mo lamang ang likod ko hindi paliliguan"

Ngunit nag tengang kawali lamang ang lalaki, namalayan ko na lang na humahaplos na ang mga kamay nya kasabay ng pag scrub nya sa katawan ko. Parang umilaw ang isang bahagi ng utak ko na parang binibigyan ako ng warning sa mga nangyayari, sa wari ko ay naging sensuwal yata ang paraan ng pag hagod ni Tim sa sponge at miminsang sasayad sa dibdib ko ang daliri nya

Chansing!

Hiyaw ng utak ko pero wala yata akong balak na tutulan man lang ang mga galaw ng lalaki bagkus ay tila ine-enjoy ko pa yata. Nakikini-kinita ko na ang reaksyon ng kaibigan kapag nalaman nya ang karupukan ko na nag mana sakanya

Nag salubong ang mga paningin namin habang itinataas nya ang isang braso ko at yun naman ang kinuskos, hindi ako halos huminga sa antisipasyon. Maya-maya lamang ay pinatalikod ako ni Tim at inilagay sa gitna ng dibdib ko ang scrub unti-unti ay bumababa papunta sa aking tyan saka sa puson, napa pikit ako dahil doon. Kailangan ko yata ng makakapitan.

Napigil ko lamang ang kamay nya nang maramdaman ko na lalo pa yung bumaba

Hustong mag tama ulit ang mga mata namin ay parang nagka unawaan ng hindi nag uusap at pareho naming tinulay ang pagitan ng mga labi namin, parang sumabog ang tensyon na kanina pang namamayani at tuluyang kumawala. Syempre ay linabanan ko rin ang mga halik ni Tim nag hiwalay lamang kami nang pangapusan ng hangin, bumaba ang labi nya patungo sa puno ng leeg ko at pinag landas ang mga palad sa buong katawan ko. Parang sinilaban ang pakiramdam ko at tuluyang nagpa tupok sa sensasyon at udyok ng damdamin, ang mga sumunod na eksena ay napuno ng halinghing at ungol ang loob ng banyo naisip ko pa na sana ay naka sound proof ang mga kuwarto dito at baka marinig kami ni manang sa labas. Halos mawala ako sa sarili sa luwalhating ipina lasap ng lalaki

"S-sandali"

Sabi ko at umiwas nang akmang hahalikan ulit ni Tim, ngunit dumukwang pa rin sya para abutin ako

"Tim sandali"

Itinukod ko ang kamay sa dibdib nya

"Why?"

Banaag ang pag nanasa sa mga mata na tanong nya

"Hindi pa ako puwedeng makipag ano wala pang isang buwan mula nang manganak ako"

You're The Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon