Chapter Thirty Six

5.8K 113 10
                                    

"Ganon ba? Naalala ko lang yung mga napag usapan naming nakaka tawa kanina"

Paliwanag ko ngunit inisnab lang ako ng lalaki

"May problema ba Tim?"

"Nothing George, matulog na tayo"

Pang di-dimiss nya sakin, curious man akong malaman kung ano ang nasa isipan nya ay alam kong hindi ko naman mapag sasalita ang lalaki tutukan ko man siguro sya ng baril, lihim na lamang ako na nag reklamo

"Sya sige goodnight, may opisina ka nga naman bukas"

Sagot ko

"Goodnight"

Katulad ng naka sanayan kong puwesto ay tumagilid ako ng higa pa talikod sakanya, ganon din naman ang ginawa nya. Naka tulugan ko ang pag iisip patungkol sa napag usapan naming dalawa at sa kakaibang inakto nya. Kinaumagahan ay nagising ako na ramdam ang mabigat na bagay na naka dantay sa mga binti ko maging ang naka patong sa bewang ko pag mulat ko ng mga mata ay laking gulat ko na naka pulupot pala sakin ang bisig ni Tim maging ang binti nya, wala akong ideya kung gaano katagal kami sa puwestong ito pero kung ang pag babasehan ay ang tila bahagyang pangangalay ng katawan ko sa hula ko ay medyo may katagalan na rin at base sa paraan ng pag hinga ni Tim ay alam ko na himbing pa sya sa pag tulog. Hindi ko malaman kung paano ko tatanggalin ang braso at paa nya sa pagkaka dantay sakin ng hindi sya magigising, namilog ang mga mata ko ng mag sumiksik lalo ang lalaki sakin. Kumabog ng malakas ang puso ko, gusto ko sanang kiligin kung hindi lang sana ako ginawang parang unan ng lalaki at hindi masyadong maka hinga at nabibigatan sa binti nya. Pinilit kong alisin ang kamay nya ngunit tulog mantika yata ang lalaki

"Tim?"

Inabot ko ang pisngi nya at tinapik yun

"Tim gising"

"Mhhh"

Yun lamang ang naging reaksyon nya ngunit hindi nagpa tinag sa puwesto

"Hoy"

"Bakit anong oras na ba?"

Inabot nya ang digital clock na naka display sa side table na katabi ko

"Maaga pa, bakit ka ba nang gigising. Go back to sleep"

Parang yamot na leon na sabi nya saka bumalik sa dati nyang puwesto ang hindi ko inasahan ay nang isiksik nya ang mukha sa leeg ko, parang may kuryente na nanulay sa galugod ko dahil doon. Muntik pa akong mapa sigaw dahil sa kiliti na dulot ng papa tubo nyang bigote

"Tim nakikiliti ako"

Hindi ko mapigilan na maibulalas

"Stop moving, give me few more minutes of sleep please"

"Aba paano naman ako, ikaw kumportable dyan tapos ako halos hindi maka hinga ng maayos dito. Hindi naman ako unan"

Reklamo ko

"Oh you're not? Kala ko unan ka eh"

Sinundan nya pa yun ng mahinang tawa, pinalo ko sya ng mahina sa kamay

"Fine"

Sabi nya na inalis ang pagkaka yapos sakin, pakiramdam ko naman ay para akong inabandona sa ginawa nya parang gusto ko ulit hilahin ang braso nya pabalik

"Ako naman ang gawin mong unan para maka bawi ka"

Tiningnan ko sya ng may pag tataka, bago pa ako makapag react ay hinila na ako ng loko papunta sakanya, impit akong napa tili

"Ang sabi mo gawin kitang unan hindi maging kama"

Hindi ko inasahan nang ipatong nya ako sa malaki nyang katawan, ke aga-aga ay ganito ang eksena naming dalawa

You're The Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon