Chapter Forty Seven

6.1K 110 13
                                    

"Pano uuwi na kami George baka gabihin na kami sa daan"

Paalam ni Vince

"Teka ipag ba-balot ko pa kayo ng pagkain"

Pigil ni nanang

"Naku huwag na ho Tita nakaka hiya naman maraming salamat na lang ho saka medyo nag ma-madali din po kami"

Sagot ni Val

"O sya kayo ang bahala, da-dalaw kayo dito sa susunod"

Sabi na lang ni nanang

"Syempre naman ho tita, magiging madalas ako dito sa mga susunod na mga araw"

Sagot ni Vince na bineso pa ang matanda saka nag paalam

"Hindi ko na kayo mahahatid sa labas dahil mag e-estima pa ako ng bisita, mag i-ingat na lamang kayo sa pag uwi"

Naka ngiting paalam ni nanang na halata ang pagiging magiliw sa lalaki, naka masid lang si Tim habang nag u-usap usap ang mga tao sakanyang paligid, saglit din naman syang nakipag usap ngunit hindi nag tagal ay kinailangan na ngang mag paalam ng mag kapatid

"Pare una na kami sayo"

Tinapik pa ni Vince ang lalaki na tinanguan naman ni Tim

"Ingat kayo"

Dinig kong sabi nya

"Ihahatid ko na kayo sa labas"

"Naku huwag na George, alam naman namin ang daan palabas. Hindi kami maliligaw"

Sabi pa ni Vince na ikina tawa ko

"Buti naman at memoryado mo na ang laki-laki pa naman nitong bahay namin"

Sagot ko naman

"Ako pa ba?"

Lumapit sya sakin saka nya ako bineso, maging kay Cheenie ay ganon din ang ginawa nya

"Mag i-ingat ka sa pag ma-maneho"

Paalala ko sakanya

"Yes mam"

Sinaluduhan pa nya ako saka tuluyan na nga silang umalis

"Okay din yung si Vince ano? Magaling maki sama saka palabiro"

Komento ni Cheenie, malamang ay nadinig din yun ni Tim na katabi ko lamang

"Oo nga eh kaya nga kami naging mag kaibigan nun"

"Kaibigan nga lang ba o kaibigan?"

Malisyosa nyang komento, tingin ko ay sadya nyang ipa dinig yun kay Tim. Nang malaman nya ang mga nadinig ko ay tila mas nainis pa yata kaysa sakin si Cheenie, hindi na daw sya ang presidente ng fans club ng loveteam namin ng lalaki

"Tse huwag ka ngang malisyosa dyan"

"Aba bakit, kanina ko pa kayo tinitingnan na dalawa feel ko ma baka isa sa mga araw na 'to ay bigla ka nyang ligawan"

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na nakikinig din si Tim sa pag uusap naming mag kaibigan kaya hindi ko malaman kung ano ang isasagot

"H-hindi mangyayari yun, huwag kang gumawa ng issue"

"Sows ano pustahan? Ay nandyan ka pala Attorney"

Sabi pa nya na parang ngayon lang yata napansin na nandoon lang pala ang lalaki, imposibleng hindi nya mapansin si Tim sa laki ba naman nyang tao. Hindi naman umimik ang katabi ko

"Maiwan ko muna kayo dyan Ma, usap kayo. Tulungan ko lang dun si tita sa pag ha-halo ng buko pandan"

Bahagya naman akong napa kunot sa huli nyang sinabi, hindi ko alam kung nag bi-biro. Pero nalipat naman ang atensyon ko kay Tim nang iwan kami ni Cheenie, katulad kanina ay naramdaman ko ulit ang ilangan saaming dalawa, hindi ko magawa na mag bukas ng usapan

You're The Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon