Chapter Forty One

5.8K 107 12
                                    

"Naku huwag kang mag alala, mabilis lumipas ang panahon mamamalayan mo na lang may binata kana"

"Naku huwag naman sana ganon kabilis, kapag lumaki naman sya ay gu-gustuhin naman natin na bumalik sya sa pagka bata"

"Totoo, kaya i-enjoy natin ang mga panahon na nakikita syang lumalaki at natututo sa buhay. Unang gapang, unang hakbang, unang salita na bibigkasin nya. Tama ka masarap sa pakiramdam ang maging magulang, nasa tyan ko pa lang si baby ay naramdaman ko na ang koneksyon at pag ma-mahal ko sakanya"

Hindi ko napigilan ang pag u-ulap ng mga mata, nagiging emosyonal yata ako. Ramdam ko ang mga titig ni Tim habang nag pupunas ako ng luha gamit ang mga daliri

"You're doing a great job being a mother George and I'm proud of you, alam mo na kaagad ang gagawin mo for a first time mom"

Lalo akong naluha sa sinabi nya

"Instinct marahil, mga naririnig ko lang din dati kay nanang kung paano nya raw ako inalagaan nung bata pa ako saka malaki din ang naitulong nung baby book, google na din"

Sabi ko na nangingiti, mukha siguro akong tangang tingnan. Umiiyak ngunit naka ngiti

"Yeah you always read that baby book, you took motherhood by heart at kinatuwa ko yun"

"Masaya din ako na may nakaka appreciate din pala ng mga simpleng bagay na ginagawa ko para kay baby"

"Any kind of effort long as it came from the heart is already a big gesture George, come here"

Bago pa man ako maka huma ay tinawid na ni Tim ang pagitan namin at yinakap ako, hindi ko yun inasahan para lang akong tuod na naka tayo. Nang kumalas sya sa yakap ay naka mulagat lang ako sakanya, pareho kaming hindi nag sa-salita habang nag tititigan. Nadama ko ulit ang pamilyar na emosyon na parang humihila sakin kay Tim, yun yata ang tinatawag nilang chemistry. Mag salubong lang ang mga mata namin ay parang may fireworks na sa paligid, hindi ko alam kung ramdam din nya yun

Nakita ko na bahagyang tumaas ang kamay nya marahil ay balak akong abutin, nakita ko din ang pag galaw nya sakanyang puwesto na mukhang lalapit

"I-inaantok na ako, tulog na tayo. Pihadong maaga nanaman akong gigisingin nitong makulit bukas"

Napa kurap pa ako, kahit hindi naman ako sigurado sa gagawin ng lalaki ay mabuti na ang nakaka sigurado. Kilala ko ang sarili simpleng haplos lang nya ay sapat na para makalimutan ko ang mga bagay-bagay

"O-okay, hope you sleep well"

May nakita akong dumaan na emosyon sa mga mata ni Tim na hindi ko mabigyan ng pangalan ngunit pinili ko na lang na sulyapan ang anak na natutulog sa may kama

"Salamat, ikaw din. Goodnight Tim"

Tipid ko syang nginitian

"Night George"

Umiwas na ako nang maramdamang hindi pa rin umaalis si Tim at hindi pa din mapagkit ang mga mata sakin

"S-sige ako na lang ang mag sa-sara ng pinto"

Halos ipag tabuyan ko na sya, doon lamang sya tuluyang humakbang palabas ng kuwarto at saka lamang ako naka hinga ng maluwag

Isinusumpa ko sa gabing ito na bawal na amg maging marupok
















"VINCE! pasok ka, sa wakas ay natunton mo din ang bahay namin"

Masayang bati ko sakanya

"Georgina Florencia, na-miss kita"

Bungad nya sakin saka ibinuka ang mga braso nya at binigyan ako ng isang malaking yakap, ginantihan ko naman yun

"Syanga pala may sorpresa ako sayo"

You're The Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon