Chapter Twenty Seven

6.2K 98 6
                                    

"Sino sila?"

Tanong ko sa mamang naka tayo sa tapat ng malaking gate, agad syang ngumiti pagka kita sakin

"Magandang umaga kayo ho ba si Ms. Georgina Florencia?"

"Ako nga ho ano po ang kailangan nila?"

Magalang kong tanong, maiging pinag masdan ang lalaki na naka suot ng jacket at baseball cap sa hula ko ay nagla-laro sa kuwarenta anyos na ang edad.

"Meron po kayong parcel, kailangan nyo lang ho pirmahan itong proof of delivery"

Nag taka ako sa narinig

"Teka wala naman akong in-order online baka nag ka-kamali lang po kayo sir wala akong pambayad diyan"

"Bayad na ho ito mam, pi-pirma lang kayo"

Nag du-duda akong tumingin sakanya

"San ba galing yan?"

Wala akong ina-asahang may magpapa dala sakin ng package at ano naman kaya ang laman nun?

"Galing ho kay Ms. Chandana Samson"

Basa ng lalaki sa papel na naka dikit sa kahon

"Si Cheenie?"

Sabi ko sa sarili, wala siyang sina-sabi sakin at ano naman ang naisipan ng kaibigan kong yun para magpa dala ng kahon? Alam kong mahilig yun sa mga sorpresang ganto pero wala namang okasyon hindi ko naman birthday.

"Paki-pirmahan nalang po mam, sobrang init na dito sa labas pasensya na"

"Oo nga naman, sorry kuya amin na at pi-pirmahan ko"

Pag hingi ko ng paumanhin pumirma nga sa inabot niyang papel nang matapos ay nag paalam na sya, sinara ko ang gate sinigurong naka lock yun at pumasok sa loob. Pinatong ko yun sa may lamesa sa salas at pinindot sa cellphone ang numero ni Cheenie para tanungin tungkol doon ngunit naka ilang ring yun, sinubukan ko pa ng isang beses nang wala paring sumagot ay tumigil na ako. Habang naka tingin ako sa katam-tamang laki na kahon ay hindi ko maiwasang ma-curious sa kung ano ang linalaman nun. Naalala ko kung paano ka excited si Cheenie na bilhan ng gamit si baby hindi kaya gusto nya akong sorpresahin? Hindi na dapat sya nag abala may ilang pina-mili na rin ako noong malaman ko ang gender ng bata maging si Tim. Napag desisyunan kong buksan yun at ganon nalang ang pag ta-taka ko nang makitang puno yun ng mga papel na tila pinadaan sa shreded machine. Hinawi ko yun, ano naman kayang pakulo ito ng babaeng yun? Nagulantang ako dahil sa sobrang laking ga-gamba na sumulpot doon at gumapang pa sa kamay ko nang matitigan ko yun ng maigi ay saka ko lang napag tanto na hindi yun ga-gamba kundi isang tarantula. Napa sigaw ako sa gulat at nabuwal sa kina ta-tayuan mabuti nalang at nasalo ako ng sofa, lalo pa akong napa sigaw nang hindi pa rin yun ma-alis sa kamay ko. Sinalakay ako ng takot dahil ganoong nilalang ang kinatatakutan ko sa buhay. Para akong mawa-wala sa sarili habang iwinawag-wag yun mula sa sariling kamay tumilapon yun sa sahig pero hindi nun nabawasan ang pang hi-hilakbot ko. Pagka tapos ay narinig ko ang nag ma-madaling mga yabag ng paa sa may hagdanan, kita ko na huma-hangos si Tim sa pag baba mula roon.

"Anong nangyari George? Dinig na dinig ko ang sigaw mo mula sa kuwarto"

Hindi ako naka sagot dahil sa sobrang takot, matapang akong tao pero kahit na sinong pinaka matapang ay may kinatatakutan din.

"George answer me"

Sabi nya nang hustong maka lapit sakin, hinawakan pa ako sa magka bilang pisngi at pina harap ang mukha ko sakanya.

"Goodness you're so pale, for f*ck sake what the hell just happened?"

Nami-milog pa rin ang mga mata ko habang naka tingin sakanya

You're The Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon