Saddie's Pov
"Excuse me ma'am & sir! padaan po"
I smiled to them politely yet replaced in a moody face instantly nang d ko na sila kaharap.
Ang haba ng pila hayst ang dami ding tao. Bakit ba kasi hindi na lang ako sunduin sa bahay mismo ayan tuloy pawisan nakong naglalakad papunta sa meeting place ng barkada.
Nakakaloka dahil kinailangan ko munang dumaan sa milk tea store para bumili ng inumin ng kapatid ko. Dali dali ko rin namang inihatid ito sa bahay kaya ngayon sobrang hagard nako patungo sa seven eleven. Papalapit na ako nang nakita ko na ang wangis ng mukha ng isa kong tropa.
Itinaas ko ang aking kamay para iwagayway ito sa kanya ngunit hindi ito lumilingon. tumitingin din naman ito saglit ngunit hindi ako pinapansin.
"Makalapit lang tlaga ako sayo jervis, itutulak ko to mula sa sinasakyan nyang motor"
"Teka bakit magisa niya lang?"
papalapit na sana ako ng biglang may sumindak sa akin mula sa kaliwa ko.
"Huy!"
Napatingin ako ng makita ko si Jervis
"Ehh!?"
Litong ekspresyon ko at ipinabalik balik ang tingin sa lalaking nakita ko kanina pati kay jervis.
Napasapo na lang ako ng noo, medyo malabo na ang aking mga mata. Kaya hindi ko na din makita mga mukha nila ng malinawan sa malayo lalo na't madilim na.
There they are kasama ang ibang tropa, naka tricycle lang pala kami haha akala ko pa naman naka motors ang lahat at iaangkas na lamang ang iba.. pero kahit papano ay may iilang nakamotor naman.
Papasok na sana ako sa tricycle ng biglang may napansin akong hindi familliar na mukha.
Kanina niya pa pala ako tinititigan habang nakatayo sa gilid ng tricycle. Nilakihan ko lamang siya ng mata dahil sa gulat.
He is tall and have a masculine body with chinito eyes.
Mata ang una kong napansin dahil mapupungay at singkit ang kanyang mga mata, siguro dahil na rin sa naka suot ito face mask.
"Tara na! tara na! tara na!"
Pagmamadali ni Jervis ng ikinamadali naming dalawang pumasok sa loob ng tricylcle. Ngunit nagkalituhan kami dahil hindi alam kung saan ba kami pwepwesto. At isa pa, may nakaupo na pala sa loob at si ate kassie yon.
she's older than me, I guess 2 years ang gap namin?
Ayoko namang umupo sa pinakamaliit na upuan lalo na't dalaga nako, damn maliit lang ako noh.
I move backward para ipaubaya sa kanya ang pinto ng trycicle. Saka ako lumapit kila jervis sa likod at Ivan na mag dra-drive.
I hold jervi's t-shirt and pulled it several times while saying
"Jervs tabi tayo!"
"Ha?? Bakit? Ayaw mo sa loob?"
"Ayaw"
Masungit kong sabi sabay tingin sa lalaking di ko kakilala, ngunit agad ko din namang inilipat ang aking tingin sa loob ng tricycle.
Yayks nakatingin pala siya buti na lang tumingin ako sa loob. Naway hindi niya mapagtanto na isa siya sa dahilan kung bakit ayokong pumwesto doon.
Hindi ko alam kung bakit ayoko sumakay don pero isa sa mga concern ko ay, malamang obligading mag give away siya para ibigay ang malaking upuan para sakin, and most of all aware siya na babae ako at magpapaka gentle man ito. Well, karamihan sa una lang gentlemen.
BINABASA MO ANG
Independence is a related term of independent.
General FictionAn independent single woman in almost few years, who just met a stranger that unexpectedly courted and ruined her self-love, but eventually helped her to love herself even more.