"Beatrice, hija, may naghahanap sa 'yo sa labas."
Napatayo ako nang marinig ang boses ni Manang. Kaagad akong nagpunas ng luha bago buksan ang pinto ko. Bahagyang nanlaki ang mata ni Manang nang makita ako.
"Umiyak ka ba, anak?" Manang asked gently.
"Okay lang po ako." I lied. "Sino raw po?"
"Lalaki, hija. Sigurado ka okay ka lang?"
Tipid akong tumango kay Manang at ngumiti. Bahagya kong tinapok ang braso niya bago ako lumabas. I closed my door and walked downstairs, naiwan na si Manang do'n.
Lumabas ako ng bahay namin. Tatanong ko na sana sa guard namin kung sino 'yung tao pero kaagad ko nang nakita si Marco sa labas ng gate.
"Beatrice..." he called.
Mabilis akong tumakbo. Binuksan ko 'yung maliit ng gate namin at nang makalapit na ako kay Marco, mabilis ko siyang niyakap.
"Hey," he whispered while hugging me back. Ang isang kamay ay nasa likuran ko at ang isa ay sa likod ng ulo ko. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinarap sa kaniya. "Good thing you're okay." Huminga siya nang malalim. "I was going crazy."
"M-Marco..." I started crying. "T-Takot na..." I sobbed and covered my mouth but Marco pulled my wrist. "Takot na... takot ako." pag-iyak ko.
Kita ko ang panggigilid ng luha ni Marco. "I told you not to take a cab especially at night."
"I didn't have a choice." umiiyak na depensa ko sa sarili.
He cupped my face and wiped my tears using his thumb. "You want to go to my condo?"
Sunod-sunod akong tumango. Inakbayan ako ni Marco at inalalayan papunta sa kotse niya. I was letting out light sobs while he was driving. God, now I feel safe.
Hindi ako nagsasalita hanggang makarating kami sa parking ng condo niya. Inakbayan niya lang ako habang paakyat kami, hanggang sa elevator, hanggang makapasok kami sa loob ng unit niya, tahimik lang ako.
Agad niya akong hinila paupo sa couch at hinawakan ang dalawang kamay ko. Then he kissed both my knuckles. "I'm sorry..." unang sabi niya.
Then ngayon ko lang naalala na wala pala siyang paramdam maghapon. That I saw him in other girl's Instagram story. Na nag-absent siya para lang mag-beach.
I immediately snatched my hand from his hold. Tinignan ko siya nang masama nang maalala ang lahat. Why did I even go here?
"Beatrice..."
"Ano, huh?!" galit na tanong ko. "Explain yourself, Marco."
Umalis siya sa sofa at lumuhod sa harap ko, then he got both my hands again and put it on his chin. "I'll explain, promise. Don't be mad, please."
Hindi ako nagsalita, hinintay ko na lang ang sasabihin niya habang matalim na nakatitig sa kaniya.
"Okay, first..." mahinang panimula niya. "I was about to go to school but Mamita said there's an emergency so I went to her... then I found out na kasama pala niya si Claudia, the girl she wanted me to date. Of course, I wanted to leave, I have class."
"Pero maghapon kang walang paramdam." I said in a monotone.
"Yes. Yes. I know." mabilis na sagot niya. "When I went back to my car, all my tires were flat. I don't know what happened but I know they had something to do with it. Plus, the fact that they don't have a car. How the fuck did that happen? I tried calling you but there was no signal so I sent a lot of multiple messages but it all failed." Pinatong niya ang noo sa tuhod ko. "I'm sorry, I'm sorry."

YOU ARE READING
Life Of Yesterday (Only a Mémoire)
RomanceBeatrice Carla Dela Rosa is a quiet type of person, she doesn't care about the world... even about her family because she believes that she only got herself and herself in the end. Not until Marco Ysmael Alcantara came into his life, everything has...